CHAPTER 19
Penelope's POV
Nandito kami ngayon sa basement nila Art. >.< Nasa harapan ko ngayon ang mama ni Sahara, nandito rin yung mama at papa ni Grey. Hindi ko ineexpect na pati yung mama at papa ko ay nandito rin!? Ano ba ang nangyayari?? Nakatali sila sa upuan at walang malay! Anong gagawin ko???
Umalis ako sa school para pumunta rito. Dahil sabi ni Art siya na raw ang bahala kay Grey at Sahara. Kaya ako naghihintay ako kasama ang iba niya pang tauhan. >.<
Ano na lang ang sasabihin ni mama at papa sa akin? Kapag nakita nila na nakipag sundo ako kay Art! Ano ba kasi ang kailangan niya sa amin? Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari!
Napalingon ako kela papa at nagising na sila! Gagawin kooooo???
"Anak?" Sabi ni papa at pumikit na lang ako.
"Anong ginagawa namin dito?? Anong nangyayari???" Sabi ng mama ni Sahara at hindi na lang muna ako nagsalita.
"Ikaw? Anong meron dito? Bakit kami nakatali?!" Sigaw naman ng mama ni Grey.
Kapansin pansin ang pagiging tahimik ni papa at nung papa ni Grey.
"Henz?" Tawag ng mama ni Sahara sa pangalan ng papa ko! Magkakilala sila??? "Senayah? Bakit ka nakatali diyan? Bakit ka nandito? Hindi ka dapat nandito? Nasaan si Sahara???" Mahinahong sabi ni papa. Hindi naman sumagot ang mama ni Sahara. Naguguluhan na ako. Hindi ko maintindihan. Gusto kong magtanong pero nahihirapan akong magsalita >.<
"Gilmer! sabi ko naman sayo huwag ka ng babalik sa dati mong trabaho diba? Tignan mo? Maraming nadadamay!" Sigaw ng mama ni Grey sa asawa niya. Damn it! Bakit ganito?
Napatingin naman ako kay mama na umiiyak siya. 'Mama sorry...'
"Look who's here!" Napalingon kaming lahat sa pintuan. Si Art kasama niya si Sahara, Grey at ang si ate Iyah! Patapon niyang hinagis ang tatlo sa harapan namin habang nagpupumiglas sila >.<
"Gago ka Art! Sino ka ba? Bakit mo ginagawa sa amin ito?!" Sigaw ni Grey kay Art!
"Grey! Iyah!" Sigaw ng mama ni Grey sa kanila habang umiiyak, nakita ko naman si Sahara na nakatulala lang kay papa. Gusto kong magtanong kung anong nangyayari pero hindi ko kaya! Duwag ka Penelope! Duwag ka!!!
"Maswerte kayo at pinagsasama ko kayo bago kayo mamatay." nakangisi niyang sabi at kinilabutan ako!
"Art? Paano mo nagawa ito? Anong kasalanan namin sayo? Diba sabi mo mahal mo ako?" Sabi ni ate iyah habang umiiyak!
"Lahat ng ito ay nakaplano na, buhay sa buhay. Mr. Oliveros at Mr. Eros! Mga wala kayong puso! Pinatay niyo ang mga magulang ko? Sinira niyo ang pamilya ko!!! Kaya sisirain ko din kayo. Kayong lahat!" Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ni Art. Pinatay ni papa at ang papa ni Grey ang mga magulang ni Art?? Paano? Hindi ito pwede!
"Teka nga lang! Ano ba ang nangyayari! Hindi ko maintindihan!" Sigaw ko at napatingin silang lahat sa akin. Nakita ko si Sahara na umiiyak habang nakatingin sa akin. >.<
"Makasarili ka Penelope." naiiyak na sabi ni Sahara. Kasalanan ko ba to lahat?! T.T
"Gusto mong malaman ang totoo? Hayaan natin na magkwento ang papa mo Penelope." Nakangisi niyang sabi at napatingin naman ako sa kaniya.
"Papa?" Naiiyak kong sabi at tumingala siya sa amin.
"Kapatid mo si Sahara anak." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni papa! Hindi pwede. Bakit si Sahara? Bakit!
