Sobrang trapik sa Aguinaldo highway. Sinilip ni Eliza ang mahabang pila ng mga sasakyan sa unahan ng kotse nya. What's making it even worst ay ang biglaang pagkasira ng airconditioner ng kotse nya kaya naman tumatagaktak na ang pawis nya at nagmamantika na sya dahil sa sobrang init.
"Oh c'mon not today!" naiinis nyang sinabi habang hinahampas ang manubela ng kotse nya. Ilang minuto na lang kasi ay late na sya at isa sa mga bagay na ayaw nya ay ang ma-late sa trabaho.
Eliza turned on the radio and the song that is currently playing on air is Cool ka lang. Mukhang swak na swak ang kanta para sa kanya ngayon.
"The song is right Eliza. Dapat cool ka lang dahil kung hindi masisira na naman ang buong araw mo." Eliza said to herself.
Ilang minuto pa ang nakalipas at nagsimula ng gumalaw ang mga sasakyan sa unahan nya.
"Finally!" Eliza exclaimed. If papaliparin nya ang kotse nya may chance pa na makarating sya on time sa kumpanya.
She was about to step on the gas pedal ng biglang bugahan sya ng maitim na usok ng bus na nasa unahan nya. She coughed really hard dahil lahat ng usok pumasok sa loob ng sasakyan nya dahil bukas lahat ng bintana nito. Bumusina ang pick-up na nasa likuran nya ng hindi sya agad umandar kaya kahit inuubo pa rin ng sobra ay pilit nyang pinatakbo ang sasakyan nya.
"Shit yun ha!" Eliza said in between coughs. Tinapakan nya ang gas pedal at hinabol ang bus. Natawa sya sa nakita nyang sticker ng bus. Sa gilid kasi ng bus ay may nakadikit na salitang Matindi.
"Hoy!" sigaw ni Tiana sa driver at kunduktor ng bus na magkasabay namang lumingon sa kanya.
"Tama nga yang sticker nyo! Matindi nga kayo! Matinding mag-smoke belch!" Tiana shouted and then after that pinaharurot na nya ang kotse nya.
She is so damn late and so damn wasted!
"Doktora Liz." Tawag sa kanya ni Pearl, ang company nurse na kasama nya sa clinic. "Bakit mainit na naman yata ang ulo nyo doktora?" tanong nito sa kanya ng makita sya nitong padabog na ibinaba ang gamit nya sa desk.
"Look at the time Pearl! Thirty minutes na akong late." Himutok ni Eliza. Hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman nya dahil sa kamalasang inabot nya ngayong araw na ito.
"Okay lang naman kay President Hayato na ma-late ka doktora." Pearl said to her.
When Eliza was still na medical student ipinangako nya sa sarili nya na hinding hindi sya male-late naging stigma na kasi ng mga doktor ang pagiging late. She wants to prove to everyone that they are wrong.
"Kahit na Pearl dapat on time parin ako." Eliza said tapos biglang naputol ang pag-uusap nila ni Pearl ng may biglang pumasok sa loob ng clinic.
"Oh Manong Tommy bakit po?" tanong ni Pearl sa kakapasok pa lang na lalaki sa loob ng clinic.
"Gusto ko sanang magpatingin kay doktora tatlong araw na kasi itong lagnat ko."
Pinahiga ni Pearl si Mang Tommy sa kama ng clinic at kinuhanan ito ng vital signs. Matapos gawin ito ay inabot na ni Pearl kay Eliza ang chart ng pasyente. Eliza performed her physical examination.
"Manong Tommy magang-maga po itong lalamuan nyo. Bibigyan ko na po kayo ng antibiotic dahil may puti puti na din po yung tonsils nyo tapos magpahinga na lang po kayo sa bahay kahit dalawang araw po." Eliza said to her patient as she writes down in her prescription pad at inabot ito sa matanda.
"Pearl ayusin mo na yung mga papers ni Mang Tommy para makauwi na sya ngayon." Utos naman ni Eliza kay Pearl.
After makalabas ni Mang Tommy sa clinic ay agad na binuksan ni Eliza ang computer nya sa desk. Hinaplos nya ang picture na nasa desktop nya. It was Roden Clifford, ang FilAm na modelong crush na crush ni Eliza. According to the famous magazine Equilibrium si Roden ang top one Hunk Model of this year. He is an absolute beauty. His features are all masculine. He is hotness itself. Hindi maiwasan ni Eliza na hindi mapatitig sa mga tinapay ng modelo para kasing inaaanyayaan sya nitong haplusin sila.
BINABASA MO ANG
Perfect You
General FictionOne of the things that Eliza knows and have come to accept is the fact that she has a simple face. Being an independent and well established woman with a good career isa na lang ang mukhang kulang sa buhay nya at yun ay ang love life na gusto nya s...