VII

74 2 3
                                    

Chapter seven : The Big Revelation

Hanna's Point of View

Maaga pa lang ay nagpunta na dito si Kristoff para hiramin ang pamangkin niya at ipapasyal daw niya. Pumayag naman ako dahil alam kong nangungulila siya sa anak niya na tinangay ng asawa niya.

Alas dose ng tanghali nang tumawag sa akin si Kristoff pero sa pagtataka ko ay ibang boses ang narinig ko.

"Hello, ma'am?"

"Hello. Sino 'to? Bakit nasa'yo ang phone ni Kristoff?" takang tanong ko. Medyo nagtaas pa ako ng boses para mahintakutan kung sino man 'yon.

"Ma'am, naaksidente po si Mr. Kristoff Galvez pati na ang batang kasama niya."

Nagitla ako sa sinabi niya kaya nanginig ang kamay ko. Mabuti at hawak ko pa rin ang phone. Agad na binalot ng takot at kaba ang puso ko nang sandaling marinig ko 'yon.

"S-Saan? Bakit? Anong nangyari?" tanong ko, kinakabahan pa rin.

"Sinugod sila sa St. Xavier Hospital ma'am." sagot naman sa akin nung lalaki.

"Ah,  s-sige. Pupunta na ako d'yan." sabi ko sa kanya.

Nagmadali na nga akong pumunta sa St. Xavier. Maging si Christian ay tinawagan ko para makasunod. Wala namang kaso kung susunod siya dahil bantay lang naman siya sa restaurant nila.

"Ma'am, kaano-ano niyo po sila?" tanong ng nurse sa akin.

"Anak ko 'yun tsaka brother in law ko." sagot ko naman.

"Ma'am, nasa ER pa po sila. Maupo nalang po muna kayo dyan." sabi niya sa akin maya-maya. Tumango ako at tinahak ang pasilyo papunta sa ER. Sarado pa iyon kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo lang doon at umiyak nang umiyak.

"Sweetheart!"

"Chris." Kaagad akong lumapit kay Chris at sa kanya ako umiyak. Niyakap naman niya ako at marahan pang hinagod ang buhok ko.

"Anong nangyari sa kanila?" tanong niya sa akin. Umiling-iling lang ako.

"Hindi ko alam. Ang sabi nabangga daw sila ng van." sagot ko. Sakto naman at natanaw ko na paparating ang dalawang pulis.

"Ma'am. Sir."

"Ako po ang kapatid at tatay ng dalawang sinugod dito. Ano po ba ang nangyari?" Tinanong na kaagad ni Chris ang dalawa.

"Sir, nagtanong-tanong kami at ayon sa mga saksi, nabangga daw sila ng van. Mabilis daw ang takbo nito at lasing daw ang driver kaya kahit iniwasan nila, nabangga pa rin sila." paliwanag ng pulis na babae. Napasabunot naman si Chris sa buhok niya.

"Ano? Nahanap niyo na ba 'yung driver ng van?" tanong ni Chris, medyo galit.

"Sir, nacheck na po ang CCTV at nakuha na po ng plate number niya. Sa ngayon, tinetrace na po namin siya." sagot ng pulis.

"Malala ba ang lagay nila?" tanong ko naman.

"Yes, ma'am. Duguan po sila parehas. Nauntog pa ang ulo ng lalaki doon sa manibela." sagot ng lalaking pulis. Napatingin ako kay Christian at napaiyak na naman.

"Ssshh... Sweetheart, they'll gonna be fine, huh? Magtiwala nalang tayo sa Diyos. Magdasal nalang muna tayo." pag-aalo sa akin ni Chris. Pagkatapos ay inanyayahan niya ako na maupo muna sa mga upuan doon sa may pasilyo. Sakto naman at tumawag si Sayen.

"Hanna!" masigla pa niyang bati sa akin.

"Sayen, bakit?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na nagawang siglahan ang tinig ko.

✔️ Love's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon