Dear Crush, I exist!
Kailan mo ba ako mapapansin? Nakakainis. Ang tagal mo namang landiin ako, makiki-cooperate naman ako. Alam mo bang makita lang kita masaya na ako. Ikaw ang dahilan kung bakit araw araw ako pumapasok, feeling 'ko di kumpleto ang araw 'ko pag di kita nakita. Ikaw ang naging inspirasyon 'ko, di ka pa nagsasalita kinikilig na ako. Alam mo bang sa bawat pag ngiti at pag tawa mo hinihiling 'ko na ang dahilan non, ay ako. Lahat ng babaeng lalapit sayo gusto 'kong sabunutan. Nagseselos ako, pero may karapatan ba ako? Wala naman eh, pag nagkakasalubong tayo parang hangin lang ako sayo, ako naman ang halos mamatay na sa kilig. Namamaga na ang braso ng katabi ko kakapalo 'ko. Pero di mo pa rin ako mapansin, kahit anong pagpapaganda 'ko.. kahit imposible na, hindi pa rin eh. Crush, I exist! Minsan napapamura nalang ako with feelings. I don't want to DREAM of you anymore. I want you for REAL. I hope that one day, you'll fall inlove with me. ❤
-
(A/N: Sinong naka-RELATE? ❤ Haha. Vote and comment kung nagustuhan. <3)