Title: Solved.
Tulala ako sa aking laptop pagkatapos kong basahin ang updates mula sa kpop group na idol na idol ko. May concert daw sila dito sa Yienta ngayong parating na buwan.
Tiningnan ko ang kalendaryo ko. Binilang ko ang araw bago ang concert at 33 days pa naman.
Ano bang gagawin ko?! Gustong gusto ko talaga pumunta doon! Wala lang akong pera!
Tss. Ang hirap hirap na nga ng exams namin, dadagdag pa 'toh?!
"Argh!" Hinilamos ko ang muka ko ng aking palad sa inis.
Bakit kase ang pulubi ko?!
Nyemas naman oh!
Nag-type ako sa google ng maari kong maging part time job.
Napangiwi ako sa mga lumabas.
"Wala pa nga akong college degree!" Sigaw ko sa harap ng laptop ko at naiinis na tiniklop iyon.
Nag-isip pa ako ng ilang minuto bago bumaba para hanapin si mama.
"Tintin!" Natigil ako sa paglalakad ng bigla akong lapitan ni mama.
"Ikaw talaga na bata ka! Sinasabi ko na sayong bastedin mo na yang Gio na yan! Tingnan mo oh, nasa labas padin ng gate natin! Kanino bang anak iyan?!" Tuloy tuloy si mama sa paglalakad papasok sa kusina habang nagsasalita.
Ngumiwi ako.
Ano na naman bang kailangan ni Gio sa akin?
Lumabas ako sa bahay at binuksan ang gate.
Nandoon sya at naka-tayo lang.
"Ang aga mo ah? Anong pakay?" Tinaas ko ang kilay ko sa kanya. Inayos nya ang kanyang makapal na salamin at tumikhim.
Gwapo na sana, ang stiff lang. Tss.
"Ahh tungkol kay Reign." Nagaalinlangan pa sya.
Tumaas na naman ang kilay ko.
"Oh? Na naman? Bakit? Tinanggihan ka na naman?" Tumango sya sa tanong ko.
Kawawang nilalang. Kawawa talaga sya. Kawawa din ako.
Parehas na pala kami.
"Mag-give up ka nalang, alam mo naman ang tipo ni Reign diba? At tsaka wag ka nang pumunta ng personal dito sa bahay tawagan mo nalang ako o i-text. Akala kase ni mama manliligaw kita." Mataray na sabi ko sa kanya.
Simula pa first year high school, tinutulungan ko na sya para mapalapit kay Reign.
Wala. Basted.
Tss.. ayaw pa gumive up! Malakas!
"Sige. Salamat." Madrama syang tumalikod sa akin at naglakad na pauwi.
Mayaman itong si Gio at gwapo pero di man lang makapag-ayos? Nako kung ako lang yang mayaman na ganyan, nasa VVIP na ako sa concert ng idol ko!
Hays.
"Talaga? Oh? E anong gagawin mo ngayon?" Kasama ko naman ngayon ang walang kwentang si Manda. Hindi man lang ako matulungan!
Si Trisha, kasama si Ashton. Si Reign naman, nowhere to be found.
At ngayon, kausap ko naman itong babaeng wala namang balak na tulungan ako.
"Ewan. Baka mag---
"Aha! Alam ko na!" Tumayo pa sya sa pagkakaupo nya at tinaas ang milktea nya.
"Ito! Ito ang sagot sa problema mo!" Turo nya doon sa milktea. Tumaas ang kilay ko.
Anong sagot?
"Pagbebentahin mo ako nyan? Ni hindi ko nga alam kung pano yan ginagawa e." Sumibangot naman sya at binaba ang milktea nya sa table na nasa harapan ko.
"Chaka mo talaga! Nagha-hire ang tito ko ng mga taga bigay ng flyers doon sa may Sea Side na branch nila. Ipaga-apply kita!" Pumalakpak pa sya.
"Teka, di mo man lang ako sasamahan? I mean, kasama sa shift?" Tanong ko.
"Bakit naman ako maga-apply? Di ko kailangan ng pera 'noh! Sa bahay lang ako at magwawalis." Ang weirdo talaga nya.
"Sige. Tara samahan mo ako sa Sea Side." Mukang magkakapera na ako ah?
Tiningnan ng tito nya ang resume ko.
"Hmm, wala ka pang experience?" Tanong ni tito Floid sa akin.
Umiling ako, "first time ko po." Sagot ko.
"Iha, tatapatin na kita. 500 a week lang ang sweldo mo." Nanlaki ang mata ko.
"Aba tito! Malaki na iyon!" Alma ko. Tumawa sya.
"Mamimigay ka ng flyers mula one o'clock hanggang sa mag-sara ang cafe ng eight. Kaya ba?" Tanong nya.
"Opo naman!" Tumango sya at tumayo.
"Bibigyan na kita bukas ha. Ipapa-prepare ko lang ang uniform mo." Halos sumigaw ako ng 'yes!' Doon.
Finally! Magkakapera na din ako! Whaaaa
