Stephanie's image above
--**--Chapter II: Seeking Answers
Bella's POV
Huminto ang sinasakyan ko sa harap ng isang abandonadong bahay. Hindi ito tulad ng tipikal na mga abandonadong bahay na makikita sa mga palabas na malaki at malawak ang sakop.
Maliit lamang ito at halos bibigay na. Napuno ang bakuran nito ng mga nagtataasang mga damo at halos basag na rin ang karamihan sa mga bintana nito.
Nasa gitna ito ng mga malalaking puno kaya naman hindi ito kaagad mapapansin. Wala ring mga sasakyang dumadaan sa paligid at tanging mga huni ng ibon lamang ang maririnig.
Halos isa't kalahating oras din ang ginugol ko para lamang maabot ang sulok na lugar na ito.
Ito ang dati naming tirahan ngunit matapos ang nangyari kay ate napagpasyahan namin na lumipat na lang sa mas mataong lugar. Sariwa ang hangin at walang ingay sa paligid.
Memories flashed in my mind upong seeing our old house.
Dahil sa kalumaan, ang dating masiglang bahay ngayon ay nabalot na ng lungkot at nalipasan na ng panahon.
Walang nakakaalam na pumupunta pa rin ako dito. I kept going here for the last two years, not to enjoy but to continue my investigation regarding to that incident.
Nagbayad na ako ng pamasahe bago tuluyan na ngang bumababa sa taksing sinasakyan ko. Binigyan pa ako ng nagtatakang tingin ni manong driver nang sinabi kong dito na lang. Siguro naguguluhan s'ya kung bakit dito ako bumaba.
I felt nostalgic as my feet finally landed on the ground.
Ilang linggo na rin pala akong hindi nakakabalik dito.
The last time I visited this place was three weeks ago at hindi ko na nagawa pang bumalik dahil nauubusan na ako ng palusot na sasabihin kina Mama at Nana.
Ayaw na ayaw ni mama na makialam pa ako sa nangyari dalawang taon na ang nakakalipas kaya pinagbabawalan nya akong pumupunta dito.
Pati si Nana sinasabi sa akin na mas makakabuting wag ko na lang isipin ang nangyari dahil hindi na ito magbabago pa.
But I know deep inside my heart that I need to do something.
Maraming mga tanong na hindi mabigyang sagot noong nangyari ang insidente at alam kong balang-araw masasagot ko rin ang mga tanong na iyon. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalamam kung ano ba talaga ang nangyari. Soon, this mystery will no longer be a mystery.
It was the day when, I went on a retreat with my classmates. Sila Ate at Nana lamang ang naiwan sa bahay dahil si Mama ay nasa trabaho. When I got home, nabalitaan ko na lang na nasa hospital si Nana at nawawala si Ate.
Nana claimed that she can't recall anything happened that night. Ang sabi ng mga doctor kadalasan normal lamang daw iyon lalo na at nagkakaroon ng traumatic experience ang isang indibidwal. In order for the body to recover from the experience the brain suppresses the memory.
Lumapit ako sa may pintuan ng bahay. The door squeked open as I turned the door knob. Sa kabilang bahagi ng pinto sumalubong sa akin ang mga nagkalat na mga lumang mga kagamitang puno ng agiw. Halos masira na ang sahig ng bahay at tanging ang liwanag lamang mula sa mga butas ng bubong ang nagsisilbing ilaw sa loob. Halos bibigay na rin ang iilan sa mga haligi dahil pinamahayan na ito ng mga anay. Sa itaas ng mga sulok ay nakasabit ang mga sapot ng mga gagambang animo'y nagsilbing dekorasyon.
Umihip ang hangin at pumasok ito sa loob. Nagsiliparan ang mga alikabok sa paligid at nabalot ng puti ang buong kuwarto. Napaubo ako nang pumasok sa ilong at bibig ko ang ilan sa mga iyon.
BINABASA MO ANG
After Past (Completed)
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "The truth behind those eyes are twisted lies, and behind those twisted lies is a person in disguise." *** The past still haunts her. She knows that there's more to the story than meets the eye. But as she dig deeper and deeper, more tr...