Camera

49 9 0
                                    

"Yan ba yung camera na binili ko sayo?" Tanong ni Colt nang mapansing hawak-hawak ko ang camera.

"Oo, bakit?" Tanong ko. Tumawa siya at saka sinabing, "Dapat binenta mo na, pera din yun"

"Pasensya na pero kailanma'y hindi ko naisip gawin iyon." sagot ko na nakapagpatahimik sa kanya.

"Andiyan pa yung mga pictures?" Tanong niyang muli, tumango ako bilang sagot.

"Dapat dinelete mo na, hindi mo na kailangan ang mga yun. Pa'no ka makakahanap ng kapalit ko kung hanggang ngayon pictures pa natin ang nandiyan sa camera?"

"Ayokong gawin 'yon. Itong mga pictures mo nalang ang meron ako, at ayokong burahin 'to dahil masaya tayo dito. Tingnan mo oh, nakangiti tayo dito habang papalubog ang araw" sabay pakita sa kanya ng litrato naming dalawa.

"Miracle, I need to go" wika niya. Napahagulgol ako, "Aalis ka na naman?! Hanggang kailan mo ba ako balak iwan-iwanan nalang Colt? Nasasaktan na ako, Hindi ko na kaya" wika ko habang umiiyak.

Niyakap niya ako. Iniangat niya ang baba ko at itinapat sa mukha niya, kitang-kita ko ang pag-agos ng luha niya sa mga mata.

"Nasasaktan din ako, Miracle. You need to accept na hindi na ako babalik. Hindi na ako kailanman magbabalik" muli ay napahagulgol ako sa mga wikang binitiwan niya.

"I don't want you to go, Colt. Please, stay with me. Stay with me, please" I beg.

"Kailangan mo na akong bitawan, Miracle. Hindi ako matatahimik hangga't hindi mo matanggap sa sarili mong wala na ako" wika niya.

"I died three years ago, matagal nang panahon iyon. Don't worry baby, I will be your angel. I promise. Babantayan kita from heaven just let me go" wika niyang muli na nakapagpahagulgol lalo sa akin.

"I can't baby, I can't" sagot ko.

"You can do it, Miracle. Nakaya mong mabuhay noong hindi mo pa ako nakikilala, kaya mo uli gawin iyon just trust me"

"But I can't let you go that easy, Colt"

"You can, baby, you can. Trust me" wika niya sabay halik sa noo ko. Napatingin ako sa kanya.

Hinalikan niya ang labi ko kasabay ng pagkawala ng kaluluwa niya.
"I love you, Colt." Wika ko sa huling pagkakataon. Nagbabakasakaling marinig niya sa langit.

"Araw-araw kitang bibisitahin, baby" wika kong muli sabay haplos sa lapida niya. Kinuha ko ang camera at saka kinuhanan ang sarili kong kasama ang pangalan niya.

Magkaiba man ang ating mundo.

Nasa langit ka man habang humihinga pa ako.

Pangakong mamahalin kita, hanggang sa huling hininga ko.

- Enid Lockheart





• ♪ • ♪ • ♪• ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪• ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪• ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪ • ♪• ♪ • ♪

A/N: hi guys. Baka malito kayo, 'Enid Lockheart' is my dummy account na ginagamit ko para mag-drama, mag-rant, magpost ng one shots (na kina-copy ko naman dito sa wattpad) and so on and so forth. In short, yan yung account ko sa RPW HAHAHAHHA

Oh ayan, para mas ma-gets niyo.

Add niyo ko guys, i'll gladly accept :)

Thankyou sa mga nagbabasa ng stories ko and at the same time, pasensya na kung di ko matuloy-tuloy yung ibang stories. Medyo hectic kasi yung schedule ko. Yung iba naman naka-save sa draft. Soon to publish.

Sana maintindihan niyo.

kindly VOTE. FOLLOW. SHARE.

Luvlooottsss Deinastyyyy<3

- Filtheia Dein

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon