Chapter XIII

20 2 0
                                    


A/N: Request ng kontrabidang Artemis na bigyan ko daw ng point of view yung malanding kaibigan---Artemis words---pero hindi ko parin ilalagay ang pangalan niya.

Someone

"The end. Yun yung napagusapan namin ni Orpheus" Nakangiting sabi ni Artemis sa akin.

"Idol na talaga kita, biruin mo hindi ka pala nakokonsensya sa tuwing ningingitian ka ni Eury? tsk tsk poor Eury, paano kaya kung malaman niyang tinatraydor siya ng isa sa pinakamamahal niyang kaibigan?" Sabi ni Artemis, tinignan ko lang si Eury habang kausap si Caerus.

"Siguro iiyak nanaman siya kasi wala naman siyang magagawa doon diba pero mas masakit ngayon dahil dalawang mahalagang tao na sa kanya ang nanakit sa kanya" Sabi pa ni Artemis. Dahan dahan niya akong kinokonsensya.

"Alam ko naman na sa kwento niyong dalawa ni Orpheus ay ako ang kontrabida, ang ganda ko namang kontrabida" Pagtararay niya sa akin.

"Biruin mo two years niyo kaming niloko?" Sabi niya at tumawa.

"Nakakatulog ka ba ng mahimbing gabi gabi? Paano mo kaya nakayanan na tumawa kasama si Eury? paano mo kaya nakayanan na kausapin si Eury? At alam mo ba kung ano ang mas matindi?" Sabi niya at ibinaling sa akin ang paningin niya.

"Paano mo kaya nakayanan na makitang umiiyak si Eury ng dahil kay Orpheus?, makita siyang wala ng ganang kumain? wala ng ganang maligo at pumasok? paano mo yun nakaya?" Pangongonsensya pa ni Artemis kaya biglang tumulo ang luha ko habang iniisip yung panahong sobrang devastated si Eury.

"At paano mo naatim na dalawin noon sa Hospital si Eury dahil nahimatay siya---oy oy huwag kang umiyak! wala kang karapatan na umiyak kasi in the first place, kayo ang dahilan sa paghihirap ni Eury" May diing sabi ni Artemis kaya mas lalong dumausdos ang mga masasaganang luha sa aking mga mata.

"Huwag ka ngang umiyak sabi eh! nagmumukha akong kontrabida sa storyang to!" Inis na sabi niya habang nagpapadyak pa ang mga paa niya na parang bata.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa aking panga.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang umiyak kasi in the first place, wala kang karapatan doon dahil isa kang traydor at plastic na kaibigan" Nangigigil na sabi sa akin ni Artemis.

"Tapos ka na bang konsensyahin ako, ha Artemis?"

"Sa wakas ay nagsalita kana rin! at para sagutin ang tanong mo, hindi pa ako tapos! nagsisimula palang ako, like duh" Sagot ni Artemis sa akin.

"Kulang pa ang mga luha mo sa naranasan ni Eury" Seryosong sabi niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Iniwas ko ang paningin ko at tinignan sila Eury. May kinikwento si Eury kay Caerus, habang si Caerus naman ay natatawa lang sa mga kwento ni Eury, natanaw ko rin sa di kalayuan si Orpheus kasama si Poseidon.

"Speaking of hospital, naalala mo ba yung panahon na nahimatay si Eury dahil over fatigue siya? tapos dumalaw ka pa talaga sa kanya habang nag aalala ka!" Natatawang pagbabalik tanaw niya.

"Alam mo ba nang makita ko ang pag aalala sa mukha mo ay nasabi kong nahihirapan karin tulad ko dahil sa sitwasyon ni Eury pero natutuwa ka palang mamatay siya---" Isang sampal na mula sa akin ang nagpatigil sa pananalita ni Artemis.

"Kahit na alam mo ang totoong sikreto ko, kahit kailan ay hindi ko hiniling na mamatay si Eury--" Isang sampal ang nagpatigil sa akin.

"Pero yun ang nakikita ko sa mga traydor mong mga mata" Sabi ni Artemis.

