[ Yana ]
"Is this true?". kunot-noong tanong sa akin ni Daddy habang hawak ang news paper na kanina pa niyang binabasa.
It was a perfectly quiet morning sana kasama ng parents at mga kapatid ko. At first time, in a very long time, na makakasama namin si Dad for breakfast. Wala daw kasi siyang scheduled senate meetings today, kaya libreng-libre siya na magpahinga muna kahit isang araw man lang.
Kaso nga lang, nasira pa nang dahil sa nabasa niya sa diyaryo.
Hindi ko nga maintindihan eh. Sa lahat naman ng pwede niyang gawin sa day-off niya, ang pagbabasa pa talaga ng peryodiko ang napili. At sa Society Page pa talaga ha!.
You see, my dad doesn't usually read any type of newspapers, let alone, the Society and Entertainment pages. Ngayon lang talaga.
Katuwiran niya'y bakit siya mag babasa ng gano'n kung lahat naman ng laman no'n ay puro mga patung-patong lamang na kasinungalingan. Fabricated lies, ika nga niya.Kaya nakakapagtakang talagang nag basa siya ng ganiyan ngayon. At alam kong nabigla siya sa kung anuman ang mga nabasa niya.
Napalunok ako't tumingin kay Mommy. Signaling for help.
Hindi ko kasi talaga alam kung pa'no ipapaliwanag kay Daddy ang lahat. May plano naman talaga akong sabihin sa kaniya yung nangyaring eskandalo sa'min ni Andrei, kaso naunahan ako ng mga bali-balita. At ang malas ko lang dahil sa ganitong paraan pa nalaman ni Daddy ang lahat.
Mom cleared her throat, at nag salita.
"Core, Cathy..." sabi niya sa mga kapatid ko na kanina pa kaming pinapanuod habang tahimik na kumakain at nakikiramdam.
"...go to your rooms. Mag uusap lang kami nila Daddy".And she signaled to our maids, Cathy and Core's yayas.
"Pero Mommy, this is where the fun starts!". reklamo ni Core.
"Tsaka mommy, matatanda na kaya kami. Alam na namin yang mga ganiyang family issues". dugtong pa ni Cathy.
"No. Go upstairs to your rooms". matabang na sagot ni mommy sa kanilang dalawa.
"Ehhh..." magkasabay na unggot ng mga kapatid ko, at nag pout-puppy eyes pa.
Kung sa normal na araw, siguro'y papansinin ni Mommy ang pag mamaktol ng mga kapatid ko at sigurado akong pag bibigyan niya ang mga ito.
But it doesn't work this time, lalo na't sa ganitong klaseng sitwasyon.
"Hindi. Usapan ng matatanda ito, kaya hindi kayo p'wedeng sumali. Go to your rooms. Now!".
Halos panlakihan na sila nang mata ni Mommy.Both my siblings groaned in disappointment. At wala silang nagawa kun'di ang sundin ang sinabi sa kanila, at tahimik na umakyat na lang kasama ng kanilang mga yaya.
Nang makaalis na at masiguradong hindi na kami naririnig pa ng dalawang bata ay nagsimula si Mommy na magsalita.
"A-ahh...ehh...d-darling, ano kasi..." nauutal na pilit ipinapaliwanag ni Mommy ang side ko sa abot ng kaniyang makakaya.
Nararamdaman ko na ang pagpapawis ng mga kamay ko dahil siguro sa kabang nararamdaman at sa tensyon na namamagitan ngayon sa amin ng parents ko.
Pilit kong binabasa ang damdamin ni Dad, pero wala akong makita.
Blangko. Walang bakas ng galit o pagka-inis na makikita sa kaniya.
Hindi ko tuloy alam kung nagagalit ba siya o natutuwa sa nangyayari.
"Totoo ba ang lahat ng ito Breeyana?". baling muli sa'kin ni Daddy.
Tumango na lang ako and mustered up all my courage para makapagsalita.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...