12:59 am
Naudlot ang aking mahimbing na pag tulog dahil sa hindi inaasahang ingay na nag mumula lamang sa loob ng kwarto. Aking ipagsasawalang bahala nalang dapat ito ngunit unti unti itong lumalakas. Sa aking kuryosidad ay papungas pungas akong umupo mula sa pagkaka higa. Nakita kong 12:59 am na pala base sa orasang na sa ding ding.
Luminga linga ako para hanapin kung saan nag mumula ang ingay, ramdam kong malapit lamang ito.
"Jesse, did you hear that?" Sa inaantok pang boses, I asked my sister who's laying on her own bed just a few steps away from mine.
Nakatalikod man ang pwesto niya sa'kin ay alam kong gising siya. Sa hindi ko malamang dahilan ay madalas sa mga oras na ito'y gising na gising siya.
"It's nothing, Maureen. Go back to sleep." She quickly replied.
Sa pag aakalang sakaniya lamang nanggagaling ang ingay ay ipinag kibit balikat ko na lang iyon at humiga na ulit para ipag patuloy ang naudlot na tulog.
Inaantok pa talaga ako.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakaka tulog nang marinig kong muli ang ingay.
Just sleep, Mau. Wala lang iyon.
Pinipilit kong maka tulog pero tinatalo ako ng hindi mapangalanang ingay.
Ingay
Ingay
Ingay
Sa oras na ito'y napabalikwas na ako sa aking kama. Hindi na ito normal na ingay, palakas ito nang palakas. At unti unti na akong binabalot ng takot.
I turn to look at Jesse and it seems like she doesn't hear anything. Tangina. Anong nangyayari? Gusto ko lang matulog ng payapa!
"Jesse, T-tell me you hear it too? I swear, I'm fcking s-scared right now." With a shaky voice I said.
Nakatitig akong mariin sa likod ng aking kapatid, nag hihintay ng sagot. Mabagal siyang humarap sa'kin and I'm surprise by the cold look she's giving to me.
"Pasensya na kung pati ikaw ginugulo nila"
"A-ano? Jesse, sinong... si-sinong sila?" Kinakain na ako ng takot. Hindi pa rin nawawala ang ingay.
"They're my monsters, hiding under my bed. Ayaw nila akong tigilan." Sa puntong ito, lumuluha niyang sinabi.