Epilogue

70 3 4
                                    

Epilogue

Palipat-lipat ang tingin ni Rosie sa amin ni Hanna. Nakaupo siya sa sofa ni Peter. Si Hanna naman ay nakaalalay kay Kristien kung saan man ito magpunta. Ako naman ay nakaupo lang sa hagdanan nila Peter habang tahimik na nakatanaw sa kanila.

Si Peter, nagluluto ng hotdog para sa mga bata. Si Simon ay dumudukot din doon. Si Christian ay gumagawa ng dessert. Si Eivrell, abala sa pag-aayos ng mesa. Kung minsan ay tumutulong sa kanya si Simon.

Naisipan kong tumayo at tumabi kay Rosie na nanonood ng TV ngayon.

"Uy, ayos lang ba talaga na matuloy 'to?" tanong ni Rosie sa akin. Halata sa kanya ang pag-aalala. Nginitian ko naman siya.

"Oo naman." sagot ko sa kanya.

"Sige, sabi mo eh." sabi niya sabay tawa, pero halata namang peke iyon dahil hindi siya komportable.

"Uy, anong oras na ba?" tanong ni Simon sabay tingin sa orasan. Napatingin din kami doon.

"10:30 na! Bigayan na ng regalo!" sabi ni Peter sabay lapag ng pinggan na may mga hotdogs sa lamesa.

Dahil doon ay nagsipuntahan na rin sa dito sa sala habang bitbit ang mga regalo nila. Inilagay naman ni Rosie ang bowl, kung saan bubunot kami kung sino ang unang magbibigay, sa may gitna ng coffee table.

"Excited nako!" sabi ni Simon. Binatukan naman siya ni Rosie.

"Sira! Para ka talagang bata!" inis na sabi ni Rosie.

"Oh, ako na ang bubunot ah?" sabi ni Peter. Pagkatapos ay bumunot na siya sa may bowl. "Simon!"

Lahat kami ay napatingin kay Simon para tignan kung ano'ng regalo niya. Pero wala siyang kadala-dala nang lumapit siya kay Rosie. Nagulat naman kaming lahat nang lumuhod siya sa harapan nito.

"Ayieee!" kantyaw namin sa kanila. Nagsilabasan na rin kami ng mga cellphones namin para kuhaan sila ng video.

"Rosie, babe, ikaw ang nabunot ko eh." panimula niya.

"Halata naman." pambabara naman sa kanya ni Rosie kaya natawa kami.

"Ang tagal kong nag-isip kung ano kaya ang pwedeng iregalo sa'yo. Damit, bag, sapatos, alahas... Wala akong makitang babagay sa'yo eh. Pero nung tumingin ako sa salamin, nasabi ko. Wow! Ito na nga yung sobrang bagay kay Rosie." sabi ni Simon kay Rosie. At kahit pa kinikilig si Rosie ay nagawa pa rin niyang barahin si Simon.

"Dami mong alam na kakornihan talaga!" sabi ni Rosie. Tinawanan lang siya ni Simon.

"Baka akalain mo wala akong binili sa'yo ah. Syempre meron." sabi ni Simon at mula sa bulsa niya ay inilabas niya ang maliit na kahon. Napatakip sa bibig niya si Rosie at napaiyak na. Maging kami ay nagulat doon.

"Rosie, babe, noon pa lang gusto na kita. Lalo pa noong naging magkaibigan tayo. At kahit naging kayo ng pinsan ko, di pa rin nawala ang pagmamahal ko sa'yo. Rosie, alam mo sobra akong nasaktan noong nireject mo ako. And after a year of being away from you, ikaw pa rin eh. Kaya sobrang saya ko noong bigyan mo na ako ng pagkakataon noong kasal nila Eirvell. Rosie, babe, we've been together for five years. I know, hindi mo pa nahahanap ang tatay mo. Pero babe, gusto ko nang makasama ka sa habang panahon. Babe, di na rin naman tayo bata." mahabang sabi ni Simon. Pagkatapos ay binuksan na niya ang kahon ng singsing. "So, babe, will you marry me?"

Tumango-tango naman si Rosie habang umiiyak. "Yes, babe!"

"Guys, alam niyo ba 'to?" tanong sa amin ni Rosie. Umiling naman kami dahil kami rin naman ay nagulat sa nangyari.

"Nagpasya akong ituloy 'to para magkabati-bati na." sabi ko kay Rosie.

"Oh, mamaya na ang drama!" sabi ni Peter. "Ikaw na next, Rosie."

✔️ Love's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon