Second Chances

7 0 0
                                    

CHAPTER FOUR:

SECOND CHANCES

“ Wala ka ng pwedeng baguhin sa nakaraan dahil nanyari na iyon at kalian man hindi mo na pwedeng balikan, ngunit sa kasalukuyan at sa hinaharap ay meron ka pa pwedeng gawin at iyon ang pagkakataong itama ang nagawa mong pagkakamali noon”.

 

 

November 29, 2012

01:45 pm

   “Sa wakas makakauwi na ako ng pilipinas. Pagkatapos ng dalawang taon kong pagtatabaho sa Dubai makikita ko na rin ang anak ko at masayang-masaya ako dahil dito ako magpapasko sa pilipinas”. Kinakausap ko ang sarili ko habang papalapag ang eroplano.

  Pagbaba ko ng eroplano at pagkuha ng mga bagahe ko agad kong hinanap si Ali at Sasha  na nasa waiting area ng NAIA 1.  Nakita ko si Sasha kasama ang mama niya na sabik na sabik makita akong muli.

   “Papa! Sumisigaw si Sasha ng makita niya ako nang bigla siyang tumakbo papunta sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Sa halos dalawang taon kong pagtatrabaho sa ibang bansa, dalawang taon rin na hindi ako naging ama para sa anak ko. Ngayon sa pag-uwi ko ay wala na akong sasayangin pang pagkakataon, pupunuin ko ng mga masasayang sandali namin ng anak ko na hindi ko nagawa ng dalawang taon.     

    “Ali kamusta namiss kita parang gumanda at pumayat ka ngayon ha! Pabirong sabi ko kay Allison.

   “Tumigil ka nga Miguel matagal na akong maganda noh! Sabi Allison sa akin habang kitang-kita sa mga mata niya ang labis na galak dahil nakauwi na ako sa pilipinas.

   Umalis na kami ng airport ng napansin namin na napakatraffic sa daan. Nalaman naming may aksidente palang nanyari. Isang jeep sumalpok sa isang kotse. Habang tuloy ang pag-aaway ng dalawang nagmamaneho ng kanya-kanyang sasakyan ay bigla akong napalingon sa babaeng news reporter na kumukuha ng balita tungkol sa nanyaring banggan. Nakatalikod ang babaeng news reporter habang iinterview ang may ari ng kotse na nabangga ng jeep. Biglang lumingon ang babae sa mga sasakyang dumaraan ng bigla ko nakita na ang babaeng news reporter ay si Andrea Javier. Ang babaeng minahal ko noon ngunit pinili akong iwan at ipaubaya sa babaeng ni minsan ay hindi ko naman minahal  at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko para kay Andrea.

           ................† † † †.................

  

(FLASHBACK)

    Ang araw na pagrereto sa amin ng kaibigan niyang si Macy. Ang relasyon naming walang naganap na ligawan at ang buong akala ni Andrea ay biruan lang ang lahat. Ang graduation ko noong highschool na sa wakas ay nagkaroon na ako ng pagkakataong ipakilala siya sa mga magulang ko bilang girlfriend. Noong graduation niya na niyakap ko siya pagbaba niya ng stage pagkatapos tanggapin ang kanyang diplonma na hindi ko na inisip kung ano ang iisipin ng mga kabatch niya pati na rin ang tatay na nanay niya. Ang pagsasama namin na parang wala ng katapusang kaligayahan, hanggang dumating ang gabi na sana ay iniwasan kong mangyari at ito ay nung malasing kami ni Ali at nagtalik. Ang mga sulat na ginawa ko sa kanya dahil nahihiya ako sa nagawa kong kasalanan na kalian man hindi na maayos pa. Ang araw na sa ay hindi na lang nanyari, ito ang tuluyan niya akong iniwan sa coffee shop dahil hindi niya araw kayang lumaki ang anak namin sa walang magigisnang pamilya.

   Simula ng araw na iyon ay hindi ko nakita pang muli sa Andrea. Kung meron man magandang nanyari sa mapait na kahapon, ito ay ang biniyayaan ako ng diyos ng pagkakataong maging ama sa pinakamabait na anak na bawat magulang ay wala ng mahihiling pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Not So Ordinary Love Story: Chapter FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon