SA PALASYO
Nagtinginan lang kami ng reyna...para bang hindi namin alam kung ano ba talaga ang sasabihin namin kay Aleonah hayss bakit nga ba kasi pumunta pa dito ang babaeng toh hayss kainis!
"Ah sino po si Jeremy?" muling tanong ni Aleonah.
"Yung...Ah yung nagturo saakin mag piano" yun nalang ang sinabi ko wala na kong maisip eh nagkatinginan muli kami ng reyna.
"Iha...nabisita ka yata dito ka na maglunch" pagiiba ng reyna ng usapan.
"Ay wag na po kaya po ako napadaan kasi gusto ko po sanang ayain si Jharo kung pwede sana siyang lumabas kasama ko" sagot ni Aleonah.
"Jharo..magbihis ka na"sabi ng reyna.
"Hindi po ako pwede ngayun siguro sa ibang araw nalang" sagot ko.
"Jharo gawin mo naman ang responsibilidad mo kay Aleonah ano ka ba! minsan na nga lang kayo magkasama anak!" saway ng reyna.
"Ah mahal na Reyna, okay lang po marami pa naman pong araw ang darating"sabi ni Aleonah.
"Pasensiya na" sabi ko at umakyat na sa silid.
Hay nako Khyle! hindi tama ang ginawa mo!tinalikudan mo ang isang napaka gandang babae! ay sus! buti sana kung si Setong yun! kahit na ni hindi mo man nirespeto ang babaeng kaharap mo! teka teka! sino ba kausap ko? konsensiya ko nanaman! nyetah! hindi ko alam pero iisa lang naman ang gusto ko eh ang makauwi na saamin...tatapusin ko na lahat ng gawain ng prinsipe ngayong linggo at pupunta na ko sa ospital o kung wala na sila doon uuwi na ko saamin at aaminin ang katotohanan.
-------------------
"Tita Ellyn! kamusta po" dumaan na ko kila Setong halos dalawang linggo na siyang hindi pumapasok sa restaurant ano kayang ngyari sa kanya? ilang beses akong naglakas ng loob puntahan siya kaso hindi ko magawa pero this time lalakasan ko na ang loob ko.
"Oh Jeo! nakauwi ka na pala! si Setong? hindi mo ba kasama?" usisa ni Tita Ellyn hala O__O!!! kasama? nakauwi????? teka parang....sus ko! anung kalokohan nanaman bang ginawa mo Setong!
"Ah...H-hindi po baka nasa restaurant pa"
"Ang sabi niya kasi nagpadala daw ang crown prince ng tauhan sa ibang branch kaya panamantalang hindi siya makakauwi dahil kasama siya sa mga pinadala...kasama ka din ba?"
"O-Opo" sakyan ko nalang tiyak magagalit lang saakin si Setong! pero yari saakin ang babaeng yun! Imagine magdadalawang linggo na siyang hindi pala umuuwi? pati trabaho niya ay hindi niya na inaalala sus!
"Baka mamaya ay padating na yun himala yata at hindi siya sumabay sayo"
"Baka may inaayos pa sige po...una na ko"paalam ko.
"Sige ingat"
Napaisip ako...saang lupalop nanaman ba ng Pilipinas pumunta itong si Celestine! sus ko! hindi kaya nagtatanan na sila ni Khyle??? hindi ako papayag kailangan mahanap ko siya! ang alam ko nag tratrabaho si Khyle sa palengke at taga bayan lang din...mahahanap ko din ang lalaking yun! humanda siya pagnakita ko siya!
Pag uwi ko kaagad akong nagkulong sa silid ko...nakakainis hindi man lang nag paalam saakin si Setong! talaga palang nag bago na siya simula nung makilala niya si Khyle! kainis! sinuntok ko ang pinto O________O
"Aw..AWWWW ARAY!!!!!!! P*tang *na!" ang sakit leshe! pero mas masakit pa din ang ginawa mo saakin Setong!
"Oy! Jeo ayos ka lang ba?" kumakatok si Kuya Jayson.
BINABASA MO ANG
Searching the Casanova's Prince
Ficção AdolescenteNot everything will stay, Even some memories will fade away. But you are the one who will choose your way. It's either facing the nightmare of the past or accepting the present and move forward. Indeed, everything is hard... But the search is not ov...