END OF THE FIRST HALF, TIGERS LEAD BY THREE
Rodney's POV
Nasa dug out na kami at nakaramdam ako ng pananakit ng katawan ko, grabe naman ito. Anu bang nangyayari sa akin. Bakit ngayon pa.
Eto aaminin ko na sa lahat, may diabetes ako. Hindi pa alam ng mga ka teammates ko, hindi rin alam ng mga magulang ko. Walang nakaka alam maliban kay Argelle. High School pa lang ako ay may sakit na ako. Ito madalas ang sintomas nito, yung nananakit ang katawan ko pati parang nasusuka ako saka namamanhid ako minsan.
Habang sila ay nagsasaya doon nagpaalam muna ako kay coach pati sa mga teammates ko.
''Guys pupunta lang ako sa CR, di pa naman nagsisimula ehh''
''Sige Rodney bilisan mo na lang'' -Coach
Tumakbo ako papuntang CR kasi nakaramdam ako ng pagsusuka. Pumasok ako sa cubicle ng CR at sumuka. Nawala na rin yung pananakit ng tiyan ko. Then paglabas ko ng CR bigla na lang akong nahilo at biglang nanilim ang paningin ko.
Argelle's POV
Matagal pa bago magsimula ang second half, makapag CR nga muna.
Pagpunta ko sa CR may nakita akong player ng Shiozuka na nakahimlay lang sa may gilid. OMG!!! I saw jersey number 13, could it be?
'"Rodney!!!?''
Oo si Rodney nga, nako po sumumpong nanaman ang sakit niya. Anung nangyari sa kanya?
''Rodney?? Rodney!!'' di pa rin siya gumigising, dito na akong nagsimulang kabahan. Nasaan ba yung girlfriend niya? Wala ba siyang kaalam alam sa nangyayari sa boyfriend niya.
Nagpunta ako sa dug out ng Shiozuka Jaguars para humingi ng tulong, wala kasi yung utility man ehh.
''Tao po'' katok ko sa dug out nila
Then nagbukas yung pintuan at nakita ko yung team captain nila ''Bakit po?''
''Kuya, si Rodney Miller hinimatay malapit sa may CR, dalhin natin siya sa clinic''
''Bakit hinimatay?'' na shock yung captain nila sa tanong ko
''Hindi ko po alam ehh, nakita ko na lang siya sa may CR na walang malay''
''Sige samahan mo ako'' pumunta yung captain nila at nilapitan yung coach nila ''Coach, nawalan raw ng malay si Rodney kailangan madala natin siya sa clinic. Baka may mangyaring masama sa kanya''
''What? Not now Robin'' -Coach
Pinapunta ko yung captain malapit sa may CR para alalayan si Rodney. Dinala namin siya sa clinic.
Nessan's POV
Yawn!!!
Tagal magstart ng second half.
''You take it away with all you lovin, you take it away with just one touch''
Biglang nag ring yung phone ko, sino naman kaya ito
Calling: Kuya
''Wait Ekaii tumawag si Kuya''
''Sagutin mo na'' -Ekaii
''Andami kayang tao, medyo maingay''
Sinagot ko na yung call ni kuya ''hello Kuya?''
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...