HARI NG SABLAY (ONE SHOT)

1.5K 44 41
  • Dedicated kay Leah Camille Paril
                                    

 Copyright © 2012 by Ate Aki (natz_xviii)

 

“I Fell In Love with My Birthstone”

Langya naman!

Hari talaga ako ng sablay!

Badtrip!

Bakit sa dinami dami ng mababangga sa isang construction site… ako pa!

Bakit sa dinami dami ng matatalo sa pusoy.. ako pa!

Bakit sa dinami dami ng magsesemplang sa bike… ako pa!

At higit sa lahat…

Bakit sa dina dami ng mamahalin..BESTFRIEND KO PA????

Tanga ba ako???

Ako nga pala si Angelo…

At ito ang aking SABLAY na kwento..

“oh pareng Angelo..wala ka bang lakad ngayon?”

“wala pare..uwi na ko..”

“Dota muna tayo!”

“Di na pare..may lakad ako..”

“oh akala ko ba wala kang lakad??”

Anak ng! mahuhuli pa yata ako..!

Kasi naman pupunta ako sa bahay ng bestfriend ko ngayon eh itong si Rico, nangungulit… eh baka maging topic na naman ako na may nililigawan o kung ano pa man sa room… puro kasi mga kalokohan ang mga kaklase ko eh...

“Baka naman may pupuntahan pa yan pare..hahahaXD”

Ay! Luka luka talaga tong si Allesa, ipapahamak pa ko ng pandak na sira ulong classmate kong to eh..

Nako naman!

“tama ka diyan…haha…baka naman may BIBISITAHIN siya, hahahaXD”

Isa pa tong si Lian, at nag apir pa sila ni Allesa… grabe talaga tong dalawang babaeng to..lagi na lang akong pinapahamak..

“hoy Allesa, Lian, tumigil kayo diyan ha..Wala akong pupuntahan”

“WEH????”

At duet pa talaga silang dalawa ha?…

“Pare sama ka nalang sa amin ni Lian, punta kasi kaming park, tatambay”

“Oo nga Angelo..kami lang kasi nitong babaeng to ang magkasama eh sawang sawa na ako sa pagmumukha niyan..hahahaXD ”

Sa park??

Sa bagay..pwede rin, pinag iisipan ko pa din kasi talaga kung pupunta ako sa bahay ng bestfriend ko..

Di ko naman kasi alam kung ano bang sasabihin ko pag pumunta ako dun..tutal etong dalawang babae naman sa harap ko eh alam na ang kumplikadong lovelife ko..

HARI NG SABLAY (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon