CHAPTER 17

10 2 0
                                    

CHAPTER 17



Grey's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay nagtaka ako kung bakit may sumisigaw.

"Sabi mo tatalikuran mo na ang ganyang trabaho mo? Diba napag usapan na natin to? Tigilan mo na! Malaki na ang mga anak mo at babalikan mo pa yan trabaho mo?" Sigaw ni mama at nagtaka naman ako. Anong trabaho ang tinutukoy niya? "Kailangan ko ito, kailangan ako ng kaibigan ko, mahirap man pero sana maintindihan mo." sabat ni papa. Kaya pumasok ako at akmang sisingit sa usapan nila.

"Anong nangyayari ma? pa?" Tanong ko at napatigil naman sila "Anak? Kanina ka pa ba nandiyan?" Nanginginig na sabi ni mama. "Kani kanina lang" blangko kong sagot "anong klaseng trabaho ba iyan papa?" Sabi ko at mas lalong lumaki ang mata ni mama samantalang si papa ay nakayuko pa din.

"Anak patawarin mo ang papa mo" sabi ni mama. >.< ano ba ang nangyayari??? "Dati siyang--" napatigil si mama nung nagsalita si papa "Dati akong myembro ng sindikato." sabi ni papa at nagulat talaga ako O.O hindi maaari? Paanong nangyari yun? Bakit hindi ko alam! Bakit sila nagsinungaling sa akin! Bakit?

"Linihim niyo ito sa amin ni ate?" Kunyareng natatawa pa ako "Dahil para rin sa inyo ito anak. Matagal na panahon na iyon at hindi na ako bumalik doon anak. Nagbago na ako" mahinahong sabi ni papa. "Pero sa ngayon kailangan ko munang iligtas ang kaibigan ko dahil kung hindi mamamatay siya." Dagdag ni papa. Ililigtas? Sino naman? Bakit siya? Bakit si papa pa ang liligtas sa kaniya?

"Papa sino ba yan?! At kailangan mong iligtas?! Paano kami? Paano si mama at ate? Papa may pamilya ka!!" Sigaw ko at natigilin siya. First time kong nasigawan si papa. At ikinainis ko yun! "Anak maniwala ka sa akin. Maniwala ka sa papa mo" sabi niya at tinapik ako sa likod at umalis... Hindi ko na talaga maintindihan!

"Mama?" Tawag ko kay mama habang nakasapo siya sa noo niya "mama bakit hinayaan mong umalis si papa?" Seryoso kong tanong "Dahil matalik niyang kaibigan yun anak. Kaibigan niya yun nung panahon na miyembro pa siya ng sindikato" kwento ni mama at mas lalo akong nainis. "Matagal nang wala ang papa mo roon, pero ngayon babalik na naman siya at hindi ko na alam ang gagawin ko anak. Patawarin mo kami ng papa mo" at umiyak si mama. >.<

"Sino ba yung kaibigan niya mama? Kilala mo ba?" Tanong ko at tumango naman siya. "Kilala ko siya sa mukha pero hindi ko alam ang pangalan niya. Matagal na panahon yun anak." mahinahon niyang sabi at tumango naman ako.

Dinala ko na siya sa kwarto nila mama pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ko pero nagulat pa ako ng biglang may kumatok pa sa pinto ng bahay.

*Tok! Tok!*

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nagulat ako ng si ate pala yun. Napatingin pa ako sa relo ko 7:15 pm. Saan naman pumunta ito?

"Saan ka galing ate?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Nakasuot siya ng fitted dress na color red at may suot siyang sling bag.

"Galing ako sa mall Grey." masayang sabi ni ate.

"Sino naman kasama mo?" Tanong ko habang tinatanggal niya nag sandals niya at umupo kami sa sofa. "Si Art" masaya niyang sabi at kumunot naman ang noo ko. Sinong art?

"Nakilala ko lang siya sa Coffee shop at ang pogi pogi niya!" Nakangiting sabi ni ate. Hays. "Huwag ka na ulit makipagkita doon ate." seryoso kong sabi

"Bakit naman?" Inis na sabi ni ate. "Hindi mo pa nga kilala yung tao. Maganda ng sigurado." Sabi ko at nalungkot naman ang mukha niya.

"Last week ko pa siya nakilala." Mahinahong sabi ni ate. "At nililigawan niya ako Grey! Hindi ka ba masaya sa akin?" Nakangiting sabi niya.

"Naalala mo ba si Dwayne? Binuntis ka tas iniwan???" Pagpapaalala ko sa kaniya at lumungkot naman ang mukha niya "Sorry Grey." sabi niya at tinalikuran ako at pumasok na siya sa kwarto niya >.<

May mali ba akong nasabi? Oo Grey! Maling mali yung sinabi mo! Masakit yun! Hays kainis. Sinabi ko lang naman kung ano yung napala niya don sa una niyang nobyo >.<

Linock ko na ang pintuan at dumiretso sa kwarto ko. Isang nakakapagod na araw para sa akin. Ang dami kong nalaman. Sobrang dami. Napahawak ako sa ulo ko. Masyado ka ng puno ng problema. >.< naalala ko na prom na namin bukas . Kahit papaano magiging okay ako kahit isang araw lang.

Nagpasya na akong humiga at natulog.

Kinabukasan

Nagising ako at nagtaka ako kung bakit parang tirik na tirik na ang araw sa labas. Tumingin ako sa orasan at nakita ay 11:35 am na!! Ang haba naman ng tulog ko kainis!

Kaya dali dali akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si mama at ate ay nasa sala at nanonood ng T.V.

Nagkatinginan pa kami ni ate pero hindi kami nagpansinan >.< sorry na ate!

"Bakit hindi mo ako ginising ma?" Tanong ko kay mama "kasi mukhang pagod ka kaya hindi na kita ginising, at diba? Mamaya na ang prom niyo? Naplantsa ko na ang susuotin mo." sabi ni mama at tumango naman ako "Salamat mama hehe" sabi ko.

Dumiretso ako sa kusina at kumain. Ang aking almusal ay tanghalian na rin HAHAHAHAHA. Naisipan kong i-text si Sahara ^_^!

To: Lab<3

Hi lab! Good morning and Good afternoon! Sorry kakagising ko lang hehe. See you mamaya hehe ang ganda ganda mo!!

Pagkatapos kong itext si lab ay niligpit ko na ang kinainan ko at hinugasan ito. Pumasok muna ako saglit sa kwarto ko at tinignan ang coat ko. Bagay sa akin ito! Hehe ^_^ nagulat ako ng pumasok si ate sa kwarto.

"Grey?" Sabi niya at tumango naman ako "sorry kagabi" nagtaka naman ako bakit naman siya mag sosorry eh? Ako yung nagsabi sa kaniya ng masakit na salita eh "Sorry din ate." Pauna kong sabi "Iniisip lang naman kita eh. Ayoko nang maulit yung dati" malungkot kong sabi.

"Salamat sa concern Grey... Hayaan mo hindi na iyon mauulit. I swear" at itinaas niya ang kamay niya at natawa naman ako. "Dapat lang dahil ayoko nang masaktan ka na naman sa maling tao." nakangiti kong sabi at nakangiti siyang tumango.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon