Chapter 26: Bar

331 40 2
                                    

Aya Point of View

Matapos naming kumain ng buko ay naghanda narin si Papa ng pagkain para doon na kami magtanghalian. Matapos ang tanghalian ay nagpaalam na rin kami kay Papa na uuwi na.

"Papa. Aalis na kami. Mag iingat kayo dito ah."malungkot kong sabi sa kanya saka yumakap na para bang bata. "Sa susunod na linggo pa baka ako makabalik, dahil siguradong magiging busy na ako sa pag aaral."

"Ano ka ba naman anak. Ayos lang kung hindi ka dito makabisita."sabi nya saka kumalas sa pagkakayakap sakin saka pinatingin ako sa kanya ng diretso. "Ang importante ay mag aaral ka ng mabuti. At syempre mag iingat ka rin doon. Sinabihan ko na si Jiro na pwede syang matulog sa bahay para bantayan ka."nanlaki ang mata ko sa sinabing yun ni Papa.

"Papa naman. Alam nyo naman na lalaki sya at babae ako. Hindi pwedeng magsama kami sa iisang bahay at lalong kami lang ang nandoon."

"Ay sya. Ikaw na ang bahala. Basta mag iingat ka dun huh. Wag kang magpapakapuyat sa gabi."paalala nya pa sakin. "Sundin mo ang pangarap sayo ng Mama mo."malungkot ng anya kaya naman naging emosyonal din ako.

Namatay si mama nung bata palang ako dahil sa sakit nyang cancer sa atay. Malala na nun si Mama at saka naman sumabay na walang wala kami noon.

***
Flashback

Nasa ospital ako at nasa tabi ng higaan ni Mama. "Anak. Magpapakabait ka huh! Wag kang magpasaway sa Papa mo."anya na hinahaplos pa ang ulo ko. Nakita ko ang unti unti nyang pagluha.

"Bakit ka Mama umiiyak?"tanong ko sa kanya. "Hindi po maganda sa inyo yan. Hindi po bang may sakit kayo, kaya dapat magpagaling ka po?" nakita ko ang lalong pag iyak ni Mama. Sa pagkakataong yun ay humihikbi na sya.

"Doc! Please.. Operahan nyo na ang asawa ko. Magbabayad naman ako eh. Hindi pa lang ako nakakahanap ng pera." rinig na rinig ko ang boses ni Papa na nagmumula sa labas.

Nilingon ko si Mama. "Mama ano po yung ooperahan? Ano pong gagawin nila sayo?" nakita ko ang pagpapahid ni mama ng mga luha nya.

"Wala yun anak. Isang operasyon lang yun para gumaling si Mama."

Lumipas ang ilang araw at nandoon parin kami sa loob ng ospital. Tulog si Mama at may nakasuot sa kanya sa bibig. Hindi ko mawari iyon pero sa tingin ko ay doon sya humihinga.

Pumasok si Papa sa loob at nakita kong umiiyak sya. "Papa. Bakit ka po naiyak?"tanong ko sa kanya.

"Wala ito baby."lumapit sya sakin saka naupo sa harapan ko. "Baby-- makinig ka sakin huh! Kahit anong mangyari."anya na tumutulo parin ang luha.

"Bakit po papa?"

"Kasi baby-- i-ilang araw nalang iiwan na tayo ni Mama mo! Kapag hindi pa nagawa ang operasyon nya. Hindi naman sya maoperahan kasi wala akong perang mautangan."umiyak sya ng umiyak at ako naman ay napaiyak narin.

Dumaan pa ang ilang araw at ito na nga ang kinakakatakutan naming dalawa ni Papa. Nasa loob kami ni Papa ng kwarto ni Mama at binabantayan sya nung biglang tumunog ang isang square na bagay na malapit sa gilid ng higaan ni Mama. Ang pag galaw nito ay animoy alon sa paningin ko na unti unting humihina.

"Jusko!"bulalas ni Papa at mabilis na tumakbo papalabas. "Doc. Tulungan nyo yung asawa ko please!"

"Doc. Emergency yung sakin. Kailangan mo syang gamutin!" boses ng isang lalaki pa na kita ko sa sinag na salamin ng pinto ng kwarto ni Mama.

"Doc please! Unahin nyo yung asawa ko please! Doc!"kita ko sa mata ni papa ang pagmamaka awa saka unti unting tumulo ang mga luha.

"Doc! You need to check my son now! Kung hindi mo ako tutulungan, irereport kita at ipapatalsik kita sa ospital na ito!"sabi naman ng isang lalaki.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon