Kabanata 3

4 0 0
                                    


" So ,bukod sa firm ano pa pinagkakaabalahan mo?" dinala niya ako sa isang restaurant. Dito na din daw kami maglunch since malapit na din mag tanghali.

"Ah ano, gym tapos some art staff like painting ,drawing."

" You are really in that field huh!"

Tumango ako bago isubo ang huling laman ng aking plato. Puro gulay naman ang kinakain niya at parang hindi yata ako mabubusog sa dahon dahon lang ang kakainin.

"So, kailan mo balak simulan ang solo project mo?" pinunasan niya ang bibig niya at mukhang wala siyang balak ubusin ang pagkain niya. Umupo ako ng maayos at umunom muna bago sagutin ang tanong niya.

"Probably after this para mabilis ko matapos." Tumango tango siya sa sagot ko bago sumandal sa kanyang upuan.

"Very good, mas maganda nga yong matatapos mo ito ng maaga since the client want to rush it. Its a big money tho." sabay tawa niya. Natulala ako sa tawa niya base kasi sa itsura niya siya yong tao na hindi palangiti at lagi siyang seryoso.

"Bakit po pala naging solo project ito?"

" Gusto ng kliyente na ikaw ang gumawa. Pinakita ko lahat ng portfolio niyo at sayo ang nagustuhan nila." Ngumiti siya at natulala na naman ako. Walangya Julliana,talaga bang marupok ka?

"O-Oh, wow! Thank you Kai." Ngumiti din ako ng alanganin na sana hindi niya napansin.

Napagdesisyonan namin na tapusin ang lunch. Nakakahiya nga at hinatid pa niya ako sa tapat ng condo kahit taga Alabang pa siya. Ang layo din non ah pero ang aga pa din niya pumapasok at ang layo sa gym. Oo nga no?

Pumasok na ako sa condo at isa isang inayos ang mga gagamitin ko para sa solo project na gagawin ko. Nilabas ko din ang gamit na binili ni Mandy para sa akin. Tiningnan ko muna silang lahat. Mas gusto ko kasing gumawa gamit ang aking mga kamay at iniiscan na lamang kapag ipapakita na sa report or client. May mga mini canvas din binili si Mandy.

Bahagya akong natigil ng may nagdoorbell. Sinilip ko ito at isang delivery boy ang nakatayo sa labas. Binuksan ko at bumungad sa akin ang isang pulumpon ng bulaklak at isang paper bag.

"Kayo po ba si Julliana Preciosa Moris?"

" Ah oo ako nga" sagot ko na may halo pa din pagtataka.

"Delivery po para sa inyo" Inabot ko ang mga bulaklak at paper bag na dala niya. Itatanong ko pa sana kung kanino galing kaso ang bilis niyang nakapunta sa elavator ni hind niya ako pinapirma as receiver. Kumunot ang noo ko ,kanino kaya nito galing?

Pumasok na ako sa loob at binasa ang card.

"Goodluck"

Ngumiwi ako, para sa solo project ko ba ito? Next ko naman tiningnan ang laman ng paper bag na medyo may kalakihan. Nagulat ako at isang set ng Prisma coloured pencil at isang set ng Faber Castell. Ni minsan hindi ako nagkaroon ng ganito kasi ok na ako sa non branded na pangkulay. Kanino kaya ito galing? Inamoy ko ang mga bulaklak. Roses and tulips ,mga paborito kong bulaklak.

" My God! bigla akong ginanahan sa solo project ko." sa sobrang tuwa ko ay pinicturan ko sila kasama ako at pinost sa Instagram.

Sa kalagitnaan ng aking paggawa ng project nakaramdama ko ng gutom. Tumayo ako at pumunta sa kusina at chineck ang phone ko na may ilang notifications sa Instagram at Facebook. Nag-comment si Mandy sa pinost kong picture kasama ang mga bulaklak at pangkulay.

"Ay ! taray may secret admirer ,infairness kinabog ang bigay ko sayo haha." natawa ako at hinayaan na lang don ang comment niya. Sinundan naman agad yon ni Trisha ng isa ding biro.

Sa pagiscroll ko sa Facebook nakuha ng atensyon ko ang post ni Hans na may katuwaan na babae sa isang comment section sa post niya. Buti ka pa ganyan ka sa iba samantalang sa akin halos itaboy mo ako. Sa huli pinili ko na lang pagtuunan ng pansin ang project ko at hindi naman ako nabigo. Nakatapos ako ng dalawang disenyo para sa kwarto. Sa ngayon ok na muna ang ganito,bukas na ulit.

Napagdesisyonan ko munang maglakad lakad sa labas para magpahangin.Umupo ako sa mga bench na nasa tabihan ng isang park. Gabi na at ang dami pa din tao sa labas. Napakaganda ng mga nagtataasang gusali ,may iba ibang ilaw na mas nagpapaganda sa mga ito.

Sana ganito na lang ako noon, simpleng namumuhay. Sana hindi ko na napagdaanan ang sa amin ni Hans. Pero sabagay hindi naman yon mangyayare kung hindi ko din ginusto. Ako yong habol ng habol. Ako yong dikit ng dikit pero hindi ko naman gagawin yon kung hindi din niya gusto.

"Itigil na natin to Julliana, its for your own good". kalmado ngunit may panunuya sa bawat salita niya. Nakayakap ako sa kanya mula sa likudan.

"Kapag ba tumigil ako, magiging masaya ka na?"

Matagal bago siya nakasagot.

"Ikaw? magiging masaya ka ba?"

"Alam mong hindi. Ilan beses ko ng sinubukan lumayo pero bigo ako."

Suminghap siya at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya na hindi niya tinutulan.

"Alam kong gusto mo din to ,hindi mo lang maamin. Kasi kung ayaw mo itataboy mo ako noon pa lang pero heto ako ngayon heto tayo ngayon."

Pinalis ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo matapos ang mumunting alala namin ni Hans. Hindi na ako nagtagal at bumalik na ako sa condo ko.

Tagpong Hindi AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon