[ Yana ]
"Excuse me, would you happen to know kung nasa'n si Andrei Peterson?".
Casey asked four good-looking guys na naka tambay sa main staircase sa labas ng Matthieu's Academy, ang all boys school kung saan nag-aaral si Andrei.
Sinamahan nila akong apat dahil gusto kong makausap si Andrei.
I have something really important to tell him. At nakasalalay dito at sa mga isasagot niya sa'kin ang buhay at kamatayan naming dalawa."I'd tell you if you give me your number". sagot ng isa sa kanila sabay hawakan sa baba ni Casey.
Agad namang tinanggal iyong ng huli at inirapan ang lalakeng lakas-loob na hinawakan ang mukha niya.
"Jerk". bulong ni Casey na mabuti na lang at kami lamang ang nakarinig.
"Ahmmm...hindi kasi yan ang ipinunta namin dito".
"We're looking for Andrei. The ANDREI PETERSON!".
Halos sabay na sabi nina Lia at Sherry.
Andrei's family is one of the shared owners ng Matthieu's Academy. At bali-balitang malaki ang bahagi nila sa school na ito.
Kaya si Andrei, he's like the king of Matthieu's.
At alam kong hindi kami mahihirapang hanapin siya dito, dahil nga kilala siya at sikat sa sarili niyang eskwelahan.
"What?". magkakasabay na bulalas nung tatlong lalake, malban do'n sa isa na tahimik lang at nag babasa ng makapal na libro.
"Wait, bakit niyo pa siya hinahanap girls?. Eh nandito naman kaming mga mas gwapo pa sa kaniya". sabat pa nung isa na kanina pang titig na titig kay Casey.
Kung sabagay, may point sila. Parang mas gugustuhin ko pa ngang isa na lang sa kanila ang maging boyfriend ko, at hindi si Andrei. Kaya lang, medyo may pagka mahangin din, though alam ko namang wala nang papantay pa sa pagka mahangin ni Andrei, kaya wag na lang din.
"Wow, as if naman!. You're not that mahangin 'no!?." pataray at nakataas ang kilay na sagot ni Casey. "O, careful ka ha!. Baka liparin ka ng sarili mo!".
"Are you talking to me beautiful?. Aba!, sa gwapo 'kong 'to baka pag nilipad ako ng hangin, magtilian pa lahat kayo. Dahil ang unang mahuhubad sa'kin, malamang shirt ko". sarkastiko at nakangising sagot nito sa pag tataray ni Casey.
Inangat nito ang uniform, sabay pakita sa'min ng six packs niya.
"Ugh!, whatever!".
"Gross!. Itago mo nga yan!".
Magkasabay na angal nina Casey at Sherry. At parehas na inirapan ang lalake.
Nagulat na lang kami ng marinig naming padabog na isinara nung isang lalake na nagbabasa ang librong hawak niya.
"Hey, stop it guys!. That's not how you treat ladies. Kaya kayo madalas nasasampal eh!".
Awat niya sa mga kasama't tumayo na sa pagkakaupo.
He's a tall guy na siguro'y nasa 5"7 ang height. Medyo boy next door ang look, at naka eyeglasses with black, thick rims.
Eto siguro yung nerdy sa kanilang lahat. sa isip-isip ko.
"Sorry girls ha. Ngayon lang ata nakakita ng magaganda ang mga 'to eh". he apologetically said.
"Uhmmm okay lang. Hinahanap lang naman namin si Andrei eh". sagot ko.
Napakunot-noo siya at tinitigan akong mabuti.
"Holy!-..." bulalas niya.
Nagulat ako't nagtaka.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...