Prologue

12 1 2
                                    

"Okay hahayaan kitang mag desisyon."walang emosyong sabi ko at nagulat naman siya.

"Sige."sabi niya at huminga ng malalim at saka diretsong tumingin sa mata ko.

"Gusto kong lumayo ka sakin."dagdag niya

Kahit alam ko na ang gusto niya ay nabigla pa rin ako pero di ko yun ipinakita sa halip ay ngumisi ako at tumaas naman ang kilay niya.

"Okay."nakangiti kong sabi at nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya.

"Pero,ang sinabi ko ay hahayaan kitang magdesisyon at wala akong sinabi na hahayaan kong mangyari ang gusto mo."sabi ko at kita ko kung pano lumabas ang usok sa kanyang ilong sa sobrang inis.Di joke lang.Hehe.

"I hate you Glean!"sigaw niya at tinalikuran ako

At pagtalikod niya ay saka ako nag pakawala ng isang malalim ng hininga.Nasaktan ako sa sinabi niya pero kailangan kong magtiis.Kailangan ko siyang tiisin kung hindi ako lang din ang mahihirapan.

ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon