Chapter 3

205 7 0
                                    

Nandito kami ngayon sa airport dahil ngayon na ang alis ni mommy 

"Mag-ingat ka baby ha?" pamamaalam ni mommy kay Blake. Tss basura pala ah.

"Kailan po uwi niyo?" tanong naman ni Blake. Para na kasing tinuring namin si Blake na totoong kapamilya, lalo na si mommy, kahit na ilang araw palang siya sa bahay

"after 3 Months pa eh. But anong gusto mong gift? Bibilhan kita ng maraming chocolates, guato mo ba iyon?" tumango naman si Blake at yumakap kay mommy 

"Bye mom" 

"Bye. Wag sumobra sa pagiging maldita ha? Dapat mild lang" natatawa ko naman siyang niyakap 

Nang makaalis na si mommy ay hindi na rin kami nagtagal pa sa airport. Sumakay na kami sa kotse ko at binaba si Blake dahil may dadaanan pa ako 

Dumiretso ako sa mall dahil may kailangan pa akong bilhin

"Hi miss single ka?" tanong nung lalaki habang naglilip bite. Kala niya siguro ang hot niya tignan

Hindi ko na siya pinansin at nagroll eyes nalang. Habang namimili ako ng frozen goods ay nakita ko yung lalaki na tinulungan ko. At dahil sa kakatitig ko sakanya ay hindi ko namalayang nakabunggo na pala ako

 "God. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" sigaw ng isang babae. Bakit lahat ng naeencounter ko ay parang palengkera?

"Obvious rin naman na hindi ka nakatingin eh" 

"What?!" 

"Duh. Kung nakatingin ka din sa dinadaanan mo edi hindi sana kita mababangga dahil malamang iiwas ka. Umalis ka nga!" 

Matapos kong binayaran yung mga pinamili ko ay dumiretso na ako sa parking at pinaharurot ang aking sasakyan

Pagkababa ko ay nakita ko yung lalaking tinulungan ko na naglalakad papunta sakin. Sakin talaga?

"Uy" tawag ko sakanya. Agad naman siyang napatingin sakin at ngumiti

"Uhm hi"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko 

"May kukunin ako"

"Ano?"

"Hindi ano, kundi sino" Ako? Ako ba kukunin mo?!

"So tao ang kukunin mo?" tanong ko kahit obvious na

"Yup" nakangiti niyang sagot

"Oh my gosh. Kidnapper ka?!" 

"Ha?hindi ah kapatid ko" natatawa niyang sabi, sige ako na assuming

"Sige una na ako bye" pumasok na ako sa loob at sinalubong naman ako ni Blake

"Hi ate!"

"Sa totoo nag eenervon ka no?" pagbibiro ko habang kinukuha ang mga supot sa aking kotse

"Ma'am may naghahanap po sainyo" ani yaya

"At sino naman?!"

"Lalaki eh mukhang kaedad niyo lang, ma'am" 

Pumunta ako sa gate at binuksan iyon

"Anong ginagawa mo dito? tanong ko sa lalaking tinulungan ko. Tatanungin ko talaga mamaya kong anong pangalan niya

"Dito ka nakatira?"

"Ay hindi bahay mo to, gusto mo? diba obvious?"

"Hehe peace. Andito ba si Blake Scott?"

"Bata ba? Lalaki? Madaldal?"

"Yes!" 

"BLAKE!"sigaw ko

"hi ate, hi kuya?! Anong ginagawa mo dito?! Paano mo ako nahanap?" sunod-sunod na tanong ni Blake. So, magkapatid sila? Ay malamang Michelle, kakasabi lang eh

"Dito lang pala kita mahahanap. Ilang araw na kitang hinahanap, Blake. Mabuti nalang at sinabihan ako ng kaibigan ko na nakita ka niya dito. Alam mo bang iniisa-isa ko pa ang lahat ng bahay sa subdivision na ito?! Bakit ka ba naglayas, ha?!"

"Kuya, layas agad diba pwedeng naghahanap lang ng trabaho" ok ako na OP

"Ano?! Ang bata bata mo pa para magtrabaho" 

"NakaLAYmutan ko po kasi kuya eh! tsaka sorry kuya gusto ko lang makatulong eh" Tsk. Mahirap kasi  

"Makatulong sa saan? Marami tayong pera, Blake" ok. Edi sila na mayaman. Wala sa itsura eh "hinahanap ka na kaya ni mama"

"Huh?diba mama mo nasa sugalan?" tanong ko. Kunot noo naman akong tinignan ni guy at muling binalikan si Blake

"Sugalan? Isang stockholder si mama sa isang kompanya" sabi ni guy

"Atsaka sabi rin niya nagkalayo-layo kayo, ang dami niyo palang magkakapatid?"

"Anong marami eh dalawa lang naman kami ah?"

"So kasinungalingan lang pala lahat? Eh yung panlilimos mo kasinungalingan lang?!"

"Nanlilimos ka?!" umuusok na sa galit yung lalaki 

"Ha? Hindi ah! Sige uwi na tayo, kuya. Bye ate salamat sa lahat. Wag kang mag-alala bibisitahin parin kita ok? Bye!" naunang maglakad paalis si Blake

Napabuntong hininga naman si guy at tinignan ako "Pasensya na pala dun sa kapatid ko. Kung gusto mo hindi ko na pababalikin pa iyon muli dito"

"Wag. Napalapit na kasi siya samin, lalo na kay mommy. Kung pwede nga lang sana nandito siya araw-araw eh" 

"Ok then. Papupuntahin ko nalang siya dito araw-araw. Salamat pala sa pag-alaga sa kapatid ko"

"Wala iyon. Ano nga pala pangalan mo?"  curious lang ako, ha. Hindi ko siya gusto 

"Harisse Ethan Scott, sige Mich bye" aniya at umalis

Grabe. Hindi ko alam yung pangalan niya pero siya alam yung pangalan ko? Oh well, sikat naman kasi talaga ako sa school dahil bukod sa anak ako ng may-ari ay ako ang president sa Supreme Student Government...


***


She's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon