After 2 years
Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit ko. Lilipat na kasi ako sa isang apartment.
"Naraaaa, are you sure about your decision?" mangiyak ngiyak na sabi ng pinsan kong si Novie.
"Yes, and besides I wanna try to be independent for now, nakakahiya na kasi sa inyo ni Tita."
"I guess there's nothing I can do to change your mind" malungkot na sabi niya.
Simula nung nangyari yung insidenteng iyon ay nakitira muna ako kila Tita Novel ng pansamantala.
Yung mga negosyo ni Dad ay nahila ng bangko pati rin ang ibang ari arian namin.
I cupped her face " Don't worry about me Novie, I'm fine here and I promise na kapag 'di ko na kaya susunod ako sa inyo sa Singapore okay?" pagpapagaan ko sa loob nya.
Pupunta na kasi sila ni Tita sa Singapore dahil doon na sila maninirahan at nandoon din si Tito.
"Yeah right. Just make sure na kakain ka ng 3 beses sa isang araw at palagi mo 'kong i-update sa mga nangyayari sayo. Wala kami ni Mom para bantayan ka." naniniguradong sabi nya.
"And also mag-iba ka naman ng kulay ng damit mo puro ka black, nagmumukha kang emo tss" dagdag niya pa.
"Yes po Nanay" pabiro kong sabi.
"Tss 'di talaga bagay sayo magbiro, nakapoker face kasi"
"Atleast nagbiro ako" taas noo 'kong sabi.
"But seriously sis, I missed seeing you smile"
"Psh" yun nalang ang nasabi ko. Di ko kasi masagot ang sinasabi nya.
"Isang ngiti naman dyan"matuksong sabi niya.
Ngumiti naman ako tulad ng sabi niya.
" Tss ang panget naman"matawa tawang sabi niya.
Buti pa siya kaya niyang tumawa ng ganyan ganyan lang. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaganito. Natatakot akong sumaya,kasi kapalit ng sayang nararamdaman ko, may nangyayaring hindi maganda. At ako, ayokong mangyari iyon.
"Tss"
Hinatid ko sila sa airport matapos kong mag-impake.
"I'm gonna miss you sis" naiiyak niyang sabi.
Niyakap ko naman sya. "Don't worry Novie I'm gonna be fine here. Takot lang nila sakin" naninigurado kong sabi.
"Hindi talaga bagay sayo magbiro" humiwalay siya at pinahid ang luha niya.
"Tss sige mag-ingat kayo ni Tita ha. Have a safe trip and I'm gonna miss you too" I kissed her cheek like what we're doing when one of us leaves.
"Augustine, you're a strong girl. I know na makakaya mo rin ito. If something bad happens, don't hesitate to call us ha. And I'm sure that your Dad was so proud of you. Take care dear" she kissed my forehead.

BINABASA MO ANG
Nara's Frozen Heart
Teen FictionLeonara Augustine Platerobo has a frozen heart. She let herself in the darkness where no one can see her cry. But what if someone came to shed a light in the darkness? Will her heart become warm? DATE STARTED: 05-13-19