Lahat ay halos natigilan dahil sa sinabi ni ginoong antonio. Nanigas si felicia sa kanyang kinatatayuan. Hindi halos maipinta ang kanyang mukha dahil sa nalaman. Ramdam namin na gusto nitong magsalita. Pero walang ni isang salita ang gustong lumabas sa kanyang bibig.
"Hindi ko sinasadya celestina, totoong minahal kita. Pero marami ang nagbago, pagdating ko dito ay parang hindi na kita kilala, hindi na ikaw ang celestina na kausap ko sa mga liham" paliwanag pa ni ginoong antonio dito.
Nakaawang lamang ang bibig ni felicia. Hindi alam kung paano siya magsisimula.
"Sinubukan ko, ngunit hindi nagbalik ang dating tindi ng nararamdaman ko para sayo. Hindi ko nais na lokohin ka, kaya naman dapat lamang na mas maaga pa lang ay malaman mabatid mo na. Hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko celestina" pagpapatuloy ni ginoong antonio.
Unti unting bumuhos ang mga luha ni felicia. "Kung ganuon sino? Sabihin mo sa akin, sino ang lapastangang babaeng iyan?" Pamimilit nito.
Sandaling napayuko si ginoong antonio. Kaagad na nagtambol ng malakas ang aking dibdib sa takot na may sabihin siyang makakapagpahamak sa amin pare pareho.
"Sa maynila, hindi mo siya kilala celestina" sabi pa nito kaya naman kaagad akong nakahinga. Mas ayos na iyon para naman hindi maghinala sa akin si felicia.
"Malalaman ko din kung sino ang babaeng iyan, magsisisi ka ginoong antonio. Magsisisi ka" umiiyak na pagbabanta ni felicia dito.
"Patawarin mo ako" muling paumanhin ni ginoong antonio pero bayolente lamang na napailing si felicia.
"Lumayas ka, umalis ka sa pamamahay ko!" Sigaw niya dito at kaagad siyang humahangos na bumalik sa kanyang kwarto.
Nakayuko lamang si ginoong antonio. Alam kong hindi madali para sa kanya ito, lalo na't ang buong akala pa din niya ay si felicia ang totoong celestina.
"Patawad ginoong antonio, ngunit kailangan niyo ng lisanin ang tahanang ito" paalala sa kanya ni manang juli.
Marahang napatango si ginoong antonio. Sandali siyang bumaling sa akin bago siya tuluyang lumabas ng bahay.
Muling natahimik ang buong tahanan ng mga agoncillo dahil sa nangyari. Halos lahat maging ang mga kasambahay ay walang may gustong magkumento tungkol sa nangyari.
Pagdating ng tanghali ay kaagad na nagkagulo ang lahat ng nagsisisigaw si manang juli na lumbas ng kwarto ng pekeng celestina. May dugo ang mga kamay nito, umiiyak at humihingi ng saklolo.
"Tulong! Tumawag kayo ng tulong" sigaw niya sa mga kasambahay.
Mula sa paghahanda ng hapagkainan ay napatakbo kami ni elena patungo sa sala.
"Manang juli ano po ang nangyari?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Naglaslas ng kanyang palapulsuhan ang binibining celestina" umiiyak na sagot niya sa akin.
Walang pagdadalawang isip akong tumakbo papasok sa loob ng kwarto. Naabutan ko si felicis na wala ng malayan, halos namumuti na din ang kanyang mukha. Puno ng dugo ang puting kobre kama.
"Elena, elena! Tumawag ka ng tulong" sigaw ko din dito dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.
Nang marinig iyon ni elena ay kaagad akong napapikit ng mariin dahil sa narinig mula sa kanya.
"Ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya" sumisigaw na sabi niya sa labas.
Dahil kabado at aligaga ang lahat ay wala gaanong nakapansin sa kanyang isinigaw. Pagdating ng manggagamot ay kaagad kaming pinalabas lahat. Si manang juli lamang ang nasa loob at ang kasama ng manggagamot.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...