Untitled Story Part

60 3 0
                                    

Kier Alejandro Pov.

"keir may itatanong ako sayo." biglang sabi ni andrea

"Ano naman yun?" agad kung sagot sa kanya.

"Pag si Darna ba nanligaw sayo iiwan mo si shane?" Nabigla ako sa itinanong ni Andrea sakin.

"Hindi" maikli kong sagot.

"Pano pag ako nanligaw sayo?" mas lalo akung nabigla sa pangalawa nyang tanong.

"Hindi kasi andyan na si shane. bakit pa ako mag hahanap ng iba?" palusot ko sakanya.

"Ganun? , kasi kahit anong pag papa cute ko sa crush ko, di naman nya ako napapansin eh?" Paiyak na sabi ni Andrea sakin.

"Sino ba kasi ang crush mo?" kahit medyo nag aalinlangan ako ay na itanong ko parin yun.

"Pag sinabi ko bang ikaw maniniwala ka?" Gulat na gulat ako sa sinabi ni Andrea  kaya napilitan akung tignan si shane na nakahiga sa tabi ko, buti nalang at tulog ito.

"Hindi" mabilis kung sagot kahit nahihirapan ako.

"Yun naman pala eh! Hindi kanaman maniniwala eh!" pa iyak parin nyang sabi.

"Sino ba kasi talaga ang crush mo? para masabihan ko na syang crush mo sya, baka ligawan kanya." Patuloy kung pilit kay Andrea

"Hindi kanga naniniwala diba?" Napa lunok ako!

"Andrea anong ibig mong sabihin?" nalilito , na parang natutuwa ako sa sinabi nya.

"Matagal na akung nag kakagusto sayo keir, noon palang ikaw na ang tinitibok ng puso ko, pero girlfriend mo na si shane eh! Kaya wala na akung magagawa kundi pigilan ang nararamdaman ko sayo, mahirap pero kinakaya ko, at wag kang mag alala keir, Hindi ako yung tipo ng taong naninira ng relasyon, kayang kaya naman kitang landiin kung gugustohin ko lang, pero, malaki ang respeto ko kay shane, hindi ko basta bastang isusugal ang 3 yrs. friendship namin ni shane dahil lang sa pesting nararamdaman ko para sayo, tsaka keir handa akung masaktan maging masaya ka lang sa piling nya. Ganun kita ka mahal, mayroon lang sana akung hihilingin sayo keir. Sana wag mong saktan ang kaibigan ko ha? wag na wag mo syang paiiyakin, kasi pag nang yari yon, ako mismo sasampal sayo. Kahit crush kita ilalampaso ko talaga yung muka mo pag nalaman kung niloko mo sya. keir nag paraya ako para sa ikaliligaya nyo, sana wag mo yung sasayangin. tsaka lagi mong tatandaan mahal na mahal kita." naiiyak na sabi ni Andrea sakin.

Lasing pero seryosong seryoso sya nong sinabi nya yun. wala akung nagawa kundi umiyak ng umiyak kasi hindi ko masabi sa kanyang mahal ko din sya.

#Prologue

-------

Comment and vote po kayo kung nagandahan po kayo sa prologue! thanks Y.S readians

Alcalde Fuentivilla AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon