CHAPTER 9

144 7 0
                                    

Parang natuturete na ang utak niya nang makitang wala na sila Jill sa bahay pagka-uwi niya kinagabihan. Ang Lola niya ay halos hindi na rin magkandaugaga sa pag-aalala. “Nasaan na sila? Nag-away ba kayo, Jethro?”

                Umiling siya. Kahit si Bianca, hindi na rin nagrereply sa mga text at tawag niya kaya hindi niya ngayon alam kung saan hahagilapi ang mag-ina niya. “Madam, mawalang galang na ho e, nagpaalam po si Ma’am Jill sa akin.” Napalingon sila nang magsalita na ang katulong.

“Bakit hinayaan mo silang umalis at talagang hindi mo ako sinabihan?” iyon yata ang unang beses na nakita niyang nagalit ang Lola niya mula nang muli niya itong makasama.

                “E, pasensya na po Madam. Sinabihan po ako nung bisita ni Sir Jethro na ‘wag ko daw pong pipigilan sila Ma’am Jill. E, binantayan niya talaga hanggang sa makaalis ‘yung mag-ina.”

                “At bakit ninyo pinapasok ang taong ‘yon?”

                “’Yun po ‘yung manager ni Sir Jeth, e galing na ‘yon dito dati kaya ang akala po namin e ayus lang. Nagalit pa nga siya kay Ma’am Jill kasi bumalik na naman daw si Jill sa buhay ni Sir.” Hindi na niya kailangang marinig ang buong kwento.

                Tinakbo niya ang kinaroroonan ng kanyang kotse saka siya nagmaneho palayo sa Villa.

Sa bilis ng pagpapatakbo niya, halos isang oras at kalahati lang ang ginugol niya sa daan at nakarating na agad siya sa condominium ni Andrew na naging tirahan niya noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang career. Hindi pa rin nito binabago ang door passcode kaya mabilis siyang nakapasok.

Pagkapasok niya sa loob ng unit nito, inabutan niya itong may kahalikang artista. Sa inis niya sa ginawa nito kay Jill, hindi na niya pinatapos ang pakikipaghalikan nito. Hinawi niya ang lalaki para bigyan ng isang malakas na suntok sa mukha.

Galit ang lalaki nang makatayo ito at binalak pa siya nitong gantihan, pero binigwasan niya ulit ito. “Para sa mag-ina ko ‘yan. ‘Wag na ‘wag ka ng lalapit sa pamilya ko. Kapag nilapitan mo pa ulit si Jill at ang anak ko, hindi lang mukha mo ang babasagin ko!”

“Walang hiya ka! Ako ang tumulong sa’yo para marating mo lahat ng yan!”

“Wala na akong pakialam kung kukunin mo ang lahat. Sa’yong sa’yo na!” pagkasabi no’n, umalis na siya duon. Ayaw na niyang mag-aksaya ng panahon. Kailangan niyang mahanap sina Jill. Pagkatapos nang lahat ng sinabi ni Bianca sa kanya tungkol sa mga nangyari noon, mukhang kailangan lang talaga nilang mag-usap para matapos ang problema.

Ang problema, hindi na nag-rereply si Bianca sa kanya. Ni hindi na rin ito sumasagot sa tawag niya.


NAPANSIN niyang kanina pa pinapatay ni Bianca ang cellphone nito.

“Sino ba ‘yang tumatawag? Ex mo?”

Umiling ito. “Magsasabi na ako sa’yo ng totoo ah. K-Kasi, gusto ko lang naman talagang tumulong eh.”

“Bakit. Ano bang ginawa mo?” magkatabi na sila ngayong tatlo sa kama nilang mag-ina. Si Jiana, naglalaro sa tabi ng TV habang nanunuod ng mga pelikula ng Daddy nito na noon ay hindi naman nito pinapansin.

“Chinat ko si Jethro.” Napakagat sa pang-ibabang labi na pag-amin ni Bianca.

“Wh-What?”

“Mommy si Daddy oh! Tumalon siya sa tubig!” sabay silang napatingin sa anak niyang parang aatakihin sa puso nang makitang tumalon sa tubig ang Tatay niya. Kasama iyon sa maaksyong eksenang shinoot nito sa Golden Gate Bridge.

“Oo anak. ‘Wag kang mag-alala. Buhay ang Daddy mo d’yan.” Hininaan niya ang boses saka bumaling sa best friend na parang gusto na niyang sakalin ngayon. “Ano’ng sinabi mo kay Jeth?”

“Sinabi ko lang naman na ‘wag na ‘wag ka niyang sungitan dahil wala siyang alam sa mga pinagdaanan mo.”

“Tapos?”

“Nagtanong na siya.” Pagkasabi noon, pinindot na naman nito ang cellphone nito saka naisipang i-block ang numero ni Jethro.

“At?”

“Sinagot ko lang naman lahat ng tanong niya, Jill. Ayaw mo kasing magsabi sa kanya.”

“Sige. Hayaan mo na. Nasabi mo na eh.” Wala na rin naming mangyayari kahit magalit pa siya. Ganoon din naman ang laban noon, may ibang babae na ang nagmamay-ari sa puso ni Jeth. Baka tinatawagan lang siya nito para kunin dito ang anak niya.

“Sorry. Hindi ko naman kasi alam na totoo ‘yung sa girlfriend niya. Nakita ko nga sa social media nung girl na nagde-date sila pero mula nung umuwi si Jeth dito, wala ng update. So I assume na wala na rin sila kaya tinulungan ko si Jeth. Kung alam ko lang na sila pa rin, hindi ko na lang sana sinabi sa kanya. Baka kaya siya naging mabait sa’yo dahil sa mga nasabi ko. Hindi ko sinasadyang mapahamak ka na naman. Pero don’t worry. Hindi ko na hahayaang makalapit sa’yo ang lalaking ‘yon. Hindi ka na niya masasaktan ulit.”

Pinilit niyang ngumiti. “Thank you.”


Napamura siya nang makitang awtomatikong namamatay ang tawag niya kahit hindi pa man nagri-ring ang cellphone ni Bianca. Ilang ulit niya pang inikot ang alam niyang tirahan ni Jill sa Ortigas nang makareceive siya ng text mula sa kaibigan nito.

Bianca: Sinungaling ka. Akala ko ba, mahal mo ang best friend ko? Bumalik ka pala sa girlfriend mo! Tigilan mo na siya kasi kahit ano’ng gawin mo, hindi mo na siya mauuto. Ipapahiram na lang niya ang anak mo, pero ngayon. Hayaan mo muna siya. ‘Wag mo na siyang saktan.

Nagmamadaling nagreply siya.
Jethro: What do you mean? Magkita tayo. I need to see her.

Bianca: No. Mabuti pa nga’t mabait ako at chinat kita. But this would be the last. Tantanan mo na si Jill. Kung gumaganti ka sa kanya, ‘wag na. She had enough.

Jethro: I will never do that to her.

Matagal bago nag-reply si Bianca.

Bianca: Sorry Jethro.



KINABUKASAN maagang dumating ang baby sitter ni Jiana. Inasikaso agad nito ang anak niya at tanung ng tanong kung saan ba sila nanggaling. Araw-araw itong bumalik sa bahay nila sa loob ng ilang linggong nawala sila para maglinis. Hindi na kasi siya nakapagpa-alam. Mabuti na lang at totoong may malasakit si Ate Ana sa kanilang mag-ina.

“Akala ko mag-aasawa ka na. Ang sabi ng mga kapit-bahay mo dito, sinundo ka ng babae. Nanay yata ng boypren mo.”

Napakamot siya sa sinasabi nito habang nagwawalis sa sala nila. “Ate, hindi po ‘yun totoo. Ah, masyado kasing kumplikado kaya hindi ko na lang ikukwento.”

“Oh siya, ano oras ba ang pasok mo? Ako na bahala dito kay Jiana.”

“Salamat, ate.”

Humalik muna siya sa anak niya bago lumabas ng bahay. Naglakad siya hanggang sa marating niya ang shuttle. Sakto namang maraming tao kaya ang ending hindi siya nakasakay dahil napuno na iyon. Matyaga siyang naghintay sa waiting shed.

Bigla siyang natigilan nang makita ang gwapong mukha ni Jethro sa imagination niya. Alam niyang hindi totoo ang lalaking naglalakad papunta sa kanya dahil hindi naman alam ni Jethro papunta duon. At sino bang lalaki ang maglalakad sa mahalay na paraan sa gitna ng walang katao-tao nilang service road?

Tumingin siya sa ibang lugar at nang ibalik niya dito ang tingin, hindi nga si Jethro ang nakita niya. Isang random na kapit-bahay niyang hindi niya kakilala.
Naalala na naman niya tuloy ang lalaking nagpapasaya at nagpapalungkot sa kanya at the same time. In short, ito ang taong dahilan ng unti-unti niyang pagkabaliw. Ayaw niya itong makita dahil aasa na naman siyang pwede pa silang dalawa pero gusto niya ulit itong makasama dahil iyon ang sigaw ng puso niya. Sinubukan niyang sampalin ang sarili. Kailangan na niyang maka-move on ng totoo mula sa relasyon nila ni Jethro.

Matagal na niyang binitawan ang relasyon nila diba? Dapat matagal na din niyang tinanggap na hindi na sila magkakatotoo. At hindi ang muli nilang pagsasama at maikling masasayang oras ang makakapagpabago sa katotohanang iyon.

Imbes na patuloy na magmukmok sa kinauupuan, nagdesisyon siyang tumayo na para sumakay sa dumating na shuttle pababa sa bayan.

Inaliw niya ang sarili sa social media habang nasa biyahe nang makareceive siya ng message request galing sa isang Kianna Peters. Isang half-American na mukhang kinulang sa budget para sa damit dahil kapiraso lang ang pang-itaas na suot.

Hindi niya sana i-aaccept ang babaeng iyon dahil alam niyang iyon ang babaeng nakita niya sa pictures na galing kay Andrew. Ito ang girlfriend ni Jethro. Kaya lang, dahil siksikan sa shuttle, nang masiko siya ng katabi niya, aksidente niyang napindot ang accept button. “Ow, Sh-“

Ilang saglit lang pagkatapos noon, nagmessage na agad ang babae.

Kianna: Where the hell are you?
Get your ass over here.
I’ll be waiting for you here in Megamall.
Don’t you ever stood me up.

Gusto niyang mainis sa babaeng ito dahil parang siya pa ang may kasalanan. Naalala niya lang ang sitwasyon nila. Kasalanan nga naman niya ang nangyari dahil pumatol na naman siya kay Jethro kahit alam niyang may nobya na ito. She has all the right to get mad.

Sinend sa kanya ng babae ang eksaktong kinaroroonan nito. Ayaw niya sanang sumipot kaya lang, baka lalo naman itong manggalaiti at baka madamay pa ang anak niya. Ngayong ikakasal na ito kay Jethro at magiging opisyal na itong madrasta ni Jiana, gusto niyang maging in good terms sila kahit para na lang sa anak niya.

Kaya kahit labag sa loob, sinendan niya ng message si Bianca na male-late siya sa usapan nila dahil kailangan niyang harapin ang mapapangasawa ni Jethro.

Naglalakad na siya sa Megamall nang mapansing tumatawag si Bianca. “Bakla ka. Bakit ka pumunta d’yan? Asan kayo?”

“Maganda na rin ‘to, Biancs. Kailangang matanggap ko nang hindi na sa akin si Jethro. Ayoko lang rin na madamay si Jiana sa galit ni Kianna kapag nakasal na sila.”

“Are you seriously ready to give him up? Kagabi lang, grabe ‘yung iyak mo. Alam kong mahal mo pa siya. Don’t you ever deny that now?”
“Kaya ko nga ‘to ginagawa kasi mahal ko siya. Sige na mamaya na lang tayo mag-usap. Bye.”

Nakita na niya agad ang babae na nakaupo sa isang mamahaling restaurant. Umiinom ito ng wine habang nakamasid sa mga taong naroon. Huminga muna siya ng malalim bago naglakad palapit dito. Naka-resting-bitch-face ang babae nang tumayo siya sa harap nito. “I’m Jill.” Naglahad siya dito ng kamay pero imbes na kunin iyon, tumayo ito at malakas siyang sinampal sa mukha. Pakiramdam niya mabibingi siya sa ginawa nito, pero hindi siya nag-reklamo.

“What are you waiting for? Gusto mo bang ipaghila pa kita ng upuan?” she has that strong American accent na pati tagalog ay nagtutunog sosyal kapag ito ang bumigkas.

Tahimik siyang naupo kahit na alam niyang nakatingin na sa kanya ang mga tao duon. “Gusto mo lang ba ng punching bag kaya mo ako pinapunta dito?”

“Actually, no. I’m here to warn you. I don’t know how did you do that but I won’t care anymore. So long as Jeth will stay, I won’t bother to waste my time on you. But don’t get your hopes up. Marrying my man will never make any difference. His name might become yours but his heart belongs to me.”

Mas masakit pa ‘yung sinabi nito kaysa sa sampal na ibinigay nito kanina. Bigla niya tuloy na ihiling na sana sinampal na lang siya nito ulit. So ang ibig sabihin lang pala ng pagkikita nilang iyon ay para pormal itong maging kakuntsaba sa palabas nilang kasal. Magiging Mrs. Jethro Payne pa rin siya na may kasama ng consent mula sa girlfriend.

“And, please. Get your filthy hands and skin away from him! Never test my kindness, Jill. I could be the most hated step-mother once your time is up.”

“Are you blackmailing me? Wala naman na akong balak na agawin sa’yo ang boyfriend mo. ‘Wag mong idadamay si Jiana sa gulo. Wala naman siyang kinalaman dito. Kung gusto mo, kayo na ang magpakasal.”

“Oh really? Too bad, you need to marry him whatever it takes. Ikaw ang gusto ng Lola niya. When she dies, we can freely marry each other. Kaya ko namang tiisin ang letseng kasal ninyo. So for now, you need to remember where you should place yourself in Jethro’s life! You had let him go and I will never do the same to him. Wala ka ng karapatang bumalik sa buhay niya kahit pa may anak na kayo.”

“’Wag kang mag-alala, alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa buhay ni Jeth.”

“Mabuti. I gotta go. I don’t want to spend more time with you because you make me feel sick.” Bigla na lang itong nag-walk-out.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang mawala na ito sa paningin niya.

Just One Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon