Wakas

361 11 0
                                    

WARNING!

Unedited

Wakas

"Just go home this coming christmas okay?"

I groaned at my Mom at walang nagawa kun'di ang sumang-ayon.

Aya'ko nang umuwi. Every time I'm going to go home palagi ko lang naalala ang pag-aaway nila sa mansyon. When I was a kid palagi iyon ang naabutan ko sa t'wing umuuwi ako galing eskwelahan. Kaya naman nang pagdesisyunin ako ni Mommy kung saan mag-aaral ng kolehiyo ay mabilis kong sinabi ang America. Hindi lang sa kadahilanang nandoon ang Papa. Kun'di doon, kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko nang hindi hinihingi ang pahintulot ni Mommy.

Wala ako sa mood ng makatapak sa mansyon. Walang siyadong pinagbago ang mansyon. Kung ano ko 'to iniwan 'nong isang taon, iyon pa rin iyon.

Agad akong tumungo sa aking k'warto. I want to take a rest. Hindi ko gustong iuli ang tingin ko sa kabuoan ng bahay na ito.

Nang makapasok sa loob ay naka-rinig ako ng flush ng inidoro sa banyo. My brow immediately furrowed. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at agad na tinawagan ang aking ina.

"Mom, I'm home." bungad ko nang sagutin niya iyon.

Amoy na amoy ko pa ang pabango ng isang babae. I am sure that there's a woman inside my room.

"What? I thought magpa-pasundo ka kay Henry? What happened at napaaga yata ang flight mo?"

Nilapitan ko ang study table ko at naningkit ang mga mata ko nang makita ang nakabukas na libro doon. Nang tingnan ko iyon ay nasa isang bed scene ang kaganapang nandoon.

"It's okay. I got home safe. No need to worry." iritado ang aking boses.

Hindi ako naiirita sa'king kausap. Kun'di sa kung sino mang nangielam ng librong ito. Naiisip ko pa lang na isang babae ang nagbabasa nito'y umiinit na ang ulo ko. Inayos ko ang libro.

Tumungo ako sa banyo nang magpaalam sa'kin ang kausap. I held the door knob at balak na sanang buksan iyon nang bigla itong bumukas

Agad na bumungad sa akin ang gulat at takot niyang mukha. This girl infront of me is a petite girl. Hindi siya kaputian ngunit hindi rin naman siya kaitiman. Ang mahaba't tuwid niyang buhok ay bumabagay sa maliit niyang mukha. Her eyes are dark but still looked so innocent. Damn! Nagawa kong pagmasdan ang kabuoan niya sa isang mabilis na tingin lamang.

"What are you doing here?" I asked seriously, trying to hide what I thruly feel.

She immediately panicked "S-sir. S-sorry! Hindi na po mauulit. Ang totoo po'y pinakielaman ko ang libro niyo dahil na-curious ako doon. H-hindi ko po namalayang dalawang oras na akong nagbabasa h-hindi ko po talaga alam. Sorry Sir h-hindi na po mauulit. Sorry! Pasensya na p--"

I want to laugh at her reaction but I stop myself and maintain myself in a serious awra.

"So, ikaw ang nangielam ng librong iyon?"

 Tumungo ito habang tumatango.

I sighed. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang magbasa nang ganoong libro. Bigla naman akong nahiya sa sarili.

"Hindi mo ba alam na ang librong iyan ay pang eighteen years old and above?"

Pilit kong tinago ang aking pagkangisi sa pamamagitan nang pagbibigay nang matalim na salita. Ang takot na ipinapakita niya'y nagbibigay ng ngisi sa akin.

She shooked her head. "Hindi po."

I sighed.

Unti-unti niyang inangat ang kaniyang paningin. Nabigla ako nang makita siya. Hindi ko siya kilala at mas lalong hindi pamilyar ang kaniyang mukha. Muli ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, ngayon ko lang napagtanto na bago siya.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon