NANG DAHIL SA.. TEXT ♥

1.6K 84 49
                                    

Nagkakilala sa text

Nagkamabutihan sa text

Nagkagustuhan hanggang sa magmahalan sa text

At nagbreak din sa text

Ganyan ang laging nangyayari sa akin. Kasalanan 'ko bang yung nagpasabog ng kagandahan, nagdo-donate ako? Sa sobrang bait 'ko, wala ng natira sa akin.

Di ako maganda. Normal lang ako na tao, kadalasang mapagkaisahan, makutya at mapagtawanan ng dahil sa itsura 'ko.

Nang dahil sa text, dyan 'ko naramdaman na may nagmamahal at karamay pa ako.

LONER ako e. May lumalapit man sa akin, hindi ko alam kung totoo nga ba sila. Kung kaibigan ba nila ako o dahil may kailangan lang sila sa akin?

Sinubukan ko ng mag boyfriend. Oo madami, sa text nga lang. Nakipag meet ako, pagkakita niya sa akin. Tinakbuhan niya ako, kinabukasan break na kami. How nice diba?

"Janna! Senti pa more!" bulyaw naman sa akin ng katabi kong laging kumokopya sa akin, pinababayaan ko nalang dahil kung hindi wala akong kausap dito. Panis na panis na laway 'ko.

Humarap naman ako sakanya. "Bakit? Ano na namang kailangan mo?" untag 'ko na walang bakas na ekspresyon sa mukha.

"May naghahanap sayo." aniya

"Sino?" kunot noong tanong ko

"Jayson daw, boyfriend mo daw siya. Teka!" umakmang siyang tumayo at patuloy naglakad palabas

"Kuya! Kuya!" kalabit niya sa lalaking nakatalikod. Tinuro niya ako, pagharap niya. Nanlaki ang mata 'ko. "Ayun po, Siya si Janna. Ang hinahanap niyo at ang girlfriend niyo." wika niya

Nanlaki naman ang mata 'ko. Siya pala ang boyfriend 'ko sa TEXT. Magtatakip pa sana ako ng mukha 'ko sa kahihiyan dahil ang gwapo niya, pangit lang ako. Pero huli na ang lahat, nalait na naman ako at pinagtawanan. Pati barkada niya at buong klase.

Napayuko ako sa sobrang hiya.

Ikinagulat 'kong inangat ang mukha 'ko. At nasa harapan ko na siya. "Ikaw si Janna?" tanong niya na walang kaekspresyon ekspresyon sa mukha.

Ngayon, seryoso na siyang nakatingin at sa akin at nagtanong muli. "Ba't ka nahihiya?"

Grabe na ito. Sobrang lapit niya at naaamoy 'ko na ang pabango niya. Kinikilig ako pero hindi 'ko ipinahalata.

Nahihiya ako, 3 months naging kami sa text. Gustong gusto na niya akong makita pero nagpapalusot ako na lagi akong busy. Kaya naman nagulat ang katawang lupa ko sa biglaang pagpunta niya dito. Nahiya ako, dahil nag abala pa siyang pumunta dito para lang makita ang pangit na tulad ko. Ibang paaralan kasi siya nag aaral, all boys school.

Patuloy pa din ang pagtawa ng nakapaligid sa amin, kaya napapikit ako sa hiya. Waaa! Lamunin na sana ako ng lupa!

"Magsi-tigil nga kayo!" sigaw niya sa mga nagtatawanan at napahinto naman silang lahat.

Hinawakan niya ang dalawang kamay 'ko at marahas na hinila papunta sakanya, kung kaya nauntog ako sa dibdib niya. Iniharap naman niya ako sa mga taong nakapaligid sa amin.

"Ito ba ang tinatawanan niyo?" tanong niya sakanila at tinuro niya ako kung kaya napayuko ako

"Ba't ka yumuyuko? You're beautiful, chin up." bulong niya sa akin. napaangat naman ang ulo ko at tinignan siya with blank expression

"Lahat ng babae, maganda. Iba't ibang version lang yan." wika niya "Kaya wag na wag niyong basta bastang tatawanan ang babaeng mahal 'ko, ang nagpasaya ng buhay 'ko. Dahil parte na siya ng buhay 'ko o kalahati nito." sabay turo niya sa kaliwang dibdid niya

"Mahal na mahal kita Janna." wika niya at inilapit niya ang ulo niya sa mukha 'ko. Agad akong namula at hindi makapag salita.

"Minahal kita ng hindi dahil sa itsura. Mahal kita dahil ikaw si Janna, bilang ikaw. Always remember babe, physical appearances is not a lifetime asset. Attitude does, and I'm inlove with you.. being YOU. You're not perfect but you makes my life perfect and complete. Be my happily ever after. I love you." pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, nilapat niya ang labi niya sa akin.

Ngayon, napagtanto 'ko na hindi lahat ng lalake sa itsura binabase. :)

Tandaan niyo, Let your attitude attract someone because physical apperances is not a lifetime asset. ♥

-

(A/N: First time gumawa ng One shot. Haha. Vote and comment kung nagustuhan po <3)

Nang dahil sa text (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon