chapter 2

28 6 0
                                    

Title: Ang pagkikita

Nakangiti ako habang nag-aabot ng flyers sa labas ng cafe. Naka denim jeans ako at naka kulay peach na t-shirt na may tatak ng pangalan ng cafe. May puting sumbrero din akong suot habang di napapagod sa pag-ngiti at pamimigay.

"Hello po."

Grabe ang init! Ang dami pang tao! Nyemas na buhay ito, bakit ba may bayad yung concert na yun?!

"Ano? Kaya pa?" Nasa tabi ko lang si Manda habang kumakain ng ice cream nya. Inaasar nya pa ako kanina pa.

"Tadyakan kita dyan! Umalis ka nga!" Natawa sya sa reaksyon ko.

"Ganyan din ang pakiramdam ko kapag masakit yung braces ko." Sabi nya sa akin.

"Talaga? Hindi yung ngipin ang sumasakit? Yung braces talaga?" Sumimangot sya at inirapan ako.

"Sige mamilosopo ka pa riyan nang walang tumanggap nyang flyers mo." Sabi nya sa akin at tumayo na.

"May bibilhin lang ako. Babalik ako agad. Nagpaalam sya ng mabilis at tumakbo na palayo.

Walang kwentang kasama talaga.

Habang pinapanood ko syang lumayo ay may biglang sumanggi sa akin.

Napa-upo ako sa lakas ng impact.

"Aww.." mahinang daing ko habang dinadama ang sakit ng balakang ko.

Ang malas!

"Sorry!" Natatarantang sabi nung lalaki at sya na mismo ang nag-pulot ng mga naihulog kong flyers.

"Okay lang." Tinulungan ko sya. Napangiwi ako sa nararamdaman kong sakit.

Sa totoo lang, hindi talaga okay.

Nang matapos na kami sa pagpupulot ay sabay kaming tumayo at tiningnan nya ako.

The heck, he's so handsome! Napalunok ako sa nakita. Grabe, nakakita na ba ako ng lalaking ganito ka-gwapo?

"Ahm, okay lang ako. Pwede bang?" Awkward kong kinuha ang flyers na hawak nya. Tumango tango sya at tiningnan nya pa ako ng maigi.

Grabe, wag mo akong ganyanin!

Nahihiya akong lumayo sa kanya at nagsimula na akong mamigay ng flyers.

Nagulat ako ng pumunta sya sa harapan ko.

"Tulungan na kita." Pati ang boses nya! Halatang di sya madaldal o jolly na tao! Seryosong seryoso sya sa sinasabi nya.

"Okay lang. Trabaho ko naman 'toh." Tumikhim ako at namigay na ulit.

"I'll help you then." Seryosong sabi nya pa.

Hays ang kulit.

"Ayos lang ako promise." Ngumiti pa ako.

Wala na akong nagawa nang kunin nya ang halos kalahating flyers na hawak ko.

"Good afternoon." Seryoso syang namimigay sa mga dumadaan at halos lahat ng babae ay sinasadyang lapitan sya para mabigyan din sila.

The hell?

Medyo lumayo ako sa kanya.

Sa kanan sya at ako naman ay sa kaliwa.

"Hi!" Narinig ko ang ilang kababaihan na lumapit sa kanya.

Hays. Etong mga ganitong nilalang, effortless lang magka-pera. Baka nga maubos nya ang flyers na supply ng pang-isang buwan ng isahang arawan lang.

Huminga ako ng malalim at namigay nalang ulit. Talaga naman yatang uubusin nya iyon diba?

Bakit nya naman ako tinutulungan?

"I'm done." Mga limang flyers nalang ang nasa kamay ko nang sabihin nya iyon.

"Sige, salamat sayo." Binalingan ko sya at sinusuot nya na ang kanyang backpack.

"I'm Drake." He said. Inabot nya ang kamay nya sa akin para sa isang shake hands.

Kinamayan ko naman sya.

"Christine. Tintin nalang." Pakilala ko sa sarili ko. Tumango naman sya.

"Araw-araw ka dito?" Tanong nya sa akin. Tumango lang ako.

"Pagkatapos ng klase ko." Inabutan ko ng flyers ang dumaan sa harap ko at binalingan ulit sya.

"Okay then. Alis na ako. Nice to meet you." Tumalikod na sya at umalis na.

Whoa! What was that?!

Natulala ako saglit at nag-abot na ulit ng flyers.

Parang may dumaang anghel lang ah?

Bahala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon