Bawal Copy Paste, Wattpad ito mga pre. Everybody say NO! To PLAGIARISM.NOTE:
Hindi ako magaling gumawa ng mga story. Kaya pagpasensyahan niyo na. Please enjoy!WARNING:
Cliché contents. Beware.Nag a-update ako kung kailan ko maalala. Kung kailan ako hindi tamarin. In short, kung kailan ko gusto yiE :>
kendis :>
~~~~~~~Lyahana Venieze's POV
Bakit ang init sa Pilipinas?! Mamatay na ako sa sobrang init! Tatlo-tatlong electric fan na ang bukas, pero hindi sapat. Grr!
"Venieze! Hoy Venieze! Venieze~ Lyahana Venieze! Hoy bruha!" bakit ba may sumisigaw?! Dumadagdag yung hininga nila sa mainit na simoy ng hangin. "Ve! Nieze! Lya! Hana! Lyahana Veniez---""Anak ng tinapa. Anong kailangan mo!?" inis akong napatayo sa kinauupuan ko at humarap sakanya. "Kanina pa kita tinatawag. Hindi ka man lang sumasagot!" singhal niya. "Ano naman sasagutin ko? 'Althea! Hoy Althea! Althea~ Althea Marie! Hoy gaga!' Ganyan ba sagot?" at sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ko 'Hoy bruha!' hindi 'Hoy gaga!'."
"Kaya nga. Ako nagsabi ng 'gaga', hindi ikaw." habang nagpapaypay. "Eh sabi ko lang 'bruha' tapos ikaw sabi mo sakin 'gaga'. Mas malala ka dai." pagdedepensa niya sa sarili. Ano naman pinaglalaban niya? Tsh, sapakin ko 'to eh. "Ano ba ipinunta mo dito?" tanong ko sakanya at pinapasok siya sa pinto. Ang bahay kasi namin, simple lang. Dala-dalawa ang gate :> Kaya habang nagdadaldal, naglalakad na kami at dinadaanan ang isang gate na kahoy, at isang gate naman na bakal sa balkonahe namin.
"Malamang ikaw ipununta ko dito. Alangan naman sila tita diba?" tinarayan ko siya at saka umupo sa upuan, tapat ng electric fan. "Ganito kasi yun, sila Kuya Greyan nagyayaya. Laro daw tayo ulit. Kasi nakaka-miss na daw. Sobraaaa! Ako nga din nami-miss ko na maglaro eh." sabi niya, na puno ng emosyon ang pagkakasabi. "Anong nakaka-miss dun? Eh, kalalaro lang natin ng ML sa playground kagabi ah."
"Ha? Hindi kasi ML! Taray ah, porket MVP lang siya kagabi. Yabang neto." sinamaan niya ako ng tingin saka ako tinarayan. Ano naman? Eh, sadyang magaling ako maglaro. Tsk. "Hindi ko naman pinagmamayabang, pero sige. Ikaw nalang mag-mayabang para sakin." at nginitian ko siya habang masama pa rin ang tingin sakin.
"Masasapak kita Venieze." pananakot niya. Tsh, akala niya naman magagawa niya. Sa tangkad kong 'to? Tska sa liit niyang 'yan? No way. "Sige gawa." panghahamon ko.
"Hindi kasi tungkol sa ML! Gusto daw ulit nila maglaro ng patintero!" sigaw niya."Patintero? Eh, diba masyado na tayong matanda para sa larong 'yan? Dieci singko na tayo. Yung iba dieci ocho at dieci sais na." pagpapaliwanag ko. Bakit ngayon pa sila magyayaya? Ang tatanda na namin tsh. "Hindi ko man naintindihan yung mga huli mong sinabi, pero sige. Eh, ano naman kung matatanda na tayo? Wala pa naman tayo sa trenta. We're still young at hearts diba? At literal na young." pagdedepensa niya.
"We're still young at hearts mo mukha mo. Palibhasa kasi, ikaw maliit kaya okay lang. Musta naman kami diba? Jusmiyo Marimar Althea." sagot ko. "Heh! Height ko na naman nakita mo? Ano? Bastusan lang? Bruha ka talaga. Ay nga pala, sasama daw si Axe ngayon. Nakakagulat nga kasi siya mismo ang nagyaya. Yiee sasama na 'yan, andiyan kasi si Axe." pagbibiro ni Althea.
"Oh, ano naman? Ang issue mo talaga. Palagi naman siyang sumasama pag nag lalaro tayo ah, ay naku Althea ipahinga mo nga 'yang utak mo. Nababaliw na naman."
"Luh? Parang 'yang utak mo hindi baliw ah. Pati nga 'yang puso mo eh, baliw na baliw. Sakaniya. Yieee. Maglalaro na talaga 'yan." panunukso ni Althea. Bastos na bata, hindi naman ako taga-mental. Bakit naman ako mababaliw? Charot, ang corny ko rin.
YOU ARE READING
Catch Me, I'm Falling For You (ONGOING)
Teen FictionYou fell in love with your neighbor. Not just any neighbor, but your childhood playmate, your friend. And it's been a decade and one year, yet you're still in love with him. You confessed, but he broke your heart. You tried moving on, but your hea...