Chapter eight : Secret From The Past
"Yung katarantaduhang ginawa niyang asawa mo at best friend mo." mariing sagot ni Christian. Napaawang ang bibig ko at takang napatingin kay Eivrell at Hanna.
"Anong?" 'Yon lang ang tanging natanong ko sa kanilang dalawa. Kapwa hindi sila makatingin sa akin.
"Ano? Sabihin niyo na kay Sayen na anak niyo si Kristien!" sabi ni Christian na lalong nagpagulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o ano. Paanong naging anak ni Hanna at Eivrell si Kristien?
"Eivrell... Eivrell, tell me what's going on? Ano'ng sinasabi ni Christian?" tanong ko kay Eivrell na parang nagmamakaawa. Kasi nagdarasal ako na sana ay sabihin niyang hindi totoo 'yon. Na wala silang ugnayan ni Hanna!
"Christian, paano mo naman nasabi 'yan?" tanong naman ni Hanna sa asawa niya.
"Ah so itatago niyo pa talaga sa amin? Kay Sayen? Tangina, isipin niyo naman si Sayen. Isipin niyo 'yung kasalanang ginawa niyo samin ni Sayen!" galit na sabi ni Christian kay Hanna.
"Teka nga!" agaw-pansin na sigaw ko kaya nagsitinginan sila sa akin. "Sabihin niyo na sakin ang dapat kong malaman! Malalaman at malalaman ko rin naman 'yan!"
"Mommy..."
Napatingin ako kay Yeshaya na takot na takot na ngayon. "No, baby it's fine." pag-aalo ko sa kanya.
Tumingin akong muli sa tatlo. Kay Eivrell, Hanna at kay Christian na nagpapalitan ng mga tingin.
"Ano? Eivrell, Hanna, sabihin niyo na sa akin kung ano ang totoo!" sigaw ko pa. Wala na akong pake kung pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Gusto ko nang malaman ang totoo!
Lumapit sa akin si Hanna. "S-Sayen, may nangyari samin noon ni Eivrell...at si Kristien ang bunga noon."
Napatulala nalang ako sa sinabi ni Hanna. Para bang saglit na tumigil ang mundo ko.
Pagkatapos naman ay lumapit ako kay Eivrell. "Ano, Eivrell? Totoo ba?" tanong ko sa kanya. Napasabunot nalang ako sa buhok ko nang unti-unti siyang tumango. Nabitawan ko ang kamay ni Yeshaya at pinaghahampas ang dibdib ni Eivrell.
"Paano mo nagawa sakin 'to!? Bakit best friend ko pa!? Bakit pinakasalan mo pa ko!?" paghihimutok ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko para pigilan ako.
"Hon, wag dito." pakiusap niya.
"Wag mo kong tatawagin ng ganyan! Wala kang kwentang lalaki!" galit na sabi ko sa kanya. Binuhat ko na si Yeshaya at dali-daling umalis sa ospital. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong umuwi sa amin at ayoko munang sabihin kina Mommy. Bahala na.
"Mommy, bakit natin iniwan si Daddy?" tanong ni Yeshaya na lalong nagpaiyak sa akin. Mag-aapat na taon pa lamang si Yeshaya sa April. He's too young to be involved in this damn family but still, he might experience being in a broken family someday.
"Wala, ah, babalikan nalang natin siya later, okay?" pagsisinungaling ko sa kanya. Mabuti nalang at mas malapit siya sa akin kung kaya't di siya masyadong humahabol sa daddy niya.
"Eh bat ka po umiiyak?" tanong pa niya sa akin.
"Napuwing lang si Mommy, nak." muli kong pagsisinungaling.
Napatigil ako sa paglalakad nang may bumusinang kotse sa tapat namin. Napalingon ako roon at nakita ko ang kotse ni Peter. Binuksan naman niya ang bintana niya.
"Sayen? Oh, bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong niya sa akin.
Napailing lang ako at sana ay magsisinungaling na ako para di na siya magtanong ngunit di ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

BINABASA MO ANG
✔️ Love's Karma
Short StoryEverything was going well in Sayen's life. She has reached her dreams and was living a happy life with her husband and son. But one tragedy changed everything as it revealed a buried secret from the past. Was it really just a tragedy or her own kar...