tawag ng tawag sa akin si ailee at tinatanong kung bakit ako biglang tumakbo
Wala naman kasalanan si ailee na magustuhan siya ni flinn siguro nga naging mabait lang talaga si flinn sa akin at siguro wala siyang kasama lumabas kaya inaya niya ako tutal friendly date lang naman yun.
"Pst" rinig kong tawag sa akin ni zander na nasa labas ng gate nasa harap kasi ako ng bahay at nagmumumi muni. Linapitan ko siya dun at pinapasok at saka kami umupo sa labas ng bahay.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong niya sa akin.
"Wala ang assuming ko lang kasi" napapailing iling kong sagot sa kanya
"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong.
Dapat ko ba 'tong sabihin sa kanya?wag na lang baka pagtawanan niya lang ako"nvm anyway bakit ka pala nasa labas ng gate kanina?"pagbabago ko ng topic.
"Gusto ko lang na makita ka"napatingin ako sa kanya at nananatili lang siyang seryoso.
"Nasan parents mo?" Tanong niya
"May pinuntahan"
"Uhm baka gusto mo ng juice, tea or anything?" Alok ko sa kanya at tumayo.
"No nevermind aalis na rin naman ako" tumayo siya
"Ambilis naman ah i mean sige" shet ano ba 'tong sinasabi ko.
"You want me to--" pinutol ko na ang sasabihin niya
"No baka kasi may importante ka pang gagawin sige na" ngumiti lang siya at nagpaalam
Pumasok na ako sa loob at kumuha ng malamig na tubig sa ref.
"Ba't parang malungkot ka?" Tanong sa akin ni kuya na bigla bigla na lang sumusulpot dito sa kusina kaya muntik ko na maibuga yung iniinom ko.
"Hindi normal face ko yan" sagot ko sa kanya at pumunta sa sala.
"Normal face daw baka naman na busted ka ng liniligawan mo" rinig kong sabi niya.
"Wtf kuya?srsly?"
"Just kidding, nakita ko kayo kahapon ng mga kaibigan mo at nung flinn." Nabigla ako sa sinabi niya edi nakita niya akong tumakbo?
"paano?" Tanong ko sa kanya lumapit siya sa akin at tinabihan ako sa sofa.
"Pauwi na kami kasama ng mga barkada ko but napatigil ako nang makita ko kayo malayo ako sa inyo pero naririnig ko pinag uusapan niyo and kung hindi ako nagkakamali ailee and flinn are in a relationship kaya umalis ka at iniwan sila dun nakita ko yung itsura mo na naluluha kinausap ko sila xeemer at xi at dun ko nalaman na may gusto ka pala kay flinn" tahimik lang ako na nakikinig sa kanya at pag naaalala ko yung nangyari parang naluluha ako.
Tinapik tapik ni kuya ang balikat ko at sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.
"It's fine ash wag kasi nakatutok ang mata mo sa taong gusto mo lang ba't di mo igala ang mata mo at baka dun makikita mo yung taong para sa'yo talaga" sabi niya na linalaro ang buhok ko
"Eh pano mo naman nasabi yan wala ngang nagkakagusto sakin saka nalungkot lang naman ako kasi akala ko gusto ako ni flinn" sagot ko sa kanya
"Dahil dun sa paglibre niya sa'yo sa isang resto at pagaya na lumabas?" Nagulat ako nang sbaihin yun ni kuya kaya napalayo ako sa kanya.
"P-paano mo yan nalaman lahat?" Nauutal kong tanong sa kanya napailing lang siya.
"You know ash kahit na lagi tayong nagbabangayan binabantayan parin kita and i don't want you to get hurt kapatid kita at ayoko rin na nakikita kang nalulungkot" napayuko naman ako nang sabihin yun ni kuya yinakap ko agad siya at napaluha.
"Psh iyakin ka talaga" sabi niya na natatawa.
"Ikaw kasi!!" Reklamo ko
Dumating na sila dad pagkatapos nung pag uusap namin ni kuya.
Masaya naman kaming kumain na sabay gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil kay kuya.
Nagtungo ako sa kuwarto ko at kinuha yung nakalapag na phone ko saka naglaro ng mga games.
Wala kaming pasok kaya kulong lang ako sa bahay maghapon.
tumigil na rin sa pag text sa akin yung unknown number ang weird din nun e.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Teen Fiction"The more you hate the more you love" do you believe in that sayings? STARTED WRITING YEAR 2018 FINISHED WRITING YEAR ----