"BILISAN MO HANNA! Hindi na matin maaabutan si Shaun sa stage kung babagal bagal kang tumakbo!!" tili ni Manet habang hawak hawak niya ang kamay ng bestfriend niya g si Hanna. Papunta sila ngayon sa ground floor dahil doon ginaganap ang autograph signing ni Shaun Rodriguez. Tatlong taon na nilang iniidolo si Shaun mula ng magsimula ito sa showbiz. Halos lahat ng fan gathering nito ay pinupuntahan nila.
Pero ang isa sa pinaka-achievement ni Manet bilang fan ni Shaun ay ang pagiging admin ng isang fanpage nito. Ang "Shaun is 4ever".
"OMG!! Nakikita ko na siya!! Bilisan natin!!"
"Oo na nga, andyan na.." sagot ni Hanna habang nakahabol pa din sa kaibigang G na G sa artistang sinisinta.
Inisang hakbang lang ni Manet ang escalator. Hindi niya alintana ang nababalya niyang tao sa paligid dahil ang importante ay makababa siya agad. Pagdating sa baba ay lumapit sila sa organizer at ipinakita ang binili nilang pabango na siyang iniendorso ni Shaun."Para akong nasa langit best! Kahit paulit-ulit akong pumunta sa fan gatherings niya hinding hindi talaga ako magsasawang makita siya." Ngiting sambit ni Manet. Napatirik na lang ng mata si Hanna.
"Alam ko naman yun best, kaya nga suportado kita sa trip mo na yan kahit minsan parang lukaret ka na kakasunod kay Shaun."
"Grabe ka naman best, lukaret talaga?"
"Ay bakit, hindi pa ba?"
"Mas ok na'to kesa pakikipagchismisan ang atupagin ko."
"Oo na nga. Sabi mo eh." Maya-maya lang ay narinig na nila ang hiyawan ng mga fans iyon ay dahil lumabas na mula sa back stage ang pinakahihintay ng lahat. Si Shaun Rodriguez. Napuno ng tilian amg buong ground floor dahil sa presensya ng aktor. Hindi sila magkamayaw at paulit ulit na sinasabi ang pangalan nito.
Shaun Rodriguez. 26 years old. Isang kilalang aktor at singer. Una siyang nagdebut bilang artista noong 21 years old siya. Nadiscover siya nang aksidenteng makita siya sa isang mall ng isang talent manager. Pagkatapos na isalang sa kabi-kabilang VTR ay kinuha siya bilang supporting role sa pelikulang "Summer Blues." naipamalas niya rito ang kanyang natural na galing sa pag-arte. Pagkatapos nito ay nagsunud-sunod na ang guestings at offer sa kanya sa TV at movie films. Marami na rin siyang natanggap na awards bilang isang aktor. Nakaraang taon lang siya nagsimula bilang isang solo singer at hindi nagtagal ay bumenta ang kanyang album sa buong bansa.
Eh sino ba naman kasi ang hindi maiinlove kay Shaun. Kahit parang boy next door ang aura niya ay ang cute niya pa ding tingnan lalo na kapag nakangiti siya. Hindi siya madamot ngumiti lalo na sa mga fans niya. Isa ito sa dahilang kung bakit nagustuhan ni Manet si Shaun bilang artista.
Ilang upuan na lang ang layo niya sa pwesto ni Shaun kaya hindi mapigilan ni Manet ang kiligin dahil makakadaupang palad na naman niya ang idolo niya.
Panay ang tingin niya sa paligid dahil anumang sandali ay parating na si Shaun. Kanina pa niya haak ang kanyang Hi-End camera. Itsura nang determinadong makunan ng close up shot si Shaun. Hindi niya napansin na kanina pa pala nag-ri-ring ang cellphone niya s atabi niya. Napansin ito ng babaeng nasa likuran niya at kinalabit siya.
"Miss, yung phone mo kanina pa nag-ri-ring." sabay turo sa cp niya.
Saka lang ito napansin ni Manet. Nakangiti siyang nagpasalamat sa babae. Nawala ang ngiti niya ng makita niya kung sino ang caller na nag-register sa screen ng cp niya.
"Oh bakit?" nabago ang sweet smile niya at napalitan ng simangot. Si Ella, isa sa staff niya sa museum. Malinaw ang bilin niya na huwag siyang istorbohin ngayong oras.
"Mam Manet, may problema po tayo sa isang artist."alalang tinig nito.
"Sino sa kanila?"
"Si Mr. Chua po."
"Oh anong problema kay Mr. Chua? Ok naman ang usapan namin nung Lunes ah? Naong naging problema?" tanong niya.
"Eh ayaw na niya ipagamit yung sculpture niya sa exhibit niya ngayon."
"Ha? bakit daw?"
"Kasi nung bumisita siya nung Miyerkules nakita daw niya na nadikitan nang bubble gum yung art work niya. Diba ayun yung araw ng gallery tour ng mga apo ni Senator Olivo? Hindi ko lam ang gagawin kasi baka magka-conflict, kaya sana ikaw na lang ang umayos sa gusot na'to." alalang sagot niya.
"Ako talaga? Ngayon pa? Alam mo naman na may lakad ako ngayon bakit mo pa tinapat? Hindi ba pwedeng bukas na lang o kaya kahit mamayang gabi na lang."
"Sorry Mam, ayaw na ata paawat ni Mr. Chua. Ikaw angpersonal request niya na kausapin eh. Sabi ko on the way ka na."
"On the way na ako?!" napasigaw siya sa sinabi ni Ella. Nahiya naman siya sa ginawa niya kaya napaupo ulit siya at gigil hinang sagot ang ginawa niya.
"Ella, alam mo ba kung kalayo ang lakad ko sa office natin. It takes almost 3 hours without traffic and it's almost 2 o'clock in the afternoon na!"
"S-sige po Mam, itatawag ko na lang po kay Director Park ang nangyari."
"Uy huwag! loko ka pare-pareho tayong malilintikan niyan. Sige gagawa ako ng paraan. Sabihin mo kay Mr. Chua hintayin ako."
YOU ARE READING
HE'S DATING A FAN GIRL 💚
RomanceSi Manet ay isang certified fanatic ng artistang si Shaun. Pero ayaw niyang ipaalam na isa siyang fangirl dahil ayaw niyang masira ang reputasyon niya sa trabaho. Orion is a CEO of an advertising company at wala sa bokabularyo niya ang salitang "Fan...