Kabanata 2

47 3 1
                                    

Kabanata 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 2


"Para ho." Mabuti na lang at eksaktong tumigil ang jeep sa tapat mismo ng university na pinapasukan ko kaya hindi na hassle para sa akin at hindi ko na kakailanganin na maglakad pa. Minsan kasi yung ibang driver, malalagutan ka na ng hininga sa pagsigaw ng 'para po' tapos sa malayo ka pa ibaba kaya ang layo pa tuloy ng lalakarin. Thank, God naman at saktong sakto lang yung driver kanina.


Ravenwood University


Pumasok na ako ng gate at pina-scan ko ang aking ID. Just like the other school, ganoon lang rin ang Ravenwood. May guard sa entrance and exit ng gate. May barcode scanner for ID right after na makapasok ka sa gate. May iba't ibang building for different courses since magkasama na ang college and highschool dito. May cafeteria, fountain, parking lot para sa mga employees and students. Meron din study area wherein bagong renovate yata yun kasi ginawang centralized. Auditorium, chapel, gym and such. Naglakad na ako patungong study area para duon ko tagpuin si Earene na malamang ay kanina pang naghihintay. Hindi ko naman kasalanan lalo't late na siyang nag-text sa akin kaninang umaga.


"Hey. Up for a change? At naisipan mong mag-aral ngayon, Earene?" Umupo ako sa harap ni Earene and then ipinatong ko ang bag ko sa table. Mukhang mas dumami na ang mga estudyante dito sa study area. Palibhasa centralized na. Talagang mauutak nga naman, noong hindi naka-aircon sobrang onti ng mga tao tapos ngayon naman parang puputok na yata ang buong study area sa dami na. Buti nga at nakahanap pa ng table si Earene.


"Ha Ha Ha, funny Sky. Really funny." Hahahaha nakakapanibago ah. Hindi naman nag-aaral si Earene unless may exam ng— fuck!


"Shit! Don't tell me may exam nga Earene?" Kung sakaling may exam nga then I'm doom! Kasi wala akong naaral na kahit ano mang lesson.


"Wala. Walang exam ngayon okay? Kailangan ko lang mag-aaral incase na magpa-exam yung bagong teacher natin. Para prepared ako" Whoo! What a relief! So, totoo nga talaga yung balita na magkakaroon daw kami ng bagong teacher. Hmm, I wonder kung bakit sa kalagitnaan pa ng school year umalis si Ms. Ferguson, teacher namin sa Math.


"Wait, Skyler do you use contacts?" Tumigil si Earene sa pag-aaral at takang tumingin sa akin. Huh? Why would I wear contact lens? 


"Are you insane? Hindi nga malabo mata ko tapos contact lens pa. So no, I don't use contact lens."


"So, you don't remember? Last, last Saturday? I think its October 14." And then chineck niya pa sa phone niya kung October 14 nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arcanum InstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon