{Chapter 12} *Something*

34 2 0
                                    

{Chapter 12}

 

~ADESINA's P.O.V~

 

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko. Pansin ko naman na ang busy ng mga estudyante ng C.U. Kung hindi nyo kasi naitatanong eh malapit na ang school festival. Alam nyo naman, kahit kakastart palang ng school year eh festival na agad dito sa C.U. Wala eh. Unique eh. :D

Kung nacucurious kayo sa amo ko na walang ginawa kundi ang sikipin ako sa kama ko buong magdamag kaya hanggang ngayon inaantok ako dahil hindi ako nakatulog! =___= Ayun, maagang umuwi kanina. Buti nga at wala sya sa mood makipag-asaran sakin kanina eh. Hindi na sya nagabalang mag-almusal at umalis na agad. Ayos lang naman sakin yun dahil tipid sa breakfast. :D

Malapit na ko sa room nang makasalubong ko si Axel.

"Uy Ades. Namiss kita ah." bati nya sabay tawa. Nasa tapat na kami ng classroom ko.

"Parang isang araw lang naman tayo hindi nagkausap ah."

"Hahaha. Pasensya naman. Nakakamiss ka kasi eh." sya sabay smile.

"Hehehe. Pasok na ko ah." bat ba parang biglang naging awkward ako sa kanya. Inis naman kasi ang lalaking to eh! Inaantok pa nga ako tas ngingiti sakin ng ganun. =___=

"Ah teka lang." pigil nya, "Tinatawagan ko kase si Cody kagabi. Hindi nya sinasagot. Alam mo ba kung anong nangyari dun?"

Napatingin ako sa kanya, "Ha? Ewan ko." hindi ko pwedeng sabihin na natulog si Allen sa dorm ko! Baka kung ano pa isipin nito eh.

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?"

"Nag-usap na."

"Talaga?" nagtaka sya, "Sino unang nag-initiate ng conversation sa inyong dalawa?"

Inisip ko kung sino nga ba pero parang si Allen eh. Diba nga tinawag nya ko kahapon?

"Hm. Sya. Bakit?"

Kita ko na pinipigilan ni Axel na tumawa kaya napakunot ang noo ko. Ano na naman iniisip nito?

"I see. Sige, pasok ka na." sya.

Tumango nalang ako kahit nagtataka ko sa kinikilos nya, "Okay." at ayun na nga. Pumasok na ko sa classroom ko. Ang busy din ng mga classmates ko. Hay. Samantalang ako walang ginagawa. Matutulog nalang nga muna ako tutal wala pa naman si Cyrine at nabalitaan ko na wala ang first subject namin.

***

Lunch na kaya papunta na kami ni Cyrine sa canteen. Wala pa rin sa real world ang utak ko dahil kasalanan to ng ungas kong amo! Hindi ako pinatulog! >_<

Nung nakabili na kami ng pagkain ay pumwesto kami ni Cyrine dun sa vacant table.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon