BAKIT ( Oneshot )

48 2 0
                                    

Isa lang ako simpleng babae, yung taga suporta , taga tili lang, taga hawak ng banner. Pero ikaw, ikaw yung tipong tinitilian, ikaw yung sinusuportahan, ikaw yung ginagawan ng banner. Hindi ikaw ag siusuportahan ko nung araw na yon' pero sayo ako nakatingin. Naghiyawan ang mga tao habang naglalakad ka, papalapit ka nang papalapit sa mga nanonood at doon ko unang nakitang tumingin sakin, gusto kong itanong, bakit ?

Bakit ka nakatingin sakin?

Wala nang tao sa Library noong pumunta ako doon' pero nagulat ako kasi nandoon ka rin pala, pero hindi para magbasa , kundi para matulog. Kinabahan ako nung nahuli mo akong nakatitig sayo, pero imbis na magalit ka, ngumiti ka sakin. Gusto kong itanong, Bakit ?

Bakit ka nakangiti saakin?

Birthday ko ngayong araw na to. Pero walang nagbibigay ng regalo saakin. Umuwi ako non' nang nagiisa pero nagulat ako nung tinawag mo ang pangalan ko at nagbigay ng isang maliit na box, hindi ako nakapagpasalamat sayo sa sobrang kaba, pero gusto kong itanong, bakit?

Bakit mo ko nireregaluhan?

Lagi kong sinusuot yung bracelet na ibinigay mo saakin nung birthday ko. Hanggang sa mag Valentines Day. Sobrang daming nagbigay sayo ng regalo noon. Pero nakita mo ako, at hinawi lahat ng babaeng nagbibigay sayo. HIndi ako non makapagsalita sa sobrang kaba pero lumuhod ka sa harapan ko, at sinabi ang mga salita na hindi ko naimagine na sasabihin mo. " Pwede ba kitang ligawan" . Gusto kitang tanungin non' bakit ?

Bakit mo ko ako liligawan?

Simula noong araw na yon' marami nang taong nakapansin sakin, lagi mo akong sinasamahan, sa pagkain, sa pagpunta sa library. Impossibleng hindi kita mahalin. Mas lalo kitang nakilala sa pagdaan ng araw, lagi mo ako binibigyan ng bulalak at hinahatid mo ko sa bahay. Gusto kitang tanungin noon, bakit ?

Bakit mo ko gusto?'

SInagot kita noong mag 3rd year highschool na tayo, hindi ka parin  nagbabago. Ipinakita mo parin saakin na seryoso na,na hindi ka magsasawa saakin noon. Hindi naging madali kasi nagkahiwalay pa tayo ng section. Alam kong nahihirapan ka non , na sunduin ako, na puntahan ako sa room. Gusto kitang tanungin, bakit?

Bakit mo ako pinagtatyagaan?

Hanggang sa nawalan na tayo ng oras sa isa't isa. Hanggang sa naging busy nalang tayo. Hindi mo na ako nasasamahan. HIndi ka na nagtetext. Hindi ka na nagpupunta sa room. Hanggang sa makita ko na may kasama ka nalang iba, na may iba ka nang kinakausap. Gusto kitang tanungin, bakit ?

Bakit may kasama kang iba?

BAKIT( Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon