" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FIFTEEN
Mula panganganak, hanggang sa nakauwi na sila'y wala pa ring Hendrix na nagpakita o nagparamdam kaya hindi nakatiis ang bagong panganak na si CA.
"Mama may hindi po ba ako nalalaman?" Tanong nito sa biyanang babae.
"Ha? Ano 'yun anak?" Balik tanong ng Ginang kahit pa may hinala na kung ano ang nais tukuyin ng manugang.
"Sorry po mama pero nararamdaman kong may mali, bakit? Sa loob ng pagsasama naming mag-asawa kahit lagi akong nasa eroplano pero kailanman ay hindi ako binigo ni hubby loves ko lalo na sa mga mahahalagang okasyon sa ating buhay. Mula sa panganganak, ilang araw tayo sa pagamutan, hanggang sa ngayon na nakauwi na tayo pero walang Hendrix na nagpakita sa akin. Ngayon mama tangunin ko po ulit kayo, may dapat ba akong malaman?" Seryosong tanong ni CA.
Tumingin naman ang Ginang sa asawa tanda na nagpapasaklolo ito. Alam nilang karapatan nito ang malaman ang nangyari pero hindi nila alam kung paano lalo at bagong panganak ito. Ayaw nilang mabinat ito dahil sa stress.
"By your reactions mama, papa, I can feel that there's something wrong." Ani pa nito.
Kaya naman napabuntunghininga si Henry, tumingin ito sa balae pero tumango lamang ito kaya wala na itong nagawa kundi ang nagsalita.
"Noong araw na itinakbo ka namin ng mama mo sa pagamutan, tinawagan natin siya hindi ba at sabi'y darating na pero hindi nakarating? Oo hindi siya nakasipot sa pagamutan hanggang sa pag-uwi natin dahil ng araw ding 'yun ay inaresto siya ng mga taga NBI. Okey na sana dahil sumama naman siya at doon may pag-asa siyang makalabas dahil wala naman siyang kaalam-alam pero ang masakit ayun sa balita ay hinarang sila ng mga armadong lalaki, pinagbabaril ang sasakyan hanggang sa sumabog." Pahayag ni mang Henry.
"Sabi ko na nga ba eh! I knew it! Alam kong may nangyari dahil hindi nagpapakita ang asawa ko! Hindi ito puwedi! Hindi maaring basta na lamang mawala ang asawa ko! This can't be!" Kumbaga sa loob ng courtroom, hinampas nito ang lamesa na palakad-lakad na may kasamang sigaw.
Sa ingay na nilikha ng ina, nagulat ang bagong silang na si Zachary Qeb De Luna Albayalde. What a long name baby boy! A two combined name that has a meaning.
It is a biblical name having a divine meaning. It has a Hebrew origin and means ‘God has remembered’. Babies named as Zachary grow up to be strong willed and successful.
Egyption baby name, which means Father of the Earth. People bearing this name have inner desire for adventure and travel.
Napili ng mag-asawa ang dalawang pangalan dahil bukod sa biblically ang una, hango din ito sa pangalan nila, at ang pangalawa ay naaayun sa pagiging adventurous nila lalo na ang inang piloto.
"Tahan na baby Qeb, may iniisip lamg ang mommy mo kaya napalakas ang boses. Sleep na baby." Kausap naman ni Aling Trixia sa apo na para bang nauunawaan siya.
This time, hindi na nakatiis ang kanina pa nakamasid na si Clyde. Pero bago pa man ito nagsalita ay sumenyas sa balae na ilayo ang sanggol para hindi madisturbo sa pagtulog.
"Here take a look on this photos iha, ayun kay Adolfo ibinigay daw ng guard sa kanya at siya ang nag-abot kay Hendrix. That day nasa Baguio kami ng kuya mo pero sumugod kami dito dahil sa tawag ni Adolfo. Ayun sa CCTV, mga NBI ang umaresto sa kanya pero tumawag ako sa kumpare ko sa loob at ayun sa kanya'y taga loob nga sila pero wala siyang kaalam-alam tungkol sa pag-aresto nila kay Hendrix at mas lalong wala siyang alam sa warrant of arrest kaya't nagulat na lamang ang lahat ng naipalabas ito sa balita. Nagpapaimbistiga na ang grupo ng kuya mo at ang 4C's dito sa Isabela at umaasa kami na may magandang ibubunga ang lahat." Pahayag ni Clyde.
BINABASA MO ANG
NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficción GeneralDrama, general fiction. A story that will makes you cry, makes you laugh, to hate, to curse maybe even you will hate the writer too. But at the end you will love it after all.