In Sickness and In Health

7 0 0
                                    

“Papakasalan kita, pangako. Sa susunod na buhay natin, alam kong magkikita tayo. Alam mo naman na naglalaro ako ng baseball, 'di ba?”— paghinto ko upang malaman ang sagot niya, pagkatango niya ay nagpatuloy ako sa pagsasalita— “Tatama ang bola sa bintana ninyo at papasok ako para kunin iyon; doon kita makikilala.” Wika ng lalaki sa babaeng kaharap niya. Umiiyak ito na nagpapahiwatig nang kalungkutan niya noong ito'y nabubuhay pa.

“Pero alam mo namang hindi ako nakakagala-”

“Papakasalan pa rin kita! Mahal kita at alam kong magkikita tayo sa susunod na buhay natin. Kahit saan ka man, magkikita at magkikita tayo. Alalayan kita, ako ang magiging katawan mo, ang lakas mo.” Puno ng sinseridad na saad ng lalaki.

“T-tutulungan mo ba ang ina ko kung sakaling mangyari 'yan?” Umaasang tanong ng babae sa lalaki. Tumango naman ang lalaki at ngumiti.

“Salamat!” Buong pusong pasasalamat ng babae sa lalaki at niyakap ito. Iyak ito nang iyak sa dibdib nito hanggang maglaho ang babae— tinanggap na nito ang kapalaran niya at handa na siyang mabuhay muli.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang napakalungkot na bangungot. Napansin ko na umaagos ang luha sa aking pisngi at tila ba may sarili itong buhay kaya ayaw tumigil. Bakit sobrang sakit? Bakit pakiramdam ko na totoo iyon?

Ginulo ko ang buhok ko at nababagot na tinignan ang oras. “Imposible namang ako 'yon! Napakalusog ko lang kaya tapos—” Tumigil nalang ako at napabuntong hininga. Panaginip lang naman iyon kaya hindi 'yon totoo. Gagambalain lang ako no'n sa mga gagawin ko.

“Hara, ang aga mo ata ngayon sa school a,” bungad ni Dren sa akin pagkapasok ko sa classroom. Walang gana akong napatingin sa kaniya at isinampal sa kaniya ang walang lamang envelope ko. “Grabe ka naman! Nagtatanong lang e, suplada mo!” Inis na sigaw nito sa akin at padabog na umalis sa classroom.

“Matagal ko ng sinabi sa kanila na 'wag ako kausapin pag maaga akong dumating, ayaw pa rin nila akong tigilan!” Galit na bulong ko sa aking sarili. Nang makita ako ng ibang mga kaklase ko sa room, umiiwas sila.

“Pst!”

Lumingon ako sa kung saan upang hanapin kung saan nanggagaling iyon subalit wala naman akong nakita. Baka hindi ako 'yong tinawag, akala ko kasing si Anmo na naman 'yon.

“Sinong hinahanap mo?” Biglang tanong ng kakasulpot lang na tao kaya kaagad ko itong nasuntok sa mukha.

“Ang sakit Hara! Hindi ka man lang ba naaawa sa gwapo kong mukha?” Pagpapaawa ni Anmo sa akin habang hinihimas-himas ang pisngi na nasuntok ko.

Tinaasan ko siya ng kilay at ipinatong ang paa ko sa desk ko. “Mas maniniwala pa ako kung ang sinabi mo ay 'gagong kwago' imbis na sa gwapo. Mas bagay 'di ba?” Masungit kong sagot at napangisi.

Inilagay niya ang bag sa katabi kong upuan at umupo ro'n. May kinuha siya sa bag niya at kitang-kita ko na hawak-hawak niya ang paborito kong tsokolate.

“Pasalubong ko sana sa'yo 'to mula sa Canada pero binu-bully mo naman ako kaya,” tumigil muna siya saglit at sinilip kong ano ang reaksyon ko. Aaminin ko na para akong aso na nag-aantay na pakainin ng amo ko. “Para ka talagang aso,” sabi niya at tinapon niya sa akin ang tsokolate. Swerte siya at binigyan niya ako ng pagkain kasi kung hindi, baka kanina pa siya lumipad palabas sa Earth.

