CHAPTER 4

9 1 0
                                    

CHAPTER 4


VYONNE P.O.V.

Today is Saturday and tinext ko na si Fate dahil magsha-shopping daw kami ng mga damit na gagamitin namin sa birthday celebration ng CEO na gaganapin mismo sa school. So ibig sabihin another program na naman panigurado. Napakaadvance talaga ng taong to eh next next week pa naman yun. Tsaka kakatapos lang ng program nung nakaraan tapos program na naman iniisip niya 😫😫

Mag-iisang oras na din akong naghihintay dito sa gate ng bahay namin ngunit wala pa rin Fate na nagpapakita. Tatawagan ko na sana siya ng makarinig ako ng sigaw.

"Best!!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Fate na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Bat ang tagal mo?" Tanong ko ng nakalapit na siya

"Sorry na best, nakalimutan kong may lakad tayo eh. Tsaka may inasikaso pa kasi ako at medyo nalate din ako ng gising. So please wag ka ng magalit." Mahabang paliwanag niya sabay yuko habang pinagdidikit yung dalawa niyang hintuturo. Aawwwwhh!!! I find it sooooo CUTE!!

Napangiti nalang ako sa ginagawa niya, para kasi siyang bata.

      "Ano ka ba, hindi ako galit at isa pa how can I got angry to the person whom I love the most." Sabi ko pero halos pabulong na lang yung mga huling sinabi ko.

      "Huh!? Ano ulit yung huling sinabi mo best? Hindi ko kasi masyadong narinig eh." Sabi naman niya

      "Wala yun. Tara na nga ng makarami tayo." Sabi ko sabay hila sa kanya at umalis na kami.

JHENZELLE FATE P.O.V

      "Ano ka ba, hindi ako galit at isa pa how can I got angry to the person whom I love the most." Sabi niya ngunit halos pabulong nalang yung mga huling sinabi niya pero narinig ko yun.

      Sa totoo lang aware naman ako na may nararamdaman siya towards me. Ako rin naman, hindi din naman maitatanggi sa sarili ko na I have a feelings for her kaso ayokong masira yung friendship na matagal na naming binuo.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, kaasar!!! Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Feeling ko iba na tong nararamdaman ko sa kanya. Mas mabuti siguro kung ienjoy ko na lang muna tong pakiramdan na to.

      "Huh!? Ano ulit yung huling sinabi mo best? Hindi ko kasi masyadong narinig eh." Tanong ko sa kanya. Just wanna make sure.

     "Wala yun. Tara na nga ng makarami tayo." Sabi niya sa akin saka niya ako hinila. Nagiging abnormal na naman ang tibok ng puso ko, paano hawak-hawak niya lang naman ang kamay ko habang naglalakad kami hanggang makarating kami sa sakayan. Kill me now!! Pag hindi pa niya binitawan kamay ko baka kung saan humantong ito. 😣 Please!! Let go of my hand!!

Till we meet AGAIN (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon