Chapter 29:

292 37 1
                                    

Aya Point of View

Ang sarap sarap ng tulog ko at parang ayaw ko pang idilat ang mga mata ko pero pinilit ko parin lalo na at biglang sumakit ang ulo ko. Bumangon ako sa pagkakahiga ko.

"Ano bang nangyari? Bakit ako nahihilo?"tanong ko sa sarili na gusto pang pumikit ang mga mata. Kinuha ko ang phone ko sa study table ko para tingnan ang oras.

d⊙_⊙b

Nanlaki ang kaninang gustong pumikit na mga mata ko nung makita ko kung anong oras na.

"Naku lagot na. 8:10 na!!!"mabilis akong bumangon kahit medyo nahihilo ay pumasok ako ng banyo dala ang towalya ko. "Bakit ngayun lang ako nagising?"aalisin ko na sana ang suot kong damit nung bigla ko yung mapansin. "T-Teka. Bakit nakasando nalang ako?"sinulyapan ko ang pang ibaba ko at nakita kong nakashort nalang din ako.

"Sige mga bro! Salamat."sabi ni Jiro.

"Sige bro, mag iingat kayo sa pag uwi."sabi naman ni Drake.

"Sige. Magpakasaya kayong dalawa hahaha!"sabi naman ni Keven at nakitawa naman sila Jiro.

"Bagsak na yan eh. Wag mo ng pagodin!"sabi naman ni Kurt. "Ahhahahah!"

Naibuka ko ang bibig ko sa naisip kong iyon. "Anong ginawa mo saking lalaki ka, humanda ka!"bilis bilis akong naligo. Naalala ko na kailangan ko nga pala ngayung mag uniform kaya kahit medyo hindi pa ako sanay ay sinikap kong maging komportable at magmadali. Nagpara ako ng tricycle at habang nasa byahe ay pilit kong iniisip ang mga nangyari kagabi.

"Tungkol ba yan sa babae? Ipagpapalit mo na ba ako?"tanong ko kay Jiro pero hindi sya sumagot. "Bakit hindi ka sumasagot? Kasi totoo?"sabi ko.

"Hindi yun ganun."maikling sagot nya saka yumuko para magsalin ng wine at inumin iyon.

"Tumingin ka nga sakin Jiro!"utos ko at sumunod naman sya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya."Akin ka lang okay!"sabi ko sa mismong mukha nya saka ko pinasadahan ng tingin ang labi nya at hinalikan.

Nanlaki ang mata ko sa alaalang iyon. "Bakit ko sya hinalikan? Nababaliw na ba ako?"naihilamos ko ang kamay ko sa mukha.

'Ang rule ko lang ay bawal nya akong halikan, pero ako ang kusang humalik sa kanya kaya kapag sinisi ko sya dun ay posibleng sabihin nya na hindi nya yun kasalanan at hindi sya dapat dun magkaroon ng punishment!'

Nung mabanggit ang salitang punishment sa iniisip ko ay may bumalik na namang alaala sa isip ko.

"Simple lang naman itong isa eh. Sigurado akong baka hindi mo ito magawa kasi nga madali lang ang isang rule na ito. Bawal kang malate sa klase."

"Huh? K-klase? Hahahaha A-ako? Mali-late ba kamo? Hahahha, never!"

"Okay lang. Basta isa yun sa rules ko."

"Sige col. Hahahahahha No challenge! Kahit one week pa ang punishment ko dyan."

"Sinabi mo yan huh,wala ng bawian."

"A-ano. Hoy! nagbibiro lang ako. Hindi ba sabi mo masyadong matagal ang one week, hoy!"

"No,sinabi mo na diba! Panindigan mo yang kayabangan mo!"

"Sige, okay. Pumapayag na ako pero nasisiguro kong hindi ako magkakapunishment nyan,ha! Ang bilis ko yatang magising."

"Tsk. Mark your words Aya. Tingnan natin kung hanggang saan yang kayabangan mo!"

Naisapo ko ang palad ko sa noo sa isa pang dagdag isipin na yun. Masyadong masakit pa ang ulo ko pero andami pang dumadagdag dun. Nakarating na kami sa school at pagkapara para ni manong ng tricycle ay mabilis kong iniabot ang bayad at nagtatakbo papasok.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon