six

5.6K 347 134
                                    

Di ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising lang ako sa katok ni Ate Emma.

"Marlon? Buhay ka pa?"

Inangat ko 'yung mukha ko mula sa unan at kumurap sa bintana. As usual, nakababa ang blinds d'un. Bampira kasi ako lalo na pagkagising pero parang maliwanag pa naman sa labas.

"Buhay pa," sagot ko na nagmamadaling hinila 'yung kumot para takpan 'yung puwet ko kahit di naman na nagbubukas ng pinto si Ate pagkatapos n'ung isang beses... Di ko na ikukuwento. Basta isang linggo akong di nakatingin sa mga mata ni Ate Emma pagkatapos n'un.

"Sabi mo kasi tutulungan mo ako mag-shoot ngayon," paalala niya. "Okay lang ba?"

Shet. Oo nga pala. "Oo naman, Ate! Sandali lang. Lalabas na 'ko."

"Alright!" masayahin niyang sabi. "Sa reptile room lang ako. Kumain ka na muna."

"Okay."

Tumihaya na ako at tumitig sa kisame habang hinihintay na magising ang buo kong katawan. Nilingon ko 'yung alarm clock kong di ko naman ginagamit na pang-alarm. 11:03 AM. Okay. Puwede na.

Bumangon na rin ako at ang una kong ginawa ay kumuha ng shorts para isuot 'yun. Kahit kasi matagal na kami magkakasama ng mga anak ko, nakakakilabot pa rin kapag mapansin mong may malaking ahas na nakatingin sa badoodles mo. Binati ko silang lahat at chineck sa app sa telepono ko 'yung temperatura ng mga enclosures. Nang masigurong okay silang lahat, n'un na 'ko nagbanyo para jumingle at mag-toothbrush 'tapos nag-T-shirt na rin ako at lumabas na ako ng kuwarto.

"Good morning, Panget," bati ko kay Polong na nakatambay sa may TV.

"Tangnadis," sagot ng mokong.

Ngumisi ako saka ako dumerecho sa kusina para kumain. At dahil good boy ako, naghugas na rin ako ng pinggan bago ko pinuntahan si Ate sa reptile room. Mag-shu-shoot kasi siya ng video niya para sa YouTube channel niya ngayon at nangako akong sasamahan ko siya. Di naman kailangan ni Ate ng tulong na technical kasi mas may alam naman siya sa camera kesa sa 'kin. Pero minsan gusto niyang kasama ako sa videos niya.

Siguro mas maganda kung naligo muna ako di ba? Tsaka hindi lumang T-shirt at shorts lang ang suot ko.

"Hi!" bati ni Ate na parang nawala 'yung mga mata sa pagkakangiti niya sa 'kin. "Kumusta 'yung lakad mo kahapon?"

"Okay lang. Masaya naman."

"Kumusta 'yung girlfriend ni Ash?" tanong niya. "Kilala ko kasi siya sa pangalan pero di ko siya talaga kilala. Okay lang ba? Mabait?"

"Oo, mabait. 'Tsaka halatang mahal si Ash."

Inggit ba 'yung narinig ko sa boses ko?

"Buti naman," sabi ulit ni Ate. "'Tsaka dapat lang ano! Ang bait kaya ni Ash."

O, ba't natawa ka sa sinabi ni Ate?

"Eh 'yung mga friends niya?"

Si Charlotte agad ang naisip ko. Napangiti ako nang di ko sinasadya. Buti hindi nakatingin si Ate, kundi si Boy Paliwanag ako nito.

"Okay lang. Mababait din sila." 'Tapos kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa ko para ipakita 'yung group picture namin sa kanya.

"Barkada ni Meredith. Si Pia, si Alessa at si ano, si Charlotte."

Ahehe naging hugis puso sigurado 'yung mga mata ko. 

Hindi ko tiningnan si Ate n'ung nag-angat siya ng mukha sa 'kin pero alam kong may naaamoy na siya. N'ung di ko talaga siya tiningnan, tumungo na lang siya ulit sa screen.

The Harder I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon