Betchay's
Pagkatapos ng eksena sa may talon ay napapansin ko minsan si dale na nakatingin sakin tapos mamumula. Anak ng kagang wag mong sabihin na nakulam yun bigla biglang ngingiti tapos mamumula ohemji. Tapos ng isang araw ay muntik na kong madulas sa may hagdan pero napahawak ako sa railing kaya ligtas ko pero hindi sa paningin ni dale ang sarap ng tawa
Sinasabi ko na nga ba kapag nandyan sya may kamalasan na dumadating sakin grrr
Bumibili ako ngayon ng lulutuin para sa hapunan namin todo pa ang tingin ko.Segurista na kung segurista. Nang tapos na ko mamili ay umuwi na ko habang kumekembot kembot. Kapag naglalakad kasi ako feeling ko ako yung isa sa mga magagandang babae at hindi na pwedeng pakawalan
Pumasok na ko sa loob at dumiretso sa kusina
"Hugasan mo yang baboy at lagay mo sa kaldero lagyan mo rin ng tubig" sabi ng tatay ko. Ako? Ang magandang esmeralda ay paglulutuin nyo? Easy lang yan
Ginawa ko ang inutos ng tatay at sinalang ko na sa stove oh yes nemen
Hindi dapat jinujudge mga taga probinsya kasi kung sino pa mga taga probinsya sila pa yung mga lumalamang sa mga taga syudad."Tay! Yung sibuyas ba ay hihiwain ko ng maliliit?" tutok na tutok ako sa paghihiwa kaya nakalimutan kong magtanong
"Hatiin mo lang sa gitna tapos ilagay mo sa kaldero"
Napangiwi ako at tinignan ang sibuyas na maliliit na ang hiwa. Well wala namang effect yan sa lasa kaya nilagay ko na at hinayaan na kumulo"Wala sila mareng Fibi kawawa naman si dale at nag iisa tapos nilalagnat pa ay" nag aalalang sabi ni nanay kay tatay. Umarko ang kilay ko
Baka may gusto si nanay kay dale ohemji! Baka may secret chuchu sila kaya ganyan tapos pinapadalhan pa ni nanay ng ulam si dale kasi peyborit ny- gudneeesssss!Naghihilakbot na tumingin ako kay nanay at nakita ko rin na nakatingin sya sakin
"Nay may something kayo ni dale noh?!" naningkit pa ang mata ko . Walanghiya sya gagawin nya pang sugarnanay si nanay ko! Inakit nya siguro si nanay kaya ganon ewww iniimagine ko palang nasusuka na ko
"Yang utak mo masyado ng marumi. Sabay kayong lumaki ni dale kaya parang anak ko na rin sya. Puntahan mo nga sakanila at alagaan mo" sabi nya pa at bumalik sa panonood ng tv. Ako naman ay nakabusangot na pinagpatuloy ang pagluluto.
YOU ARE READING
Star beneath the grass
Teen FictionAng magiliw na pamumuhay ng isang Esmeralda "Betchay" Kalingkingan na umiibig sa Abs ng kanyang kinaiinisan na si Dale Perez