"Now where are we? ah! naalala mo ba noong naaksidente ka? maraming dugo ang nawala sayo kaya maraming dugo ang kinakailangan mo tapos rare pa ang blood type mo, A- right? tapos pareho pala kayo ng blood type ni Eury at alam mo bang habang nasa hospital ka ay walang ibang kinain si Eury kundi ang ampalaya?, pareho nating alam na mapait yun pero tiniis ni Eury ang pait ng ampalaya para lang makakuha ang mga doctor ng sapat na dugo para sayo, isang linggo kang walang malay kaya isang linggo siyang walang kinain kundi ang ampalaya" Sabi ni Artemis kaya tumulo ang luha ko, hindi ko alam ang kwentong ito, ayaw na ayaw ni Eury ang ampalaya, isinumpa pa niya ang ampalaya noon pero nagawa niyang kumain ng ampalaya para sa akin.

"At alam ko naman na alam mo rin na ayaw na ayaw ni Eury ang ampalaya pero ang Ampalaya lang ang kinain niya sa agahan, pananghalian at hapunan, ginawa na nga niyang snack ang mapait na ampalaya na yan dahil sobrang desperada na siyang ibigay ang dugo niya" Galit na sabi ni Artemis sa akin.

"At dahil sa sobrang desperada niya, ginawa niya ng juice ang katas ng ampalaya, take note, walang halong asukal yun dahil ayaw niya kasi kailangan mo raw ng dugong healthy at hindi pa siya doon nakuntento, gumawa pa siya ng tsaa na purong katas ng ampalaya" Inis na sambit niya.

"At alam mo ba na ano ang palagi niyang sinasabi sa tuwing kumakain o umiinom siya ng ampalaya?" Sabi niya.

"'Kailangan ako ng kaibigan ko, hindi ko siya pwedeng sukuan' Yan ang palagi niyang sambit. Pero binalaan na siya ng doktor na hindi siya pwedeng mag donate dahil ang payat niya pero nagpumilit si Eury dahil kailangan mo daw siya. At sabi naman ng Doctor ay may supply naman daw ang ibang hospital ng A- na dugo pero two weeks pang makukuha at sabi ng Doctor ay kailangan mo ng dugo as soon as possible" Natulala ako kay Artemis.

Wala akong alam sa mga bagay nayun, ang alam ko lang ay may nag donate daw sa akin ng dugo kaya ako gumaling.

"Hindi mo alam yun diba? kasi nakiusap si Eury na huwag nang ipaalam sayo dahil ang importante ay mailigtas ka niya. Payat si Eury pero halos limang bag ang nakuha ng doctor sa kanya, gumaling ka kaagad dahil sa ampalaya na kinain ni Eury sa loob ng isang linggo" Sabi ni Artemis.

"Tignan mo, halos isakripisyo na ni Eury ang lahat pero nagawa mo pa siyang traydurin? tunay ka ba talagang kaibigan?---"

"Bakit palagi niyo nalang iniisip ang nararamdaman ni Eury?! paano naman ako Artemis! paano naman ako?! wala na ba akong karapatan na maging masaya dahil kailangan ko pang isipin ang mararamdaman ni Eury?" Inis kong banat sa kanya kaya isang napakalas na sampal ang bumungad sa akin.

"Oo! kailangan mong isipin ang mararamdaman ni Eury dahil wala naman siyang ibang inisip kundi tayo!" Galit niyang sigaw sa akin at kinuha ang cellphone niya at may kinalikot.

"Darating rin ang araw na makikita to ni Eury" Sabi ni Artemis at ipinakita sa akin ang isang video namin ni Orpheus na naghahalikan kaya nanlaki ang mga mata ko.

Ito yung araw na nagdi-date kaming apat, sinundan pala ako si Artemis kaya bago ko pa maagaw ang cellphone niya at itinago na niya ito.

"May paalala pala ako sayo, kapag tumagal pa ang pagsi-sikreto niyo ay mas lalong masasaktan si Eury at tsaka..."

"...Nagdududa na sayo si Eury"

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon