IX

65 2 2
                                    

Chapter nine : Her Karma

Walang sinuman o anuman ang makakatibag sa pagsasama nating dalawa.

Iyon ang kauna-unahang pangakong sinumpaan ko kasama ang isang tao. At si Hanna ang taong 'yon. Nagsumpaan kami ng pangakong 'yon noong bago pa man kami maghigh school. At dahil sa nangyari ay bumalik sa akin ang alaala ng pangakong 'yon.

Nang gabing iyon, nagkulong ako sa guestroom habang tinitignan ang photo album na ginawa ko mismo noong second year college kami. Halos lahat ng pictures doon ay kaming dalawa ni Hanna. Kahit sa mga group pictures ay naroon pa rin siya kasama ko.

We were inseparable. Para kaming kambal na pinaglayo ng tadhana at muling pinagtagpo. Whatever I had, mayroon din siya at ganoon din siya sa akin. We have the same accessories, clothes and sometimes even profile pictures, parehas din. Madalas din kaming magtulungan sa seatworks, exams, assignments, projects.

I did almost everything with her. I grew up with her. Fell in love with her by my side. We pursued our dreams together. Before Eivrell came into my life, siya na ang mahal ko. Siya na ang first love ko at siya na rin ang definition ng forever ko.

She's always there when I am sad and in pain. Kaya kahit ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na siya pa ang magiging dahilan ng pagkawasak ko ngayon. Na siya pa ang magiging dahilan para magkalamat ang pagsasama namin ng asawa ko.

Katulad ng sabi ko kay Eivrell, mas mahirap tanggapin na si Hanna ang naging babae niya noon. Mas mahirap magalit kasi may pinanghahawakan akong memories at feelings na nabuo sa matagal na panahon. Mas matagal pa sa pagsasama namin ni Eivrell.

At isa pa, hindi ko rin lubusang masisi si Hanna dahil alam ko naman na ako ang nauna. Na bago ko ito napagdaanan, napagdaanan na niya rin ito.

At di ko maiwasan ang matawa sa sarili ko. Ganito pala kasakit 'yung ginawa ko noon sa kanya. Ganito pala katinding parusa 'yung pinaramdam namin sa kanya noon.

Flashback

Third year high school kami noon. Hindi pa noon nag-aaral si Eivrell sa St. Clair. Kami pa lang ni Hanna ang magkasama noon. Wala pang Rosie, Simon at Peter.

There was a very popular guy in our school—si Dion. Dion Sebastian is known for his good looks and lovely voice na talaga namang nagpapakilig sa mga kababaihan noon. Except from me and the other 5% pupulation of the girls in school. Kasi tingin ko sa kanya ay napakayabang at napakasungit.

August naging sila noon ng best friend kong si Hanna kaya madalas kaming nagkakasama kahit ayaw namin sa isa't isa.

"Bakit ba lagi nating kasama si Sayen?  Di ba pwedeng masolo man lang kita?" ang laging reklamo ni Dion kay Hanna.

"Hayaan mo na, by. Wala naman kasing boyfriend 'yang si Sayen and ako lang din naman ang best friend niya. So kapag nagsolo tayo, she'll be alone at ayokong mangyari 'yon." ang lagi namang paliwanag ni Hanna sa kanya.

✔️ Love's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon