Pagkalipas lang ng isang buwan sa tulong ni Tyang ay ikakaasal na agad kami ni Ace.
Gusto ko mang pigilan at ayaw tumuloy dahil alam ko sa sarili kung sino ang laman ng puso ko at kung sino ang gusto kong mapakasalan ,kaso paano ko sasabihin kay Tyang? At paano ko ipapaliwanag sa kanya.
Sa oras din na malalaman nya ang totoo,natatakot ako sa kanya sa maari nyang gawin.Alam kong totohanin na nyang palayasin ako.At pag nangyari yon,paano na ako?Paano na ang anak ko?Saan ako pupunta?Saan ako pupulutin?Labag man sa loob ko ay itutuloy ko pagpapakasal namin ni Ace.
Hindi ako magsisinungaling sa sarili ko ginawa ko lang ito para sa anak ko.
Makasarili na kung tawagin pero wala na akong choice.Hanggang ngayon wala pa rin akong balita kay Chadd.Hindi na rin ako nagtanong kay Ace kasi alam ko namang sasabihin nya sa'kin kung may alam na sya tungkol sa pinsan nya.
Sa mga linggo pang lumipas,may mga bagay na nagbabago,meron din namang hindi.
Kagaya nang wala pa ring pagbabago sa mga gawain ko dito kahit na lumalaki na yung tyan ko,wala naman akong choice.
Gaya nga ng sabi ni Tyang hindi excuse ang pagbubuntis ko para matakasan ko ang mga gawain ko.Kaya minsan pag walang pasok tinutulungan ako ni Ace.Minsan nga kahit alam kong may pasok sya ay hindi sya pumapasok,katwiran nya wala daw silang klase.Naaawa na nga daw sya sakin.Hindi na daw kasi nakakabuti para sa akin na magtatrabaho pa rin ako dahil buntis ako.Hindi din daw sya pabor sa gusto ni Tyang na hanggat di pa kami kasal ni Ace at wala pa akong kapalitan sa trabaho ay ako muna.
Kaya sabi nya pagkatapos ng kasal namin,bubukod na daw kami sa ayaw at gusto ni Tyang para di na daw ako mahirapan.Pero sana kung dadating na yung papalit sa'kin dito kasi alam ko na kahit anong mangyari hindi papayag si Tyang na bubukod kami.Napapansin ko ang pagiging maalalahanin at pagiging caring ni Ace sa'kin. Lagi nyang pinapaalala sa'kin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagbubuntis ko.
Lagi din nya akong binibilhan ng mga kakailanganin ko.Lagi rin nya akong pinapasaya para daw di ako mastress.Minsan nga naiisip ko,kung si Chadd ang kasama ko ngayon,siguro ganito din gagawin nya sa akin,O baka sobra pa.
Baka nga pag nalaman nyang buntis ako ay iaalis nya na agad ako.
Inaya din naman ako ni Ace na bumukod na kaso ako ang may ayaw.Hind dahil sa doon sa sinabi ni Tyang,kundi dahil nagbabakasali akong babalik si Chadd bago man lang ang araw ng kasal ko.Pero hanggang sa dumating ang araw nang kasal ko,ay walang Chad na dumating.Hindi pa rin sya bumabalik at wala pa rin akong balita sa kanya.
Sa huwes lang kami ikinasal,si Tyang Merly lang tumatayong guardian kasi hindi daw makakarating ang mga tito at tita ni Ace dahil wala din dito sa Pilipinas pati na rin ang kapatid nya.
Mga kakilala lang din ni Tyang tumatayong witness sa kasal namin.
Pagkatapos ng kasal,sa isang exclusive restaurant kami kumain.Hindi kasi pumayag si Tyang na magpapahanda si Ace.Saka nalang daw pag sa simbahan kami ikakasal.Sayang daw ang gagastusin.Yong baby daw muna ang unahin namin.''Ngayong kasal na kayo ano na ngayon ang plano nyong mag-asawa?''
Tanong ni Tyang sa amin.''Kung papayag po kayo madamm,bubukod na po sana kami ni Asha "
''Aba dapat lang na bumukod na kayo.Gaya nga ng sinabi ko sa oras na may kapalitan na itong si Asha ay pwedi na kayong bumukod.At balita ko rin hindi ka naman hikahos sa buhay..Kaya mo na naman tong buhayin ang pamangkin ko kahit nag-aaral ka pa.So kelan ang balak nyo?''
''Kung pwedi po bukas na po madamm''
''Kung yun talaga ang gusto nyo hindi ko na kayo pipigilan.At ikaw Asha,ngayong may asawa ka na,tanggalin mo na yang pagkatanga-tanga mo.Hindi basta-basta ang pag-aasawa.Huwag kang gagawa ng kalokohan,tandaan mo wala ka nang mapupuntahan sa oras na lolokohin mo itong asawa mo.''
Hindi man lang kami pinigilan ni Tyang na bubukod agad kami ni Ace.
Dumating na rin kasi yung bagong katulong ni Tyang na nalaman ko si Acw mismo ang kumuha galing sa agency tsaka dagdag gastusin lang ako pag mananatili pa rin ako sa poder nya.
Alam ko rin namang di nya ako obligasyon kaya di ko rin sya masisi na ganun ang reaksyon nya na bubukod na kami agad.**ACE POV
Kinagabihan inimpake na namin ni Asha ang gamit namin para sa paglipat namin kinabukasan.
Ngayong kasal na kami,kailangan na naming lumipat ng tirahan dahil alam kong mahihirapan lang si Asha pag dito pa kami titira.''Ace,sigurado ka bang bukas na bukas din ang lipat natin?Hindi ba masyadong ang bilis naman ata tsaka san tayo lilipat?Paano ang pag-aaral mo?''
''Huwag mo nang alalahanin yun.May malilipatan naman tayong baha.Naasikaso ko na yun at yung tungkol naman sa pag-aaral koHindi yun maapektuhan kasi malapit lang yung lilipatan natin sa eskwelahan ko''
''Pag nakalipat na tayo huwag kang mag-alala tutulong ako sa'yo.Tutulungan kita sa mga gastusin.Pwedi akong magtinda at pwedi pa naman akong magtrabaho''
''Kaya nga lilipat tayo diba para di ka na mahirapan?Tsaka hindi ka pweding magtinda o magtrabaho.Ang gusto ko ay magpahinga ka para sa baby.Dahil nakakasama sa baby ang mapagod ka''
''Eh panu ang mga gastusin natin?Hindi din naman ako papayag na makihati pa ako sa allowance mo''
''Basta huwag mo nang alalahanin iyon,Ako na ang bahala sa lahat hah.Sige na magpahinga ka na.Ako na ang mag-iimpake ng mga gamit na dadalhin natin.''
''Tulungan na kita''
''Huwag na baka mapagod ka pa''
''Mag-impake lang eh...Ace may itatanong ako sayo?''
''Ano yun?''
''Bakit mo ba ito ginagawa?''
''Ano bang klaseng tanong yan?at bakit mo naitanong yan?''
''Naisip ko lang,sobra-sobra na kasi itong pagtulong mo sa'kin.Lahat ginagawa mo para sa'min ng anak ko na alam naman natin na hindi dapat ikaw ang gagawa.Pati nagkaasawa ka pa tuloy ng maaga.Paano na ngayon ang girlfriend mo at ang babaeng mahal mo?Naging hadlang pa ako sa pag-iibigan nyo.Sorry hah!!''
''Ano ka ba,diba nga sabi ko sayo gagawin ko ang lahat matulungan ka lang tsaka ano bang girlfriend at babaeng mahal ko ang sinasabi mo.Wala akong girlfriend,at yung babaeng mahal ko.Hayaan mo na yun.May nagmamahal at nag-aalaga na sa kanya.At masaya na ako para sa kanya.''
''Anong ibig mong sabihin?Na may asawa na yung babaeng mahal mo kaya ka pumayag na magpakasal na rin sa'kin''
''Sabihin nalang nating...ganun na nga!''
''Pero makakahanap ka pa ng ibang babaeng mamahalin''
''Hindi na..dahil masaya na ako para sa kanya..at di na ako maghahanap ng ibang mamahalin pa..''
Hindi mo lang alam Asha na ikaw ang babaeng yun..yung babaeng mahal na mahal ko....
Chadd..sana mapatawad mo'ko kung naging selfish man ako ngayon.Sana maintindihan mo balang araw pag nalaman mo kung bakit ko nagawa ko ito sayo.Ang maipapangako ko lang sa'yo na mamahalin ko rin sya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya..
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
General FictionLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.