Natapos ang klase na puno ng pagbabangayan naming dalawa. Matagal ko na siyang gusto pero hanggang pag-ienjoy lang sa kung anong mayroon kami ang magagawa ko. Wala akong lakas ng loob at isa pa, mas bagay kung lalaki ang mauunang umamin kaysa sa babae.

Magdadapit hapon na nang tuluyan kaming nakalabas sa ikalawang pugad namin. School is the second home naman kaya ikalawang pugad.

Kagaya ng dati, dumiretso ako sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Mas mabuti nang makapunta ng maaga do'n para mas malaki ang salapi na makukuha ko.

Nakarinig ako ng biglaang pagkabasag ng glass window ng shop. Bumagal lahat nang nakikita ko sa paligid at tila bang kaming dalawa lang ng nakabasag ng glass window sa iisang mundo. Napatingin kaming isa't isa sa mata at nagsimulang umagos ang luha sa aking mata. Sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko nang makita ko ang lalaking iyon. Bakit na naman?

“Hoy! Kayo! Hara, ano namang tinatayo-tayo mo diyan?!” Sigaw ni boss na dadaan sana sa harapan ko kaso napatigil siya dahil napansin niya atang umiiyak ako. “Bakit ka naman umiiyak?” Nag-aalalang tanong niya kaya kaagad akong napapunas sa mga luhang iyon.

“Naiiyak lang po ako kasi nabasag 'yong glass window ng shop niyo,” sabi ko habang patuloy na pinupunasan ang luhang walang humpay na umaagos.

Ang lalaking nakabasag ng bintana ay matangkad, maputi, may matangos na ilong at medyo may pagkapula ang kaniyang buhok. Dala-dala niya ang isang bokken na siyang tumama sa bintana ng shop at bumasag.

Nag-usap sila ng boss namin at napagkasunduan na babayaran ang lahat. Hindi na ako nakinig sa usapan pa at ginawa nalang ang trabaho ko.

Pagkatapos kong matanggap ang sahod ko sa araw na 'to ay kaagad akong nagbihis at lumabas sa restaurant. Nagulat naman ako dahil sinalubong ako ng lalaki na nagkasala kanina.

“P-po?” Nanginginig kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong sumigaw pero may pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi rin magkamaliw ang katinuan ko at naglalaro ang mga paru-paro sa aking sikmura.

“Yui,” sambit niya at niyakap ako nang napakahigpit. Bakit sobrang familiar ng Yui?

“Nagkakamali po kayo,” sabi ko at pilit na kumalas sa mga yakap niya. Pero ayaw ko, ayaw ng katawan ko na humiwalay sa kaniya. The longingness that I felt ever since I was born was filled by him. I don't know how a stranger makes me comfortable like this. Hindi ko alam ang pangalan niya at iba ang pagtawag niya sa akin.

Naramdaman ko nalang na pagbasa ng ulo ko kaya naisip kong umuulan subalit hindi naman dumadampi sa balat ko ang tubig kaya napagtanto ko na iyon ay ang mga gintong luha niya.

“Yui, matagal na kitang hinahanap.” Bulong niya at hinalikan ang noo ko.

“Hara po ang pangalan ko,” mahinang sagot ko.

“That was your name.” Sabi niya at kumalas sa yakap niya sa akin.

“Was?” Nagtatakang tanong ko. Hindi ko magawang magalit sa ginawa niya.

“I promised to love you in sickness and in health before you disappeared in the world of Afterlife,” paliwanag niya. Naalala ko ang panaginip ko at hindi inakalang totoo pala iyon.

“A promise is a promise. I love you Hara.” Sambit niya at sinagot ko siya kahit hindi ko alam o matandaan man lang ang pangalan niya.

PROMISES BEFORE RESURRECTION.

Inspired from the anime
Angel Beats.

Hinata & Yui Machihara

Genre: Fan-Fiction; Romance; Short Story

Written by: Zimakk

All rights reserved 2019

Promise Before RessurectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon