A's NOTE: Medyo seryoso ho itong storya na ito so kung di niyo trip ang mga ganito, skip to the next story. Salamaaaaat~
More on story telling din po ito. Konti lang po ang bagsakan ng dialogue ng mga characters.
P.s.: mahaba din ito like super haba like talong. Hihi.
P.p.s.: Read this short story first before reading "MISSION (YOU'RE) IMPOSSIBLE."~♡
Title: Without Me
Who: Alice & Ron~●~
"Pagod na ako. Pagod na akong buhatin ka. Pagod na akong ibigay sa'yo lahat ng attention ko. Pagod na ako! Pagod na pagod na ako Ron!"
"..."
"Buong buhay ko tiniis ko lahat! Hinayaan ko na malayo sa mga pangarap ko matupad lang ang mga pangarap mo!"
"Edi umalis ka. Iwan moko! Matagal mo naman nang gusto iyon diba?! Kung sawa ka na. Lumayas ka dito!"
Tumawa ako ng mapakla.
"Pera ko ang gumagalaw sa bahay na ito. Wala kang karapatang paalisin ako dahil ni piso wala kang naiambag sa pamamahay ko!"
"Fine! Aalis ako! Sayong-sayo na ang bahay mo!"
"Akin talaga ron! Akin! Walang sayo'ng hayop ka!"
He's gone. Malaya na ako. I can now rebuild my life and reach my dreams again.
No more hindrances. No more pain. No more ron. Sa wakas sasaya na rin ako.You see ron?
Maniwala ka, mas kakayanin ko mag-isa ng wala ka. Pero di mo kayang mag-isa ng wala ako. Do you think you can live without me?[8 YEARS AGO]
I was happy on my own. Sa pag-aaral lang umiikot ang mundo ko.
Lagi akong top sa klase, maging sa buong batch ko. Tinitingala ako ng lahat ng mga estudyante sa eskwelahan maging ang aking mga guro. Almost perfect nga raw ikanga. Kaso, kulang ako.Wala na akong mga magulang. Inampon ako ng mga Salvador. Sila ang kilalang pamilya sa lugar namin dahil sila ang pinakamayamang angkan. Dating tagapagbantay ng hasyenda ang tatay ko. Nag-aalaga naman ng anak ni Don Juanito Salvador ang nanay ko.
Sabay silang namatay pagkatapos akong pinanganak ng nanay ko. Papaano?Pinatay sila ng pamilya ng nanay ko. Oo, mayaman ang nanay ko. Pero mas pinili niyang maging asawa ang tatay ko. Kalaban ng pamilya ng nanay ko ang mga Salvador. Ang dela vega ang pangalawa sa pinaka mayamang angkan dito. Akala ng mga magulang ng nanay ko, na salvador ang napangasawa niya kaya pinatay nila ang aking ama.
At sa kasamaang palad nasama ang aking ina sa putukang naganap sa pamamahay namin. Si aling tasya ang kumadrona, ang nagligtas sakin at idinala ako sa mansion nina Don Juanito.
Si Don Juanito naman ngayon ang kinikilala kong ama, at kapatid ko na dating inaalagaan ni mama. Si Kuya Mateo Salvador. At mula sa pagiging Cortez, (apilyedo ng aking ama) ako na ngayon si Alicia Salvador. Walang nakakaalam na nagkaanak si mama. Kaya hindi ako hinanap ng mga Dela vega. Hindi rin naman ako ibinigay ni Don juanito dahil nais niyang magkaroon ng babaeng anak at nangako siya kay mama na aalagaan niya ako.
Dito ako sa St. ***** institute nag-aaral. Isa itong catholic school kung saan nagsama-sama ang mga anak ng mga mayayamang angkan. Catholic school pero kampon ni satanas ang mga nag-aaral.
Isa ako don. Wala akong sinasanto. Ang mga salvador ang gumawa sakin nito. Hindi nila kasi ako matanggap sa pamilya nila. Dahil may dugo akong Dela Vega.
YOU ARE READING
《ONE SHOTS》| Short stories
RandomThis is a compilation of all my short stories. Random updates lang po siya. So stay updated😊💕 And ang ilang back stories from my Books are all here. Whenever I feel like writing something Basta-basta nalang magUupdate to. Pero karamihan ng mga imp...