"No! Bakit ngayon niyo lang sinabi? Bakit papa?!" Naiiyak kong sabi at napalingon ako kay Sahara na umiiyak at pinapatahan siya ni Grey.
"Magkaibigan kami ni Gilmer noon. Myembro kami ng sindikato." Nanghihina ako sa narinig ko. My life is just a lie!
"Ako ang leader at siya ang kanang kamay ko. Halos araw araw may namamatay na tao sa mga kamay namin... Ang mama at papa mo Art, hindi namin sinasadya na mapatay dahil sumali sila sa gulo na hindi sila kasali. Patawarin mo kami." Malumanay na sabi ni papa. At nagulat kami sa biglang pagsapak ni Art kay papa.
"Mga hayop kayo!" Sigaw ni Art at halos maiyak na ako sa nakikita ko.
"Ang mama mo Penelope at mama ni Sahara ay matalik na magkaibigan noon, Nasira ang pagkakaibigan nila dahil.. sa akin. Sila ang unang pamilya ko Penelope. Pero mas pinili ko kayo kasi nagmamakaawa sa akin ang mama mo gusto niya na lumagay na tayo tahimik at gusto niyang may lumaking ama ang anak na dinadala niya. Habang buntis ang mama ni Sahara ay buntis din ang mama mo. Pero nagpaubaya sila Penelope. Nagpaubaya sila.. Lumaki si Sahara na minsan lang ako makita. Patawarin niyo ako." Malungkot na sabi ni papa at halos maiyak ako.
"Tama na ang drama! Itali na yan!" Lumaki ang mata ko ng may lumapit na dalawang lalaki sa akin at itinali ang kamay ko! Hindi pwede!
"Huwag mong idadamay ang pamilya ko Art! Ako na lang! Ako na lang ang patayin mo!" Sigaw ni papa at ngumisi lang si Art.
Sahara's POV
"Lab huwag ka nang umiyak please." Pinagmasdan ko lang siya at tumango. Lahat kami ay kinulong kami ni Art sa basement na ito. Lahat kami!
"Anak ayos ka lang???" Tanong ni mama at tumango naman ako. 'Hindi ako okay mama. Hindi...' "Patawarin mo kami anak. Kasalanan namin kung bakit lumaki kang walang ama." Sabi ni papa at naluha naman ako. Nakita ko si Grey na lumapit sa mama at papa niya at patuloy pa rin sa pag iyak ang mama niya. Nanghihina na ako.
Nagulat kami ng biglang may pumasok na dalawang lalaki at hinatak ang mga magulang ni Grey!
"Anong ginagawa niyo? Saan niyo dadalhin ang mama at papa ko?! Sumagot kayo!" Sigaw ni Grey pero hindi siya sinagot neto.
"Ako na lang ang isama niyo! Pakiusap wag ang asawa ko.." Pagmamakaawa ng papa ni Grey pero hinatak sila ng malakas palabas at padabog na isinira ang pintuan.
"Anong gagawin nila sa mama at papa ko!" Nanghihina na sigaw ni Grey. "Lab huminahon ka.." Sabi ko at tinignan niya ako ng masama. "Kinuha nila ang mga magulang ko tas sasabihin mo sa akin na huminahon ako?!" Sigaw sa akin ni Grey at napaluha naman ako. 'Patawad Grey."
"Huwag mo sigawan ang anak ko Grey!" Sabi ni papa at lalong nainis si Grey. "Kasalanan niyong lahat ito! Paano kung pinatay nila ang mga magulang ko? May magagawa ba kayo?" Sigaw ni Grey at napatahimik kaming lahat.
"Grey..." Malungkot kong tawag sa kaniya at tinalikuran niya kami. T.T
*boogsh!*
*boogsh!*
*boogsh!*
Nagulat kami sa biglang pagputok ng baril. Nakita ko si Grey na natulala at pumatak ang luha sa mga mata niya. 'Patawad Grey. Patawad'.
BINABASA MO ANG
Boundless Love
Novela Juvenil❝ Your smile takes my breath away. It took my breath away on the day we met, today, and every day in between. ❞ - Grey &&. 🖇️ Started: 05/05/2019 🖇️ Completed: 05/16/2019