Sige Umasa Ka Pa

10 3 0
                                    

Umasa ka na ba? Iyong tipong wala ka nang pag-asa, pero umaasa ka pa rin. May jowa na't lahat-lahat, umaasa ka pa rin.

Kailan ka ba titigil? Kapag nagka-asawa't anak na siya? Hihintayin mo pa bang umabot doon? Umabot sa puntong tumanda kang dalaga dahil sa kakaasa sa taong kasal na?

Alam kong masyadong OA, ngunit maaaring mangyari iyon. Posible ito, lalo na sa mga taong solid sa taong gusto nila. Kung tutuosin, taong mahal na nila. Hindi aabot sa puntong iyon kung hindi mo mahal.

Pero halimbawa lang iyong sa kasal, sa may asawa't anak. Masiyado na akong advance. Advance ako mag-isip, pero pagdating sa kaniya hindi ko alam kung kailan ako titigil sa kaaasa.

Kaya huwag niyo ako gagayahin. Isang dalagang pilipina yeah. Isang 17 years old na nagka-crush, nagka-gusto, nagmahal, umasa, nabigo, nasaktan, magpapakamatay. Biro lang! Hindi pa ako magpapakamatay, aasa pa ako.

Ako'y kinulong dahil sa salang:
Umaasa Pa Din Kahit Siyam Na Taon Na Akong Hindi Pinapansin Ng Taong Gusto Ko.

"Hoy Jeanne! Ang lalim-lalim ng iniisip mo! Wala pang Math class!" napa-irap nalang ako kay Kate. Magaling siya sa paninira ng moment. Iyong ang ganda-ganda, ang haba-haba na ng speech ko tungkol sa pagpapakatanga ko, sinira niya lang.

"Ano?" pagtataray ko. "Oh, bakit ang sungit mo? Alam mo kasi bebe, ikaw ang araw na nilulusaw ang yelong si Axe sa katititig."

Si Axe, ang taong nagpapatibok ng puso ko. Ang taong wala naman ginagawa, pero napapangiti ka. Ang taong hindi ka naman pinapansin, pero kapag dumaan lang sa tabi mo, para kang nakatungga ng sinigang sa sobrang kilig.

Siya ang taong ginagawa kang tanga. Ang taong paasa, pero umaasa ka rin naman. Ang taong "may jowa na." Bulong ko. "Oo beh. May jowa siya. Tigil ka na daw sa kaaasa mo. Tama na ang pagluluksa." pagsabat ni Kate

"Hindi naman ako namatayan. Bakit naman ako magluluksa?" kunot-noo ko siyang hinarap. "Iyang puso mo Jeanne. Patay na. Nasobrahan sa katitibok. At ikaw, patay na. Sakniya." nguso niya sa direksyon nina Axe.

Mukha na bang nagluluksa ako? Nanghihina? Nanghihinayang? "Alam mo beh? 9 years is enough. Stop na. Mag-iisang dekada ka na. Hihintayin mo pa bang humantong sa sampong taon? Ay jusme, kawawa naman yung ibang gustong manligaw sa'yo. Nagkagusto ka sa isang lalaki ng 9 years, tapos hindi ka man lang pinapansin. Hahahah-- Aray ah!" nahampas ko siya ng malakas sa legs dahil sa inis at ingay niya. "Akala ko naman seryoso ka." sinamaan ko siya ng tingin at humarap ulit sa lamesa nila Axe. "Pero beh, seryoso ako. You have to stop now."

Simula pa nung naging kaklase ko siya. 8 years old palang. Tinamaan na ako. Tsk tsk, ang landi naman ni kupido at isang walong taong gulang na babae ipinana niya at napa-ibig sa isang siyam na taong gulang na lalaki.

Tinitigan ko ulit siya. Napatingin ako sa kanan niya, andoon si Sam, matalik niyang kaibigan. At sa kaliwa niya, ang nag-iisang babae sa lamesa nila, si Yuri. Ang jowa. Maya-maya may nakakakiliting tinig sa aking kaliwang tainga. "Hanggang tingin nalang, bumubulong sa'yong tabi~" napalingon ako kay Kate, at sinamaan siya ng tingin. "Hahahaha! Joke lang beh. Oh, sige. Continue." tawang-tawa niyang pagbibiro. "Wag na." at umiwas ng tingin.

"Joke lang kasi eh. Pero, matititigan mo pa siya sa room." makikita ko nanaman siya. Matititigan. Kaklase namin siya ni Kate. Buti wala si Yuri.

Tumunog na ang bell at bumalik na ang mga estudyante sa kani-kanilang silid. Habang naglalakad kami ni Kate pabalik sa room, kanta pa rin siya ng kanta ng linyang iyon. Masamang nakatingin mga mata ko sa hallway dahil sa kakakanta ni Kate.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UMAASA [One Shot]Where stories live. Discover now