A FATHER'S LOVE

2 1 0
                                    

Busy ang lahat habang ako ay nasa tabi lang at nagmamasid,naghihintay lang sa utos ni mama o kaya nila ate.Makikita sa mukha ng pamilya ko ang kasiyahan pati ng mga taong nakitulong sa pagprepara. Habang nagmamasid napadako ang tingin ko kay papa, masasabi kung nomasaya siya based on his face, kahit mababakas ang pagod at pinagpapawisan ,his still smiling wide. Napangiti ako , masaya ako dahil happy si papa. Bukas na kasi ang araw at gàgraduate na si kuya sa kursong CIVIL ENGINEERING. Napahinto ako sa pagmamasid kay papa ng may tumawag sakin. Si mama pala.
"

Ell tulungan mo mga kapatid mo sa pagbabalat ng sibuyas at bawang dun,ikaw talagang bata ka napakamahiyain mo talaga nandiyan ka na naman sa sulok". ani ni mama Lolit ng makita ako.
" Sige po ma, tutulong na po".sagot ko.
Tinulungan ko lang si ate at wala na akong masyadong ginawa,inuutusan paminsan minsan sa makakaya ko lang gawin. Ano nga ba ang maitutulong ko eh isang hamak na 11 yrs old lang ako.
~KINABUKASAN~
Nagising ako kinabukasan na bihis na bihis na sila papa at mama,sakatunayan nga paalis na sila ,pati ang kuya ko bihis na bihis na din at mababakas sa mukha ang kasiyahan. Masaya din ako kasi gagraduate si kuya ,na baka titigil na sa pagtratrabaho si papa kasi matanda na siya.Siyam kaming lahat na magkakapatid, pang pito ako sa siyam.
"Oh Fleerah bantayan mo yang mga kapatid mo at aalis na kami ,ikaw lang maasahan ko at ang iba mong kapatid ay tutulong sa paghahanda."Habilin ni papa kay ate.
"Bantayan niyo din ang mga tao sa labas baka may kukunin". Pahabol pa ni mama. Natawa nalang kaming magkakapatid.

Natapos ang graduation ni kuya Biench na madaming handa . Sa pagkakaalam ko pinaghandaan iyon ni papa para kay kuya. Nangutang pa nga si papa para bongga talaga.Grabeng paghihirap ang ginawa ni papa para mapaaral lang kami at matapos si Kuya.Gabi ko nga lang nakikita si papa.
Isang Linggo ang dumaan nabalitaan namin na kailangan pangmag-aral ni kuya para sa preparasyon sa board exam daw at kailangan ng malaking halaga. Natuloy nga si Kuya dahil pursigido ito, Pitong buwan ang itatagal niya doon,yun ang nadinig ko sa pag-uusap nila. Sa loob ng pitong buwan dun ko nakita ang paghihirap ni papa wala naman kasing trabaho si mama. Nakita ko ngang umiyak si papa habang kausap si mama .Minsan nga sinabe ni papa na dapat sinabe ni Biench na may review review pa ng di niya nalang daw inihanda ang dalawang baboy sa graduation niya para yun ang ibenta para panggastos sa kuya niyo. Akala raw kasi niya na tapos na at makakapagtrabaho na si Kuya pagkatapos grumadweyt. Hanggang grade 4 lang kasi si papa kaya walang alam tungkol sa board exam . Halos wala na nga kaming makain kasi inilalaan para kay kuya Biench.
"Pa ayos lang po ba kayo?"tanong ko sa kanya .
"Ayos lang ako, Ell anak". Tugon ni papa ngunit makikita naman sa kanyang mukha ang katamlayan.
"Parang hindi po eh". Balik na tugon ko.
"Pa wag ka mag-alala masusuklian din ni kuya ang paghihirap mo tsaka mababayaran na din ang mga utang natin." Hyper na sambat ni Lexie. Parang kabuti lang itong kapatid ko eh noh -_-. May biglang nagsalita nanaman sa likod ko juskoo pinaglihi ba tong mga kapatid ko sa kabuti haysss atatakihin ako sa puso eh.-_-
"Oo nga papa tapos gagawan tayo ng mansiyon tapos di na tayo titira sa kawayang bahay na ito,tapos kakain kana ng masarap papa ,tapos makakain din ako ng masarap tapos makakapunta na tayo ng swimming pool,at mall,tapos tapos taposss...........
Natawa nalang kami sa kahyperan ng bunso namin pati si papa napatawa nadin ,sila ate din na busy sa kakapindot sa mumurahing touch screen na cellphone.

Lumipas ang pitong buwan nakatake na nga ng board exam si kuya sa awa ng Diyos nakapasa siya. Agad na nag apply si kuya ng trabaho at natanggap naman siya agad. Kahit na may trabaho na si kuya hindi pa din maayos ang buhay namin. Makalipas ng 3 taon ganun pa din ang buhay namin walang nagbago its still the same way back 3 years ago , kumakain pa rin kami ng tuyo at nauubusan ng bigas. 14 yrs old na din ako . Ang inasahan naming pagbabago hindi nangyare. May nobya na din si kuya. Unang kita palang ni mama sa pangalawang nobya ni kuya di na niya nagustuhan. Kahit kami ang arte kasi tapos napaghahalataang pinipintasan bahay namin at kami. Ang mga expectation naming magkakapatid kay kuya ay mas lalong gumuho ng binalita niyang papakasalan na niya ang nobya dahil buntis na ito.
"Ell nag expect ka din ba na mapapatayuan tayo ng bahay ni kuya kahit yung maliit lang basta ba concrete" biglang tanong sakin ni ate Chabby sakin.Natahimik ako sandali tapos tumingin sa kawalan saka nagsalita.
"I expect too much from kuya ate but now he disappoint us. Lahat naman siguro tayo diba, na disappoint niya?" Sabi ko habang naluluha .
"Mas inuna niya pang mag-asawa kaysa sa atin, kay papa na ginawa ang lahat para sa kanya, makapagtapos lang ,naalala mo yung kwento ni papa na naisipan na niyang magpakamatay sa kaiisip san siya kukuha ng pera para kay kuya at nung pinakwenta niya utang niya sayo, umabot nga yun ng 60,000. Hagulgol kung saad. Naiyak nadin si ate Chabby. Napahagulgol kaming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Father's loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon