Chapter Six

8 0 0
                                    

1 week and 4 days ago...

Kriiiiing! Kriiiiiing! Kriiiiiiiing!

Nagising ako sa sunod-sunod na ring ng aking alarm clock. Nag set ko kagabi ng 5:00 am kasi first day of school na namin ngayon. I am really excited. Tumayo na ako at nagsimula ng magligpit ng aking hinigaan at nilagay ko ito sa headboard ng aking kama. Inayos ko na din ang bedsheet kong nagusot dahil sa likot kong matulog. Nagstretch ako dahil masarap ito sa pakiramdam.

"Grrrr saraaaaaap" sabi ko nalang

Nilabas ko na din ang aking uniform, sapatos, at medyas. Ang kinuha kong sapatos ay yung flat lang, di ko naman kasi hilig magsuot ng heels. Baka matapilok lang ako.

Dumiretso na ko sa CR. Magbabath tub sana ako kaso baka matagalan pa ko. I decided to use a shower nalang para mabilis. Hinubad ko na lahat ng damit ko at naligo na. Di ko na sinara yung pinto ng aking CR dahil nakalock naman yung pinto sa labas.

Kinuha ko na yung bathrobe na nakasampay sa hanger at yung twalya at nilagay ito sa basang-basa kong buhok. Paglabas ko ay hinanap ko din yung twalya kong maliit para pangpunas sa katawan ko. Sinuot ko yung panloob at sinunod ko na ang uniform. Maigsi pero sakto sakin pati yung blouse at vest. Bongga! Sinuot ko yung long socks ko at sinunod na ang sapatos. Yung ginamit kong mga twalya at bath robe ay sinampay ko ulit sa CR.

Pagbalik ko ay inayos ko na yung sarili ko. Naglagay ako ng Myra cream saaking mukha at leeg pagkatapos ay blinend ko ito. Pinatungan ko ito ng pulbo at nagsuklay na. No need to put lipstick kasi mapula ng normal ang labi ko. Nagpabango at lotion na ako saka ko inayos ang gamit ko bago lumabas ng kwarto.

Sinara ko na ang aircon ng kwarto at bumababa na.

"First day of school, Ma'am. Good luck!" Bati ni yaya ng makasalubong ko sa hagdan.

"Kinakabahan nga ko yaya eh" I pouted at dumiretso na sa baba. Naabutan kong kumakakain ang mag lolo

"Good morning ho!" Bati ko kay  Mayor.

"Oh, iha you're here. Seat and eat now. You look good today."

"Ayy thank you po" ngumiti lang si Mayor at tumingin ako kay Keith na nakatingin lang sakin.

"Good morning" nakangiwing bati ko. Amporkchop di parin maalis ang mata sakin.

"Good morning daw, apo" sabi ni mayor sabay tapik kay Keith sa balikat dahilan para mawala ang tingin niya akin.

"Pfft. Tutulo na nga laway mayor eh" sabi ko kay mayor pero kay keith parin ako nakatingin. Bigla itong humarap dahil sa sinabi ko kaya napatingin ako kay mayor bigla. "Diba, mayor?" Sabi ko ulit kahit nakangiwi na.

"Hahaha ano ka ba iha? Lolo nalang. Wag na mayor. Para kanamang iba samin." Sabi ni lolo

"But I thought she is kasambay? Why is she wearing that uniform?" Sabat ni Keith dahilan para mapatingin kami ni mayor ay este lolo sakanya.

"Apo, she's not a maid. I am just helping on her studies because her mother is sick. " sabi ni lolo

"Ahuh! That's right!" Sabi ko sabay subo ng kanin. Natawa kami ni lolo at nakita kong umiling si Keith.

"Whatever" sabi ni Keith.

Pagkatapos kumain ay umakyat ulit ako para mag toothbrush and mouthwash. Nagpulbo ulit ako at pabango bago bumaba. Tinignan ko muna ang sarili ko.

"Goodluck, self" sabi ko sabay baba ng hagdan. "Bye lolo"

"Wait Joyanne!" Ani lolo

"Po lo?"

"Here is your card and allowance for 1 week. " sabay abot sa kamay ko.

"Lo, wag na. May tira pa naman sa 5k na bigay niyo. 2k plus pa po yun eh" pagtanggi ko.

"No no no, it's okay." Sabi ni lolo sabay abot ulit ng pera.

"Thank you po talaga. "

"You're welcome joyanne! Yung card, you can use that one sa loob lamang ng school cafeteria, may 10k ng laman yang card nayan. At yang 2k mong allowance is ipunin mo nalang"

"Grabe po, ang dami na neto"

"You need that, Joyanne. Goodluck!" Sabay yakap na siyang kinagulat ko.

"Thank you po" at yumakap ako pabalik. Ako din unang kumalas sa yakap at pumunta na ng sasakyan.

"Pakihatid na sila Manong" ani ni yaya.

Waaait? Sila? Don't tell me

"Ang tagal mo! Male late na tayo oh?" Amporkchop

"Male late? You sure? As far as I know, 8:00 pasok natin but we still have 1 hour and 23 minutes so shut up!" Pagtataray ko. Kala mo ah? Panixx sa sakin.

"Pssh! Don't talk to me!" Aba aba'y ang galing netong batang to. Eh siya nga una kumausap sakin eh. Basagin ko yang mukha niya! Nag make face nalang ako at kinuha cellphone ko.

Composed Message to Mama

First day of school, ma! Ingaaat kayo diyaaan. I love you.

Message Sent.

Binalik ko na sa bag ko ang cellphone ko at pag tingin ko sa rear mirror upang magsalamin ay nakita kong nakatingin din si keith doon na pinagmamasdan ako. Napaiwas agad siya ng tingin at tinarayan ko nalang ito. Sumipol sipol pa,pahiya kang sungit ka. Naglagay ako ng konting pulbo at pumikit. Di naman ako matutulog. Gusto ko lang pumikit ba't ba?

Pagdilat ko ay papasok na kami sa parking lot ng St. Laurent University. Its already 7:18 sa wall clock ng school. I think kailangan ko ng magmadali. Maghahanap pa ko ng room eh. 

Nang tuluyan ng nakapark ay nagpasalamat ako kay manong at patakbong bumababa. I need to hurry. Di ko pa alam ang room number ko at ang building ko. 

I ran fast as I can hanggang sa mapunta ako sa isang napakalaking bulletin board kung saan nandun ang section and building namin.

"Bingi kaba?" May sumigaw mula sa likod namin. Hingal na hingal ang loko. "Hoy, kausap kita!" Sabi niya sabay turo sakin.

"Ako bingi? Hindi bakit?" Mataray kong sagot.

"Kanina pa kita tinatawag di ka sumasagot. Eh lumingon wala din eh! " naiinis na sabi niya.

Nakangisi ko siyang tinignan. "Really? Sabi mo kani-kanina lang na 'don't talk to me' so anong inaarte arte mo ngayon?"

"Ikaw kasi ang kulit mo! Alam ko na room no. At building natin. Follow me!" Sabi niya at naglakad na paalis. Follow daw kaya sumunod na din ako.

"Anong room no.? Anong building?" I ask

"Room 56 fourth floor, bldg. 24" okay okay! Damn! Ang init na. Kaaga aga naiistress ako!

Nang makarating kami ay tinignan naming yung bond paper na nakadikit sa wall na puro name. I saw my name and Keith's.

Nakarating din sa wakas. I think we're 22 palang here. Pumuwesto ako sa unahan at sinundan ako ni Keith.

"Bat dito ka mauupo?" Tanong ko.

"Bakit? Bawal ba? May pangalan mo ha?" Tinarayan ko nalang siya at di na ko nagsalita pa.

Its already 7:53 am at parami na kami ng parami. After a few minutes ay dumating na din ang aming professor.

-keyseecorn💙

Please don't forget to vote and comment mga bebs! Lovelots

HE'S GROUCHY BUT SWEET (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon