Ang manliligaw bow.

3 0 0
                                    

Manliligaw? Nanliligaw?Courting? Ako yun. Hindi ko mapigilan ang pagtitig ko sa isang babaeng mahal na mahal ang foods. Kumakain siya nang masaya, Halos umabot sa langit ang ngiti niya. Hindi ko din maiwasang ngumiti. Minsan napaisip ako, What if one day paubos na ang pagkain sa earth? I'm sure hindi na siya magiging masaya, Lulungkot ang buhay niya. Naiimagine ko ang pag-pout niya. Napakakyut ang sarap pisilin ang pisngi niya.

Nilakasan ko ang loob ko para manligaw sakanya. Akala ko nga hindi niya ako mapapansin. Napansin niya ako! Halos mamamatay ako sa tuwa, daig pa ang sinagot. Minsan hindi ko kayang hindi siya makita sa loob ng isang araw, yung kumakain siya. Napakasimple niya. Kung sa ganda siya yung natural na natural at simple. Masasabi ko din na may curves siya na kahit na ang tingin sakanya ng lahat chubby at mataba, pero sa aking mga mata sexy siya.

"Hi" Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Dahan-dahan akong lumingon ang isang kakaklase ko na maganda, Fashionista, may kaya sa buhay, at isa sa mga hinahangaan ko.

"Hi" bati ko sakanya.

"Sabay tayo lunch bukas?" Tanong niya.

Napaisip ako bigla, Inaalok niya ako pero may inaalok akong iba. Sino bang aalukin ko? Hindi ko makikita ang masayang kumakain pag pumayag ako sakanya. Pero Naalala ko may gagawin pala siya bukas. Talagang hindi ko makikita ang masayang kumakain.

"Sige, San tayo?" Tanong ko sakanya.

"Uhm sa may cafeteria nalang" Sagot niya naman sabay ngiti.

"Okay, sige mauna na ako may gagawin pa ako eh" Sabi ko.

"Okay byeeee" kumaway naman siya saakin.

Miss na kita, Smiley.

Si FoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon