==========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
==========================================================
CHAPTER 8: Trust No Beki
“Like what the ef! Buhay pa pala ang bitchesa na yun!” Wika ni Stanley habang tumatakbo sila ni Dan palayo sa storage room. After makalabas sa makipot na eskinita ay naglakad na uli sila ng normal at parang walang nangyari. Inayos pa ni Stanley ang polo ni Dan to make him more presentable. Nagkatinginan naman ang dalawang may ginagawang milagro kanina nang makarating sa hall ng laboratory. They now know a confidential secret at kailangan ito malaman ni Andrew agad-agad!
“Babe, hindi ba kahina-hinala if aalis ka’gad tayo dito sa laboratory?” Tanong ni Dan dito habang naglalakad pa rin silang dalawa pabalik sa laboratory ni Stanley. Bigla namang hinila ito ni Dan sa kamay.
“Alam kong kahina-hinala pero kailangan na nating warning-an sina Andrew!” Wika ni Stanley. “At wag malakas ang boses mo. Ssshh! Hindi mo alam kung sino ang kalaban sa paligid!” And to make his point, lumingon-lingon pa ‘to sa paligid as if naman makakakita ng Nelestrum na masayang naglalakad on broad daylight.
Nang makasiguradong wala ay naglakad muli ang dalawang maharot. “Anong sinasabi mong wag na tayo bumalik sa laboratory ko?” Ani Stan kay Dan.
“Ngayong alam na natin na kasabwat ni Taragis ang mga Nelestrum, how sure are you na hindi trap ang laboratoryo mo?!”
“Shit, oo nga. Pero andun yung ibang panggawa ng Bekirillium!” Tarantang wika ni Stan.
“I know baby, pero we can’t risk being caught! Kailangan natin ang tulong ni Andrew!”
“Are we going to the Beki Police Force Headquarters?”
Tumango si Dan. “Let’s go!”
XXX
Pagdating nila sa BPF Headquarters ay napag-alaman nilang wala si Andrew duon. Nagtanong kase sila sa isang Beki Police na passerby.
“Shet na malagket, asan na ba si Andromeda?” Pagpa-panic ni Stanley.
“Hindi kaya nahuli na din siya?” Worried na reply ni Dan.
“Baby, wag naman.” Mas worried na wika ni Stan.
“Baka naman umuwi na uli sa bahay nila?”
“Umuwi eh kakapasok lang ng work?”
“Ay oo nga noh. Sorry naman.”
“Sino pong umuwi uli sa bahay nila?” Singit ng passerby na Beki Police.
Tinitigan ito ng masama ni Stanley sabay inirapan. Hinila naman ka’gad ito ni Dan papalayo sa Beki Police bago pa man awayin ito ni Stanley.
“Wag ka na makipag-talo sa kahit na sino.” Bulong ni Dan dito.
“Eh nakakaimbyerna eh!” Asik ni Stan.
“Ssshh! Huminahon ka. Talk to no one, trust no one.” Mahinang wika ni Dan dito. Tumango naman si Stan at tila bumalik ito sa sarili niya upon hearing the logical reasoning of Dan.

BINABASA MO ANG
Bekilandia 2: Return Of The Bekis
Science FictionWelcome sa Bekilandia! Kung nung Book 1, naging aware kayo na may planet ang mga Beki, ngayong Book 2, uh...hindi ko alam kung saan kayo magiging aware! So basahin niyo na lang! Haha! Basahin ang Bekilandia 1 para maka-relate. Promise di mo ito maii...