Unit 806 (Short Story)

1.4K 35 13
                                    

ATLANTIC CONDOMINIUM

"Sigurado ka ba anak na gusto mo ng bumukod sa amin" sabi ni Mariana

"Opo Ma! Okay na din to' malapit lang din to sa trabaho ko." sabi ni Ellaine habang iniaayos ang iba pa nyang mga gamit

"Magiingat ka anak ha? Wala ako sa tabi mo. Hindi ko alam kung anong nanyayari sayo."

Nangiti si Ellaine sa sinabi ng ina niya. Kahit kailan talaga ay napakamaalalahanin ng mama niya. Palagi siyang inaasikaso. Mamimis niya ito ng sobra. Mamimis niya ang mga pagaasikaso nito.

Kaya siya bumukod ay para na rin maging independent. Masyado na kasi siyang nagiging dependent sa mama niya.

"O paano aalis na ko" Paalam ni Mariana

"Sige po Ma, magiingat po kayo"

"Ikaw din"

Hinatid ni Ellaine si Mariana hanggang sa elevator. Pabalik na siya ng unit niya ng biglang may kumalabog sa Unit 806 na parang may binalya sa pinto. Bago kasi ang unit niya, madadaanan niya ang Unit 806. Nasa Unit 807 kasi siya. Napasigaw siya sa gulat.

"Hayop ka talagang babae ka!" sabi ng lalaki sa loob ng unit

"Tay tama na po! sabi naman ng babae sa loob ng unit

Sabi ni Rafael ako lang ang nakaokupa sa floor na to? Meron pa lang iba. Baka nakalimutan lang ni Rafael.

At nagtuloy tuloy na siya sa Unit niya. Habang papasok siya ng unit niya ay naisip nya ang katabing unit. Kawawa naman yung babae sa kabila, parang  binubugbog ng tatay niya.

Biglang nagring ang cellphone niya, kaya nawala na sa isip niya ang kabilang unit.

"Hello Edward?" sagot niya.

Ang tumatawag ay ang long time boyfriend niya. Isa ito sa dahilan niya kung bakit gusto niyang magsolo na ng tirahan. May balak na kasi silang magpakasal. Sa pagiisa niya matutunan ang lahat ng gawaing bahay.

"Ellaine paak...." Biglang nagstatic ang linya nito

"Hello.. hello.. Edward?" At tuluyan na itong nawala sa linya

Tatawagan niya na sanang muli si Edward ng may biglang kumatok sa unit niya. Sumilip muna siya sa peephole ng pinto para malaman kung sino ang kumakatok.

Nakita niya si Edward na parang galit, kaya agad niyang binuksan ang pinto.

"Edward? May problema ba? Tanong niya agad dito.

"Sino yung kausap ko sa phone?" Galit na salubong niya

Unit 806 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon